Kamylle's POV
Tatlong araw na simula nung huli kaming nag kita ni Rex pero hindi pa rin sya nagpaparamdam. Hindi ko alam kung bakit hindi sya nag tumatawag o nag tetetext o nag memessage man lang sa messenger ko pero hindi maganda yung pakiramdam ko. Maayos naman yung huli naming pagkikita. Sabi pa nga nya dadalaw daw sya sa amin this week. Pero pagkatapos nung pag uusap naming yun, hindi na sya nagparamdam ulit. SInubukan kong tawagan yung cellphone nya pero cannot be reached. Sinubukan ko ring tawagan sila Nat at Ericka pero hindi rin sumasagot. Pumunta ako sa shop nila Natalie pero yung staff lang nila yung naabutan ko. Tinanong ko kung nasaan sila Natalie, hindi daw nya alam kasi 3 days nang hindi nabisita sa shop.
Ano kayang nangyari? Bakit bigla silang hindi nagparamdam sabay- sabay.
"Ano ba Kamylle? Bakit para kang pusang di mapa anak? Paikot ikot ka dyan. Kanina pa ako natatalo kasi nakaharang ka?" sita sa akin ni Kuya Xander.
"Sus.. kahit naman wala si Kamylle dyan talo ka pa rin. Pero teka nga, bakit ka ba paikot ikot at di mapakali ha? " tanong din sakin ni Kuya Mike.
Sabado kasi ngayon kaya andito silang lahat sa bahay. Kasalukuyan silang naglalaro ng xbox ni Kuya Mike.
"Wala Kuya. May iniisip lang ako." Sagot ko. Syempre hindi ko naman pwedeng sabihin na si Rex yung iniisip ko.
"Sino naman ang iniisip mo?" tanong ni Kuya Mike.
"Malamang yung si Rex." Sagot ni Kuya Xander sabay tawa. Minsan, naiisip kong nababasa ni Kuya yung iniisip ko.
"Hin..di noh! Bakit ko naman iisip yun?" nagmamaang-maangan kong sagot.
"Bakit mo iniisip? Kasi 3 days na syang di nagpaparamdam sayo. Iniisip mo kung anong nangyari sa kanya." Tama ba sis? Sagot ni Kuya Xander habang tumatawa.
"At paano mo naman nalaman na hindi sya nagpaparamdam, aber?" –Ako
Kung nabebenta lang ang kapatid, unang-una kong ibebenta to si Kuya Xander.
"It's obvious sis. Tatlong araw kanang hindi nalabas nang bahay. Tatlong araw na rin syang hindi napunta dito. So I'm pretty sure ba sya yung iniisip mo." Depensa ni Kuya Xander.
Nakikinig lang samin ni Kuya Mike. Maya-maya sumabat na rin sya.
"Alam mo Kams, tigil tigilan mo yang kakaisip mo sa boyfriend mo. Give him space. Kapag kasi araw-araw kayong nagkikita baka magkasawaan kayong dalawa. Sige ka, ikaw din." Sabat ni Kuya Mike.
Iniinis na naman nila ako.
"Kuya, first of all hindi ko 'pa' boyfriend si Rex. Second, hindi ganung klaseng lalaki si Rex. For sure, hindi ganun kababaw si Rex." Depensa ko.
"Alam mo Sis lahat ng lalaki may common denominator. Madali kaming magsawa sa mga babae na parati naming nakikita. Sa tingin mo, bakit ni isa sa amin walang girlfriend?" –Kuya Xander.
"Kasi walang nagkakagusto sa inyo? Kasi mga womanizer kayo? Or baka naman hindi pa kayo naiinlove?" –Alp
"Walang nagkakagusto? Sis naman! Wala bang nagkakagusto sa gandang lalaki nitong mga kapatid mo? Baka nga pag lumabas kami dyan pagkaguluhan kami ng mga babae eh. At syempre, hindi naming maiiwasang maging womanizer sa dami nang babaeng nagkakagusto sa amin." –Kuya Xander.
Talagang denedefend nya yung sagot nya.
"Bahala ka nga dyan Kuya. Nakakainis ka." Sagot ko sabay talikod paakyat sa kwarto. Pero bago pa man ako maka-hakbang sa hagdan, bumukas yung pinto.
"Oh bakit parang nag aaway na naman kayo?" tanong ni Mom. Ang dami nyang bitbit na grocery kaya tinulungan ko na sya.
"Sila Kuya kasi Ma,nang aasar." Sumbong ko.
BINABASA MO ANG
HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)
RomanceLove comes in the most unexpected way... in the most unexpected person... and sometimes in the most unexpected reason... This is the perfect story to show how FRIENDSHIP conquers RIVALRY................. "Sya yung unang babaeng minah...