REX'S POV
"Ang aga mo yatang nagising hindi ka ba nakatulog?" tanong ni Natalie.
Naabutan ko syang nagluluto nang almusal.
"Natulog naman maaga lang talaga akong nagising. Si Jam tulog pa ba?" tanong ko sa kanya.
"Oo.. hindi ko alam kung anong oras natulog yun." –Nat.
Medyo madaling araw na nga kami nakatulog kagabi.
Nag-inuman pa kasi sila ni Brent.
"Labas lang ako saglit Nat ha!"paalam ko sa kanya.
Gusto ko kasing mag pahangin sa labas at makita yung dagat.
"Sige tawagin kita kapag mag aalmusal na." sagot nya.
Paglabas ko, malamig na hangin agad yung bumati sa akin.
Pakiramdam ko para aking niyayakap nang hangin sa sobrang lamig.
Naglakad lakad ako sa tabing dagat. Sinadya ko talagang mag paa para maramdaman ko yung buhangin at tubig.
Ang sarap pagmasdan nang dagat. Yung mga alon habang unti unting tinutulak sa dalampasigan.
Parang kahapon lang nung nagpunta kami dito. Masaya...kumpleto...sama-sama.
Sana hindi nalang natapos yung araw nay un.
Flashback
"Oi! Rexel! Ano tutunganga nalang ba kayo ni Eryl dyan! Halika na kayo dito! Ang lamig nang tubig!" sigaw ni Ivan habang kumakaway.
"Sige lang! Nilalamig ako!" –Ako
"Halika! Paiinitin kita!" sigaw ulit nya.
"Ulol! Gusto mong ikaw painitin ko sa sapak?" sigaw ko sa kanya.
Nagtawanan naman yun iba.
"Sana para tayong ganito gummy bear noh?" biglang sabi ni Eryl.
Nakaupo sya sa tabi ko habang nakangiting pinagmamasdan yung iba.
"Sana nga Gummy Bear! Pero bukas babalik na tayong Manila. Balik na naman tayo sa dating gawi." Sabi ko sa kanya.
"Oo nga eh! Busy na naman tayo. Kanya kanya na naman tayo." Malungkot nyang sabi.
Dumikit ako sa kanya tsaka yumakap.
"Wag ka na malungkot Gummy Bear ko! Hayaan mo mas dadalasan natin yung pagkikita-kita. Kung gusto mo lingo lingo pa." sabi ko sa kanya.
Sa lahat nang ayaw ko yung nakikitang malungkot si Eryl. Para kasing mas nalulungkot ako kapag nakikita ko syang malungkot.
"Niloloko mo naman ako eh! Hindi naman pwede yun kasi President ako nang student council. Tapos kayo graduating na. Binobola mo lang ako para ngumiti ako eh!" sabi nya habang nakanguso.
Tumawa naman ako.
Hindi talaga uubra yung pang uuto ko sa kanya.
Pero Oo, gusto ko lang talagang makitang nakangiti sya. Yun kasi yung pinaka magandang tanawin para sa akin.
"Alam mo Gummy Bear kahit gaano pa tayo ka busy. Kahit gaano pa ka hectic yung schedule natin, hahanap at hahanap ako nang oras para sayo. Hinding hindi ako mawawalan nang oras para sayo." Seryoso kong sabi.
"Talaga promise?" tanong nya.
"Promise!" sagot ko habang nakataas yung kanang kamay.
"I love you Gummy Bear!" sabi nya sabay yakap.
BINABASA MO ANG
HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)
RomanceLove comes in the most unexpected way... in the most unexpected person... and sometimes in the most unexpected reason... This is the perfect story to show how FRIENDSHIP conquers RIVALRY................. "Sya yung unang babaeng minah...