IVAN'S POV
Mag aalas7 na nang gabi ako nagising. Medyo kumakalam na yung sikmura ko kasi di pa ako nananghalian.
Kumain ako saglit tsaka naligo. Tapos kinuha ko yung susi ng kotse ko tsaka umalis.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Gusto lang mag palipas ng oras. Ayokong pumuntang cafe kasi baka alam na nila kung anong nangyari. Ayoko ko rin pumuntang Empire's Place kasi alam kong doon nila ako unang hahanapin. Sa ibang bar nalang muna ako maglalasing.
Nag hanap ako ng bar na medyo malayo sa EP at dito ako dinala ng mga paa ko. Este ng kotse ko pala.
Pag pasok ko dumiretcho agad ako sa counter.
"Vodka, please" -Ako
"Right away Sir!" sagot nung bar tender.
Habang inaantay yung order ko, pinag masdan ko muna yung paligid. Halos walang pinag kaiba sa EP. Maingay...mausok..magulo... sabagay
ano pa bang aasahan ko sa night bar. Ang weird naman kung tahimik di ba?
Pag dating ng order ko, agad ko yung ininom. Pero muntik ko yung maibuga sa gulat ng may magsalita sa tabi ko.
"Hindi ba pagtratraidor yang ginagawa mo? May bar yung kaibigan mo pero dito ka nainom. Nag eespiya kaba?"
Pag lingon ko, nakita ko syang nakaupo sa tabi ko.
"Anong ginagawa mo dito? Kanina kapaba dyan?" tanong ko.
"Oo..nauna ako sayo dito.Tsaka ako dapat ang magtanong kung anong ginagawa mo dito? Di ba may bar yung isa sa mga kabarkada mo? Bakit dito ka naglalasing?" tanong nya.
"Wala lang. Trip ko dito eh. Para maiba naman yung view." sagot ko.
"Talaga lang huh? Baka naman may problema ka lang na ayaw mong ipahalata sa kanila kaya nandito ka."
Tumingin ako sa kanya. May paka tsismoso din pala tong lalaking to.
"Hindi ko alam may pagka chismoso ka rin pala Adex. Paano mo naman nalaman" -Ako
Oo..si Adex Mendoza nga yung kausap ko. Yung Kuya ni Kam na pinaglihi yata sa sama ng loob dahil sa sobrang kasungitan.
"Hindi ako tsismoso. Masyado ka lang obvious. Isa pa magaling ako magbasa ng iniisip ng tao. Unang tingin ko palang sayo kanina, alam kong may problema ka na." -Adex
"Hahahaha problemang hindi dapat problemahin." -Ako
"Babae?" -tanong nya.
Wala talaga akong balak mag open up sa kanya kasi hindi naman kami close. Pero di ko alam, bigla ko nalang sinabi sa kanya.
"Oo..babae nga.. first time kong magka problema dahil sa babae kaya di ko alam kung anong gagawin ko." -Ako
"Wow..yabang ah! Alam mo pre ang babae di dapat prinoproblema yan. Tingin ka sa paligid mo..ang dami dyan oh! O ayan..nakikita mo ba yan..kanina pa yan nakatingin satin. Panigurado konting kwento lang dyan kuha mo na agad yan." sabi nya habang may nginungusong babae sa tabi.
"Iba sya eh. Sya lang yung babaeng nakapag pakuntento sakin sa isa."- Ako
"Lahat ng babae pare pareho. Iba iba lang yung pangalan nila pero lahat sila sakit sa ulo. Kaya nga sabi ni Bob diba..no woman no cry. Kaya kung ako sayo, kung ayaw mo masaktan, kung ayaw mo yung feeling ng napag iiwanan.. makipag laro ka lang. The rule of the game is kung sino unang mainlove..talo.." -Adex
Nagulat talaga ako sa mga sinabi nya. Ganyang ganyan yung paniniwala ko bago ko na meet si Angel. Pakiramdam ko tuloy kausap ko yung sarili ko.
"Wow pre..nasasabi mo talaga yan? What if ganyan din yung tingin ni Rex kay Kam matutuwa ka ba?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)
RomantiekLove comes in the most unexpected way... in the most unexpected person... and sometimes in the most unexpected reason... This is the perfect story to show how FRIENDSHIP conquers RIVALRY................. "Sya yung unang babaeng minah...