IVAN'S POV
"Buti pa mag inuman nalang tayo. Isang buwan nalang ikakasal kana kaya for sure malilimitahan na rin yung oras mo sa inuman kaya i-enjoy mo na" sabi ni Brent kay Rex.
Oo nga pala. One month to go, 1 down na naman kami. Ibig sabihin, ako, si Third at si Brix nalang yung natitirang single sa aming amin.
Teka? Single nga ba si Brix? Single pa rin nga kaya sya? Ewan.. hindi ko alam. Nagkaayos man kami pero hindi maitatangging may malaking pader pa rin sa pagitan namin.
Kasalanan ko ba dahil umiiwas ako?
O kasalanan nya, dahil hindi sya maging totoo sa sarili nya.
Mahal nya si Angel pero dinedeny nya.
Sinapak nya ako dahil sinaktan ko si Angel, pero ayaw nyang amining natutuwa sya dahil may chance na sya.
Kahit kailang, ang gulo talaga ng isip ng taong yun.
"Oi.. ayos ka lang ba?" bati sakin ni Rex.
"Oo naman. Ayos na ayos lang ako. Bakit?" sagot ko.
"Wala lang, di lang ako sanay na tahimik ka. May problema?" -Rex
"Tong mukhang to magkaka problema? Wala Tol! Ayos lang ako. Feeling ko ikaw ang magkaka problema pagkatapos ng kasal mo." -Ako
"Bakit naman?" kunot noo nyang tanong.
"Kasi mababawasan na yung happy time mo. Hindi na pwede yung lagi mong ginagawa na lalayas kung kelan mo gusto. Kapag may asawa ka na, hindi na pwede yun. Look Jam and Brent, mas madalas nasa bahay nalang sila o di kaya nasa coffe shop." -Ako
Tumawa sya.
"If that's what it takes to be with someone I love, then be it. Right, Brent?" -Rex
"True. Kapag kasama mo yung taong mahal mo kahit sa loob ka lang ng bahay buong linggo, hindi ka mabobored. Kahit sya lang yung makita mo, ayos lang. Kahit kayo lang yung magksama, walang problema. Kaya kung ako sayo, maghanap na din ng taong mamahalin mo para di boring yang buhay mo." sabi nya.
Napansin kong siniko sya ni Rex.
"Nakita ko na. Kaso pinakawalan ko kasi iba yung gusto nya." malungkot kong sabi.
Pagkatapos naming maginuman, naghiwa hiwalay na kami. Si Brent, tinawagan na ni Ericka para umuwi. Si Rex naman tinext na ni Kam hinahanap kung nasaan. Ako.. eto si Globe lang ang nag text. Nag reremind na bayaran ko na yung bill ko sa line.
Ayoko pang umuwi kaya lumipat lang ako ng bar. Minsan na rin akong naka punta dito at mukhang okey naman. Dumiretcho ako sa counter.
"Whisky, please" utos ko sa bartender. Agad naman nyang binigay yung order ko.
Maya-maya may isang lalaki at babaeng umupo sa tabi ko. Mukhang mag boyfriend at girlfriend sila base na rin sa yakapan at landian nila.
"Tss.. magbrebreak din kayo" bulong ko sa sarili ko. Tapos nun inubos ko na yung laman ng baso.
Nanlaki yung mga mata ko ng sulyap ko, mukha ni Angel at Brix yung nakita ko.
"Shit!" bigkas ko sabay hablot sa braso nung babae. Nagulat sya sa ginawa ko. Ganun din yung lalaking kasama nya. Saka lang ako natauhang hindi sila si Brix at Angel.
"ANONG PROBLEMA MO?" tanong sakin nung lalaki. Halatang nagalit sya sa ginawa ko sa girlfriend nya.
"Ah.. pasensya na pre. Akala ko kasi yung kakilala ko." hingi ko ng paumanhin.
BINABASA MO ANG
HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)
DragosteLove comes in the most unexpected way... in the most unexpected person... and sometimes in the most unexpected reason... This is the perfect story to show how FRIENDSHIP conquers RIVALRY................. "Sya yung unang babaeng minah...