Kamylle's POV
"Ikaw!!" gulat na sigaw ni Earl nang makita nya ko sa tabi ng kama nya.
Malamang ganito talaga yung magiging reaksyon nya. Makita ba naman nya ko sa gilid ng kama nyang natutulog.
"Anong ginagawa mo dito? Bakit ka andito?" tanong nya.
Pinipilit nyang tumayo pero dahil siguro sa sakit ng ulo o hilo hindi nya magawa.
"Wag ka muna tumayo. Mataas pa yung lagnat mo." sabi ko sa kanya habang inaalalayan syang humiga.
Pero imbes na sumunod tinabig nya yung kamay ko.
May sakit na nga suplado pa din.
"Anong ginagawa mo dito? Bakit ka andito?" tanong ulit nya.
Hindi ko alam yung isasagot ko.
Hindi ko rin naman kasi alam kung bakit nga ba ako andito.
Flashback
Asan na ba yun. Hindi yun pwedeng mawala.
"Ano bang hinahanap mo Sis? kanina ka pa hindi mapakali. Para kang pusang di mapaanak" bati sakin ni Kuya Gab.
"Yung dairy ko Kuya. Mula kagabi hindi ko pa makita." sagot ko habang sinisilip yung ilalim ng kama ko.
Pag dating ko kasi kagabi gusto ko sanang isulat yung nangyari. Lalo na yung pagkatapos akong ihatid ni Earl. Kaso hindi ko makita yung dairy ko.
"Eh Saan ka ba nag punta? Saan ka last na nag sulat? Baka naiwan mo doon."sagot nya.
Sa school lang naman ako galing kahapon. Hindi ko naman yun inilabas habang kasama ko si Earl.
Nakakainis!!! Hindi yun pwedeng mawala.
"Alam mo Sis andyan lang yan. Baka nahulog lang yan kung saan habang natutulog ka." sabi ni Kuya Gab.
Biglang may sumagi sa isip ko.
Nakatulog nga pala ako sa kotse ni Earl. Hindi kaya nahulog sa kotse nya?
Naku po!!! Sana hindi nya nabasa.
Agad akong nag bihis tsaka kinuha yung bag ko.
"Oh..saan ka pupunta?" -Kuya.
"Ahh..Wala sa kaibigan ko. Baka kasi naiwan ko sa kanila." sagot ko habang nag sasapatos.
"Bukas mo na puntahab. Gabi na Kam." -Kuya Gab.
"Hindi pwede Kuya. Kailangan kong makuha agad yun. Baka may makabasa." sabi ko.
Lagot talaga ako kapag nabasa ni Earl yun. Nitong mga nakaraang araw pa naman puro tungkol kay Rex yung sinusulat ko doon.
"Bilisan mo ha! Hahanapin kana naman ni Mom mamaya."sabi nya.
Hindi na ako sumagot.
Patakbo akong lumabas tsaka nag para ng taxi.
Pag dating ko sa tapat ng gate nila Earl nag door bell agad ako.
"Goodevening Maam!" tanong nung guard nila.
"Goodevening Kuya. Andyan po ba si Earl?" tanong ko.
"Bakit po. Ano pong kailangan nila kay Sir?"
"May naiwan kasi ako sa kotse nya. Paki sabi si Kamylle" sagot ko.
"Pasensya na Maam. Nag papahinga na po si Sir. Bumalik na lang kayo bukas." sabi nung guard.
BINABASA MO ANG
HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)
RomanceLove comes in the most unexpected way... in the most unexpected person... and sometimes in the most unexpected reason... This is the perfect story to show how FRIENDSHIP conquers RIVALRY................. "Sya yung unang babaeng minah...