CHAPTER 7: HELLO ERYL! I'M KAMYLLE!

1.6K 43 6
                                    

KAM'S POV

Kinabukasan, maaga palang gising na ako. Balak ko kasing puntahan yung address na binigay ni Kuya Leon.

"Oh? Bakit ang aga mo yata magising? May pasok ka ba?" tanong ni Mom sa akin pagbaba ko. Tamang tama nag hahanda sya ng almusal.

"Wala Ma, pero may lakad ako." Sabi ko sa kanya sabay upo sa pwesto ko. Wala pa yung ibang Kuya ko.

"At saan ka naman pupunta?" tanong ni Kuya Alex. Kakagising nya din lang.

"Magkikita kami ng mga classmates ko. Pero maaga naman kai uuwi." Sabi ko sa kanya. Hindi ko pwedeng sabihin may idea na ako kung sino yung donor ko dahil tiyak papagalitan ako.

"Buong lingo ka ng nagtratrabaho tapos pag rest day mo aalis ka pa rin. Hindi ka ba sobrang pagod ka na nyan ha Althea?" sabi ni Dad habang pababa ng hagdan, Kasunod nya si Kuya Zander.

"Oo nga! Alalahanin mo Althea hindi pa tayo sigurado kung talagang magaling ka na kaya wag mong pwersahin yung sarili mo." –Kuya

"Kuya naman. Hindi pa ba sapat yung 4 na taon na akong hindi inaatake ng sakit ko para masabi mong magaling na ako." Sagot ko.

"Hindi! Hindi pa tayo dapat magpakasiguro. Alam mo namang traidor yang sakit mo. Kahit na hindi kana inaatake dapat ka pa ring mag ingat." –Kuya Alex.

"Alam ko naman yun Kuya. Iniingatan ko naman yung sarili ko. Tsaka hindi naman ako nagpapakapagod. Halos wala na nga akong ginagawa dito eh." Dipensa ko naman. Totoo naman kasi. Uuwi ako dito sa bahay para matulog at kumain. Ni walis hindi man lang nila ako pinapahawak dahil natatakot silang atakihin ako.

"Ewan ko ba naman kasi sayo kung bakit nag OOJT ka pa. Pwede ko namang kausapin yung Dean at mga professor mo na I except ka sa OJT pero ayaw mo naman. Para saan ba at naging alumni kami ng school na yan." –Kuya Zander.

"Oo nga Sis. At hindi lang basta alumni. President pa si Kuya Migs ng Student Council at Founder naman ng fraternity si Kuya Zander." –Kuya Alex.

"Tumigil nga kayo. Pinagtutulungan nyo na naman tong kapatid nyo. Hindi to aatakin dahil sa pagod, aatakihin to dahil; sa kunsumisyon sa inyo." Sabi naman ni Mom. Buti na lang talaga andyan si Mom.

"Oo nga.. tsaka hayaan nyo ng mag liwaliw paminsan minsan si bunso. Nabuburyong din naman yan dito. Hayaan nyo nyang iexplore nya yung world,, di ba sistah?" sabi ni Kuya Gab sabay yakap sakin.

"Asus! Nagkampihan na naman sila." –Kuya Alex.

"Naman.. syempre sino pa ba magkakampihan kundi kaming mga girls diba?" –Kuya Gab

"Girl ka? Ako nga Gabriel tigil tigilan mo ha! Lalaki ka pa rin kaya dapat samin ka kampi." –Kuya Zander

"Uu nga! Tsaka kahit magkampi kampi pa kayo panalo pa rin kami. 3 lang kayo, 4 kaya kami." –Kuya Alex

"Oh sya! Tama nay an! SIge na althea lumakad ka na. Siguraduhin mo lang na uuwi ka bago mag alas 3," –Dad

Alas 3? Grabe naman.

"Alas tres? Dad naman si Cinderella nga hanggang 12 tapos ako alas 3 lang?" sagot ko habang naka simangot.

"OO nga Dad gawin mo ng kalahati ng orsa ni Cinderella. Hanggang alas 6." –Kuya Gab

"Wag na Dad masyado ng gabi yun. Hanggang alas 4 lang." –Kuya Zander

Napaka sulsulero talaga nitong mga toh.

"Dad?" sabi ko sa kanya habang with matching puppy eye. Hindi ko alam kung kelan ko naging mannerism yan pero epektibo naman.

"Ok! Hanggang 7. Take it or leave it." Sabi ni Dad.

HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon