KAM'S POV
Sunday morning
Dapat sana mag duty ako ngayong araw kaso nakipag palit sa akin ng off si Bea kaya naman wala akong pasok ngayon.
Maaga akong nagpaalam kay Mom na lalabas lang sandal at dahil Sunday naman hindi na nya ako pinigilan.
Unang akong nag punta sa simbahan. Nagdasal ako nang taimtim para gabayan ako ng Dyos sa plano kong gawin. Sana umubra yung plano.
Pagkatapos mag samba, sunod kong pinuntahan yung puntod ni Eryl. Pero kagaya ng dati andun na naman si Rex. Nakaupo sa damuhan at mukhang walang balak umalis. Napansin kong may dala syang bag na itim. Malamang mga gummy bears yun na ilalagay nya sa puntod ni Eryl.
Gummy bears.. hmm bigla akong natakam.
Dahil mukhang wala na naman syang balak umalis, ako na lang ang umalis. Masasayang kasi yung oras ko kapag hinintay ko sya. Eh iba pa akong planong puntahan.
Ang Eryl Mhae's Café.
Hindi naman masyadong kalayuan yung address ng café sa sementeryo kaya wala pa isang oras nasa tapat na ako sa coffe shop nila.
Tiningnan ko ulit yung naka sulat na address sa papel.
Eto na nga yun.
Hindi muna agad ako pumasok. Saglit muna akong tumayo sa labas. Nagiipon ako ng lakas nang loob para hindi ako kabahan kapag kaharap ko na sila.
Matapos ang ilang beses na inhale exhale naglakad ako palapit sa pinto.
"Welcome to Eryl's Café!" bungad sa akin ng cashier. Nagpupunas sya ng mga table.
Dahil medyo tanghali na, dalawa na lang yung customer nila.
"Have a sear Ma'am" sabi nya sabay turo ng bakanteng upuan sa gilid.
Habang naglalakad, kakaibang pakiramdam yung naramdaman ko. Sobrang saya ng puso ko kahit na ngayon ko pa lang narrating tong lugar na to. Malamang nakikilala nya na mga kaibigan nya yung may ari nito.
Lumapit sakin yung cashier. Kian yung nakalagay sa name plate nya.
"Hi Ma'am goodmorning! May I take your order?" sabi nya.
Dahil first time ko lang dito hindi ko pa alam kung anong klaseng coffe yung sineserve nila kaya nakatingin ako sa menu.
Pag bukas ko, bigla akong nagulat. Kakaiba yung menu nila. Kada page kasi ng menu, litrato nilang magbabarkada yung background. Kaya imbes sa drinks, picture natuon yung pansin ko.
"Ang ganda po ng menu namin di ba?" sabi nung cashier.
"Ha ahh ehh Oo maganda nga." Sagot ko.
"Boss po namin mismo yung nakaisip nya. Baka kasi talaga sa magbabarkada yung concept ng café namin," dagdag nya pa.
"Ahh.. eh.. halata nga. Gusto ko sanang tanungin ko andyan ba yung mga boss nya kaso nahiya ako.
"May Order na po kayo Maam?" tanong nya.
"Ahh Cappucino nalang tsaka strawberry shortcake." Sabi ko.
Yun kasi yung una kong nakita.
"Okay. 5 minutes po Maam." Sabi nya sabay kuha nung menu.
Sayang gusto ko pa naman sanang tingnan pa.
Habang naghihintay, nagulat ako ng mapansin kong puro picture yung naka sabit sa wall.
Tiningnan ko yung nakasabit sa tapat ng upuan ko.
Dated: Nov. 14 2013
Mukhang ang saya saya nila sa picture kasi hindi lang yung mga labi nila yung nakangiti pati yung mga mata nila.
BINABASA MO ANG
HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)
RomanceLove comes in the most unexpected way... in the most unexpected person... and sometimes in the most unexpected reason... This is the perfect story to show how FRIENDSHIP conquers RIVALRY................. "Sya yung unang babaeng minah...