CHAPTER 59: ADIOS ABUELO

1.1K 32 19
                                    

IVAN'S POV

"Sigurado ka ba di kapa uuwi?" tanong ko kay Angel.

Kagagaling lang namin kina Shin para manood ng karera, ang kaso walang naka schedule ngayon. Wala kasi yung partner ni Shin na si Mike. Malamang nasa ospital yun nag babantay kay Kamylle.

"OO..wala naman akong gagawin sa bahay. Tsaka sabi mo nandito si Nat di ba? Gusto ko din syang kamustahin." sagot nya.

Hindi na ako nakipag talo sa kanya. Alam ko naman kasing hindi ako mananalo.

Pag pasok namin napansin kong ang sama agad ng tingin ni Brix. 

"Oi tamang tama andito na kayo.." bungad ni Ericka.

"Bakit? Anong meron?" tanong ko.

"Dala ko na yung gown na isusuot mo Angel sa kasal ko. Kinuha namin kanina." sabi ni Ericka sabay abot kay Angel nang box.

"WOW!!! ang ganda...Akin to?" tanong nya habang nanlalaki yung mata.

"Hindi..Akin yan Gel..Ako mag susuot nyan.." sabat ko.

"Che!! Nakay Brent yung sayo! Dali Gel isukat mo...tingnan natin kung fit." excited na sabi ni Ericka.

"Bawal yun di ba? Bawal mag sukat ng gown bago ang kasal." -Ako

"Tangek! Bawal yun kung bride yung mag susuot. Pero kung bride'smaid pwede naman." singit ni Nat galing sa kitchen. May bitbit syang isang tray na may lamang coffe. 

"Oo nga..Anu yun hindi matutuloy yung pag aabay nya?" natatawang sabi ni Third.

Napansin kong medyo hirap maglakad si Nat. Malamang dahil na rin sa laki ng tyan nya.

"Oi bakit nyo pa pinagbibitbit ng kung ano ano yan...Baka mapaanak yan ng wala sa oras." sita ko sa kanila.

"Isa pa kasi to eh..Tigas din ng ulo." sabi ni Brix sabay kuha ng bitbit na tray ni Nat.

Pumasok si Ericka at Angel para isukat yung gown. Susunod sana ako kaso pinigilan ako ni Brix at Brent.

"Hoy saan ka pupunta?" sita ni Brix.

"Susundan sila..Titingnan ko kung maganda yung gown." -Ako

"Gago ka ba? Umupo ka dito hintayin mo silang lumabas. Maninilip ka lang sa mapapangasawa ko pa." -Brent

"Si Ericka ba yung maghuhubad? Hindi naman diba? Napaka judgemental mo naman tol! Sino naman magkaka interes sa katawan ni Erickang straight na..." hindi ko natapos yung sasabihin ko dahil biglang lumabas si Angel suot yung gown.

"MAY SINASABINKA BA SA KATAWAN KO IVAN?" singal ni Ericka.

Pero di ko sya pinansin. Nakatuon yung mata ko kay Angel. 

Ang ganda nya.. Sobrang bagay sa kanya yung gown.

"Ang ganda mo Gel..sabi ko na nga ba perfect sayo yan eh!" -Ericka.

"Oo nga..Haays nakakamiss yung katawang ganyan."-Natalie

Medyo tumaba na kasi sya dala ng pagbubuntis.

"Kahit naman tumaba ka Hon ikaw pa rin ang pinaka maganda sa lahat.."-Jam

"Sus..Binola mo na naman ako."-Nat

"Yuck! Ang tanda nyo na korni nyo pa din." sabi ko na kunwari masusuka.

"Palibhasa kasi di ka pa naiinlove kaya ka ganyan." -Jam.

"Hindi pa nga ba?" sabat ni Nat sabay sulyap kay Angel. 

Hindi naman yun napansin ni Angel kasi naguusap sila ni Ericka.

HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon