CHAPTER 71: HE ASKED ME, I SAID "YES"

486 14 0
                                    

KAM'S POV

"Love, were home..." dinig kong bulong ni Rex sa may tenga ko kaya dahan dahan akong nag mulat ng mga mata. Napangiti ako ng mukha nya yung una kong nakita. Naisip ko bigla, ang sarap siguro gumising sa umaga na sya yung unang bubungad sakin.

"Andito na tayo..." sabi nya habang nakangiti.

Oo nga, nasa tapat na kami ng gate ng bahay namin. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.

"Bakit parang ang tahimik yata? Wala pa ba sila?" tanong ko.

Bigla akong nakaramdam ng kaba. Naisip ko bigla si Papa. Agad kong tiningnan yung cellphone ko para i check kung may message ba sila Kuya o si Mama. Pero wala. 0 message. Sabi kanina ni Kuya medyo nahihilo daw sya. Di kaya diniretcho nila sya sa ospital?

"Baka nasa loob sila. Tara..let's go." sabi ni Rex habang nakangiti.

Bakit feeling ko may something sa ngiti nya ngayon? Parang kakaiba. Pati yung pagbukas nya ng pinto ng kotse, para kakaiba din. Lagi naman nyang ginagawa yun pero parang may iba akong nararamdaman ngayon. Dagdag pa yung kamay nya na sobrang lamig nung inalalayan nya ako pababa sa kotse.

"Okey ka lang ba Love?" tanong ko.

"Ha? Oo naman. Bakit mo naman naitanong?" -Rex

"Wala naman. You look tense. May nangyari ba?" tanong ko.

Pero bago pa man sya makasagot, biglang bumukas yung gate. Iniluwa nun si Ivan na may dalang isang rosas. Iniabot nya sa akin yun tapos kumanta sya.

The smile on your face let's me know that you need me

There's a truth in your eyes saying you'll never leave me

The touch of your hand says you'll catch me wherever I fall

You say it best 

When you say nothing at all

"All questions are answerable by 'Yes' or 'No'. No 'ifs' no 'buts' just 'yes' or 'no'. This will be everything about you at Rex. Ready ka na ba?" tanong nya.

Tumingin ako kay Rex pero wala na sya sa likod ko.

"Rex?..." tawag ko pero walang sumagot.

"Oi.. tinatanong kita..ready ka na ba?" ulit ni Ivan.

"Ha? ah..eh..Yes.." natatawa kong sa sagot. Ano na naman ba to?

"Okey...Please proceed Mi Lady..." sabi nya na tinuro sa daan.

Sunod kong nakita si Third. Gaya ni Ivan may dala din syang bulaklak. Inabot nya din sakin tapos kumanta. Nagsisimula na akong maweirduhan sa mga nangyayari.

I'll be your cryin' shoulder

I'll be love suicide

I'll be better when I'm older

I'll be the greatest fan of your life

Ang ganda naman ng boses nya...

"Will you be "his" forever? Gusto mo syang makasama habang buhay?"  tanong nya.

Bigla akong natigilan. Tinanong ko yung puso ko. Gusto ko nga ba?

"Yes..I will be his forever!" sagot ko. Oo! Gusto ko! Gustong gusto ko.

Ngumiti sya tsaka nag thumbs up. Tapos tinuro sakin kung saan ako susunod na pupunta.

Sunod kong nasalubong si Brix. May dala din syang bulaklak na iniabot nya sakin.

HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon