CHAPTER 56: BEGINNING OF THE END

1.3K 27 6
                                    

Rex's POV

"O Sir mukhang nag eempake na kayo ah' bati sakin ni Mang Victor nang maabutan nya akong iniimpake yung mga gamit ko.

"Oho! Balak ko na kasing bumalik sa manila sa susunod na Linggo." sagot ko sa kanya.

"Naku mabuti naman at naisipan mo nang bumalik. Tyak matutuwa ang pamilya at mga kaibigan mo nyan."

"Napag isip isip ko ho kasing tama kayo. Hindi ko dapat takasan ang problema. Mas makakabuting harapin ko na to ngayon kesa ang patagalin ko pa. Ganun din naman yung kalalabasan nun. Bakit ko pa patatagalin di ba?" sabi ko sa kanya.

"Tama Sir. Mas lalo mo lang sasaktan yung sarili mo kung magtatago ka lang dito."

"Salamat Mang Victor. Dahil sa mga payo nyo naliwanagan ako. Dahil sa mga sinabi nyo napag tanto kong mali ngang takbuhan ko ang problema."

"Walang anuman Sir. Kaming matatanda nararapat lamang na gabayan kayong mga kabataan para hindi kayo maligaw ng landas. Basta ang maipapayo ko sayo sundin mo parati ang puso mo. Kapag sinunod mo ang puso mo, tama man o mali ang kalalabasan sa huli magiging masaya ka pa rin."

"Opo.. yan nga po yung gagawin ko pero teka next week pa ako uuwi. Parang nag papaalam na kayo." sabi ko.

"Hindi naman Sir. Nag papa alala lang ho." Sabi nya habang tumatawa.

"Pero Mang Victor.. bago ako umuwi inuman po muna tayo ha!"sabi ko.

"Naku Sir.. sige ho.. hindi ko ho kayo aatrasan dyan. Pero bago ho kayo umuwi dapat nyo malibot tong isla namin. Aba'y simula nung dumating kayo dito hanggang pangpang lang ang naabot nyo. Kay dami hong magagandang tanawin dito"

"Naku Manong nalibot ko na ho ito noon. Pero sige..susubukan kong maglibot sa mga susunod na araw."

Pagkatapos ko mag impake, lumabas ako saglit.

Magtatakip silim na kaya ang ganda na ng paligid.

Nag aagaw yung liwanag at dilim. Kulay pula yung paligid.

Napansin kong padami ng padami yung mga taong naglalakad sa may baybayin. Siguro dumadami na mga nag oouting. Sabagay. Malapit na yung summer.

Summer??

Saka ko lang narealize....tapos na nga pala ang pasko at bagong taon.

Parang hindi ko man lang namalayan na nagdaan na pala ang new year...

Sabagay..ano pa bang bago? Halos taon taon naman ganito ako. Pagkatapos ng death anniversarry ni Eryl.. ilang buwan akong mag hyhybernate. Ilang buwang mawawala sa sistema.

Babalik lang ulit ako sa March 26.. yun kasi yung araw ng birthday nya.

Nang dumilim na ang paligid, kumuha ako ng ilang boteng beer sa loob tsaka ko dinala sa tabing dagat. Mag iinom ako habang tinatanaw yung tubig sa dagat at pinakikinggan yung alon. Nakaka relax kasi. Pakiramdam ko tinatangay ng alon yung mga problema ko. Nasa pang apat na bote na ako ng biglang may babaeng nagsalita sa likod ko.

"Ree..eex" nauutal nyang sabi.

Dahan dahan akong lumingon para tingnan kung sino sya. Nung una, akala ko nananaginip na naman ako at si Eryl yung kaharap ko. Pero nang titigan kong maigi, hindi pala.

"Kamylle? Anong ginagawa mo dito? Paano mo nalamang naandito ako?" tanong ko sa kanya.

Tumayo ako para harapin sya.

"Sorry..hindi ko sinasadyang istorbohin ka. Gusto lang kitang makausap saglit."

"Usap? Wala na tayong dapat pag usapan. Umalis ako sa Manila dahil ayaw kitang makita o makausap. Tapos hanggang dito susundan mo ako." pagalit kong sabi.

HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon