CHAPTER 54: DONNA IS BACK

1.3K 26 16
                                    

IVAN'S POV

Mag iisang linggo na ang lumilipas pero hindi pa rin nagpapakita si Rex. Madalas ko naman syang kamustahin sa pamamagitan nung care taker nung resort pero hindi ko pa rin sinasabi kina Natalie na alam ko kung nasaan sya.

"Guys.. Hindi ba kayo nag aalala kay Rex? Isang linggo na syang wala. Isang linggo na natin sya hindi nakikita. Hindi natin alam kung anong nangyayari sa kanya." singhal na Natalie.

Hindi ko alam kung dala lang ba ng pag bubuntis nya pero madalas syang laging galit.

"Tumawag naman sya nung isang gabi di ba? Ibig sabihin okay lang sya." sabi ko.

Nagpunta ako kay Rex nung isang araw para kamustahin sya at dalhan na rin sya ng supplies. Sa sitwasyon nya ngayon malabong sipagin yun mag shopping o mamalengke man lang. At mukhang tama nga ako dahil naabutan ko syang natutulog sa sala katabi ang mga basyo ng alak.

Tinanong ko sya kung kelan nya balak bumalik ng Manila pero hindi nya ko sinagot. Sinabi ko rin yung nangyari nung nakaraan sa shop at yung pag uusap namin ng mga Kuya ni Kamylle pero mukhang wala syang pake alam.

Sinabihan ko lang sya na kung hindi pa sya babalik sa Manila tawagan nya sila at sabihin nyang okay lang sya dahil kung hindi sasabihin ko kina Natalie kung nasaan sya. Rinding rindi na kasi yung tenga ko kakatanong ni Nat kung nasaan na sya.

"Alam mo Nat, magpahinga ka na. Naprapraning ka lang. Wag mong masyadong intindihin yun si Rex dahil malaki na yun. Kaya na nun yung sarili nya." sabi ko.

"Alam nyo namang hindi ako mapakali kapag may isa sa inyong nawawala di ba? Kaya sige na please hanapin nyo na si Rexel. Nag aalala ako

na baka may mangyaring masama sa kaibigan nyo." pakiusap ni Nat.

Napatingib nalang ako kay Third at Jam.

"Hindi mo ba talaga alam kung nasaan si Rex?" bulong sakin ni Jam.

Minsan lakas din ng pang amoy nito eh.

"Hindi nga. Nag away kami di ba kaya hindi yun mag sasabi sakin." sagot ko.

Mukha namang napaniwala ko sya kasi di na sya nag tanong ulit.

Maya maya biglang dumating si Ericka kasama si Brent.

Mukhang may pinag tatalunan sila.

"Dali na kasi Babe.. Sabihin mo na kung sino yun?" sabi ni Ericka sabay hila sa braso ni Brix.

"Babe.. Bakit ba ang kulit mo. Sinabi ko na ngang mamaya na pag uwi." sagot naman ni Brix.

"Bakit mamaya pa? Ngayon na kasi.. dali na babe.. Ikwento mo na please..." sabi ulit ni Ericka.

Tinitinganan lang namin silang dalawa.

Maya maya umupo si Brent sa tabi ko. Si Ericka naman pumasok sa loob ng kitchen. Nakasimangot.

"Musta? Anong balita kay Rex?" tanong nya.

Umiling ako.

"Haaissst...Saan na naman kaya nag suot yung isang yun?" sabi nya sabay buntong hininga.

"Anong nangyari sa Ericka? Bat nakasimangot yun?" tanong ko.

"Wala.. May tinatanong kasi... Ang kulit.." sagot nya.

"Bakit? Ano bang tinatanong nya?" -Third.

Lumingon muna si Brent sa gawi nila Ericka bago nag salita.

"Si Donna" bulong nya.

"Ano? Putcha! Pwet mo lang yata yung nakarinig nun eh!" sabi ni Jam.

Nasa kabilang dulo kasi sila ni Third kaya hindi nya narinig.

HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon