CHAPTER 4: LIES BEHIND THE SECRET

1.6K 44 2
                                    

KAM'S POV

Mahigit isang linggo na kong nag O-ojt dito sa Monteverde Medical pero hindi ko pa nagagawa yung tunay na pakay ko. Wala pa rin akong idea kung dito ko nga ba makikita yung hinahanap ko.

Flashback

"Stop it Kamylle! Tama na yan at pagod ka na!" sigaw sakin ni Mom habang papalapit sa pool.

Andito kami ngayon sa isang private resort sa Batanggas. Bakasyon na kasi sa school kaya pinagbigyan ako ni Dad na mag out of town. Mas maaga yung bakasyon namin compare sa ibang school kaya naman mas mahaba yung oras namin para mag enjoy. Kaso hindi rin ako makapag enjoy dahil laging nakabantay si Mom.

"I'm Ok mom! Don't worry!" sigaw ko sa kanya.

"No! Stop it Baby! Baka mamaya mapagod ka at atakihin ka na naman. Alam mo namang bawal kang mapagod di ba?" sabi nya. This time nasa tabi na sya ng pool at may hawak na towel.

Haist! Eto na naman kami. Lagi na lang ganito. Kapag nag uumpisa na akong mag enjoy saka naman nila ako papatigilin.

Aahon n asana ako ng biglang namanhid yung mga paa ko. Hindi ako makakilos at kasabay nun bigla ko na lang naramdaman na hindi ako makahinga hanggang sa unti unting nagdilim yung paningin ko.

Nang magising ako, nasa ospital na ako. Sa dalas ba naman ng pagkaka ospital ko,na saulo ko na yata pati kisame ng ospital.Nakita kong nasa tabi ng kama ko si Mom habang nakapilit, si Kuya naman nasa sofa nakahiga. Si Dad hindi ko makita.

Dahan dahan kong iginalaw yung kamay ko para hindi magising si Mom . Tinitingnan ko lang kung buhay pa ako. Bakit ganun yung parinramdam ko parang may nagbago. Pakiramdam ko may bago sa katawan ko. Hinawakan ko yung dibdib ko dahil medyo kumirot. Naramdam kong may sugat at may benda. Anong nangyari sakin? Inoperahan ako?

"Kam?" tawag ni Mom habang nakangiti. Nakangiti sya pero may luha sa mga mata nya.

"Mom?" tawag ko rin sa kanya. Ang weird ng pakiramdam ko. Hindi ko ma explain.

"Thanks God you're awake! Akala ko mawawala ka na sa amin. Mabuti na lang at successful yung operasyon." Sabi ni Mom habang nakayakap sa akin. Umiiyak pa rin sya.

"Operasyon? What do you mean Mom?" tanong ko.

"You undergo heart transplant." – Mom

"What? You mean may donor na?" tanong ko ulit kay Mom.

Alam ko naman na heart transplant na lang yung tanging solusyon sa sakit ko pero hindi na ako umaasa na magkaka donor ako. Una, dahil masyadong rare yung dugo ko, at kailangan yung pusong ililipat sa akin ka match ng dugo ko.Pangalawa, dapat walang sakit yung mag dodonate. At pangatlo at pinakamahirap sa lahat, donor mismo. Sino ba naman kasing tao ang magpapakamatay o pamilya na papayag idonate yung puso ng taong mahal nila para mabuhay ako. Kaya nung sinabi ni Mom na bago na yung puso ko sobra talaga akong nagulat.

"Yes Baby! Habang nasa emergency room ka bigla kaming tinawagan ni Dr. Ramirez. Sinabi nyang may donor ka na at nag kataon pa na nasa iisang ospital kayo. Kaya hindi na kami nagdalawang isip ng Dad mo at pumayag na kaming isagawa yung heart transplant." Paliwanag ni Mom.

"Sino sya Mom? I want to know him or her." –Ako

"I'm sorry Baby pero ayaw ipaalam ni Dr. Ramirez kung sino yung nagdonate sayo." –Mom

"What? Why? Yung family nya? Gusto kong malaman kung sino yung pamilya nya para makapagpasalamat man lang tayo." –Ako

"Same thing Baby, Ayaw din ipaalam ni Dr. Ramirez yung pamilya ng donor. Ang sabi nya pinakiusapan daw sya nung pamilya na wag ng ipaalam kung anong pangalan nung donor mo." –Mom

HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon