REX'S POV
Pgkatapos sabihin ni Lolo Andrew lahat lahat napatayo ako.
"Ngayong nasabi ko na ang lahat magiging maluwag na yung dibdib ko. Maari na akong hunarap sa apo kahit ano oras mula ngayon. Kayong mga naandito, kayo ang pinaka mamahalagang tao sa buhay ng apo ko. Sana lang mapatawad nyo ako sa hindi ko pag sasabi ng totoo. Wag nyo rin sanang sisisihin si Kamylle, dahil naniniwala akong ang intensyon nya lang ay makilala at maging kaibigan kayo. Mga apo..humihingi ako ng paumanhin sa ginawa ko. Maaring ang iba sa inyo naiintindihan ako. Ang iba naman ay hindi. Pero kahit na ano pa man ang soloobin nyo sa nangyari, sana matutuhan natin tanggapin ang itinadhang mangayri." dinig kong sabi ni Lolo Andrew.
Itinadhana?
Sino ba ang nagbigay ng putang inang tadhana na yan kay Eryl.
Anong taghana nya? Ang maging donor para matugtungan yung buhay nang taong hindi man lang nakilala.
Hindi ko alam pero pakiramdam ko anytime sasabog ako sa galit.
Tumayo rin si Kamylle tsaka ako hinawakan sa braso pero sinigawan ko sya.
"WAG...MO....AKONG...HAWAKAN..." madiin kong sabi sabay bawi ng braso ko.
Namumugto na yung mga mata nya kakaiyak pero wala akong paki alam. Puro galit yung nararamdaman ko sa kanya.
"Rex..Please mag papaliwanag ako...Please pakinggan mo ko." pag susumamo nya.
"Paliwanag? Sinong nanghihingi ng paliwanag mo? Hindi ko kailangan ng paliwanag mo. Sana kusa mong ipinugay yan noon. Pero ano? Anong ginawa mo? Ng sinungaling ka? Nagsinungaling kayong lahat sa akin. Akala ko pa naman maasahan ko kayo. Pero hindi pala." sabi ko sabay talikod sa kanila.
"Rex kaya ko lang naman ginawa yun kasi gusto kong tanggapin nyo ako bilang ako. Hindi bilang kapalit ni Eryl. Gusto kong sa tuwing makikita nyo ako, Si Kamylle yung makikita nyo. Hindi si Eryl." paliwanag nya habang umiiyak.
"Ang taas naman ng pangarap mo kung inaakala mong kaya mong palitan si Eryl? Para sabihin ko sayo, kahit ibigay sayo lahat ng meron si Eryl hinding hindi mo sya kayang palitan. Kahit na anong mangyari si Eryl ay Eryl." sabi ko sa kanya sabay talikod.
"REX!!!!" tawag sakin ni Jam pero hindi ko sya pinansin.
Dirediretcho lang ako sa pag labas papunta sa kotse ko.
Habang nag mamaneho hindi ko alam kung saan ako pupunta.
Halo halong emosyon yung nararamdaman ko.
Galit, dahil sa pagtatago nila sa akin ng totoo.
Lungkot, dahil pakiramdam ko dalawang beses namatay si Eryl.
at Sakit dahil akala ko si Kamylle na yung taong matagal ko ng hinihintay.
Akala ko sa pamamagitan ni Kamylle makakapag bagong buhay ako.
Akala ko dahil sa kanya magmamahal ulit ako.
Akala ko yung pag dating nya yung daan para maka move on ako.
Pero hindi pala.
Mali lahat ng akala ko.
Naisip kong puntahan yung puntod ni Eryl pero sa unang pagkakataon nag dalawang isip ako.
May mukha pa ba akong ihaharap sa kanya?
Ang kapal naman ng mukha ko kung pagkatapos kong subukang magmahal ng iba, babalik ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)
RomanceLove comes in the most unexpected way... in the most unexpected person... and sometimes in the most unexpected reason... This is the perfect story to show how FRIENDSHIP conquers RIVALRY................. "Sya yung unang babaeng minah...