Rex's Pov
Pag dating ko sa bahay halos hindi pa rin ako makapaniwala sa naganap ngayong araw na to.
Hindi ko man alam kung anong tunay na nagyari kung bakit nasa ospital si Kamylle pero puno ng pagsisisi yung puso ko. At hindi ko mapapatawad yung sarili ko kung sakaling may hindi magandang mangyari sa kanya.
Nung gabing yung halos hindi ako makatulog. Parehong ayaw magpahinga ng mata at isip ko kakaisip sa kanya. Gusto ko syang makita. Gusto kong humingi ng sorry at higit sa lahat gusto kong sabihin sa kanya na mahal ko sya at handa akong kalimutan ang lahat at magsimula ulit.Pero paano ko gagawin yun ganung kinamumuhian ako ng buong pamilya nya.
Sa kakaisip ko kay Kamylle namalayan ko nalang na umaga na pala.
Shit! ni idlip hindi ko nagawa.
Parang sasabog yung isip ko kakaisip kung kamusta na sya. Kung okay lang ba sya.
Nung hindi ko na kayang tiisin yung nararamdaman ko, nag desisyon akong puntahan sya mag isa.
Alam ko kagaguhan tong gagawin ko. Para akong pusang papasok sa teritoryo ng mga Leon. Pero bahala na! Gagawin ko para sa kanya.
Agad akong naligo at nagbihis.
Hindi na ako dumaan sa Coffe shop kasi malamang sa malamang pipigilan na naman nila ako.
Pag dating sa ospital, ilang minuto muna akong tumambay sa labas. Nag iipon ng lakas ng loob para harapin sya at yung pamilya.
Alam ko abot hanggang langit yung galit nila sakin. Pero handa akong harapin at tanggapin yun makita ko lang si Kamylle.
Paglipas nang kalahating oras pumasok ako sa loob ng ospital.
Pagdating ko sa ward nya tatlong beses akong kumatok.
"Ano ba? Kakatok pa eh! Hindi na lang puma..." bungad sakin nung nag bukas ng pinto.
"Hi..go...od..mor...ning" nauutal kong sabi.
"Goodmorning din. Sino ka? Anong kailangan mo dito?" tanong nya sakin.
Tiningnan nya ko mula ulo hanggang paa.
"Ano..bibisitahin ko lang sana si Kamylle." sagot ko.
Di ko magawang sabihin na ako si Rex dahil baka mapatay ako nito.
"Sino yan Kuya?" sabi nung isang lalaki sabay silip sa pinta.
Agad syang tumayo ng makita nya ako.
"IKAW!! ANONG GINAGAWA MO DITONG GAGO KA!" sabi nya sabay suntok.
Agad akong napasubsub sa sahig dahil dun. Hindi ganun malakas yung suntok nya kagaya nung mga nakalaban namin sa UG dati, pero ramdam na ramdam ko yung galit.
"Teka..Sino ba yan?" sabi nung nagbukas ng pinto.
"Sya lang naman si Rexel Ayala, Kuya. Sya yung dahilan kung bakit naandyan si Kamylle ngayon." sabi nung lalaking nanapak.
Natatandaab ko sya. Sya yung sumugod sa coffe shop at nanapak sakin.
"WHAT!!! IKAW! WHAT ARE YOU DOING HERE? ANG KAPAL NG MUKHA MONG PUMUNTA DITO." sabi nya sabay suntok ulit sa mukha ko.
This time nalasahan ko na yung sarili kong dugo.
Ilang beses pa nila akong pinagtulungang bugbugin. Naawat lang sila ng dumating yung security ng ospital.
"LUMAYAS KA DITO. HINDI KA NAMIN KAILANGAN. ILABAS NYO YAN DITO BAGO PA NAMIN MAPATAY YAN." utos nya sa mga security guard.
"Dito lang ako. Alam ko galit kayo sakin dahil sa nangyari kay Kamylle. Galit din ako sa sarili ko dahil sa nangyari sa kanya. Please hayaan nyo kong makita sya. Nagmamakaawa ako sa inyo." sabi ko sabay luhod sa harap nila.
BINABASA MO ANG
HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)
RomantizmLove comes in the most unexpected way... in the most unexpected person... and sometimes in the most unexpected reason... This is the perfect story to show how FRIENDSHIP conquers RIVALRY................. "Sya yung unang babaeng minah...