CHAPTER 53: TWO BROTHERS

1.2K 23 41
                                    

tKAM'S POV

Dahil sa nangyari nalaman na nila Mommy yung totoo.

Gaya ng inaasahan ko nagalit sila sa akin.

Lalo na si Kuya Migs.

Flashback

Pag kagising ko nasa ospital na ako. Katabi ko si Kuya Gab.

"Sis..Gising kana..." sabi nya.

Agad nyang ipinatawag yung mga doctor para i check ako.

Teka..Ano bang nangyari? Bakit ako naandito?

Saglit kong binalikan yung mga pangyayari bakit ako naandito ngayon at nanlaki yung mata ko ng maalala ko.

"Kuya Gab..asan sila Kuya Migs..?" agad kong tanong sa kanya.

"Kausap yung mga lalaking kasama mo sis. Teka sino ba yung mga yun ha?" tanong nya sakin.

Sheeet!!!!

Hindi na ako nakasagot dahil biglang bumukas yung pinto.

"Mom! Dad!" gulat kong sabi.

"Kamylle! What happened to you baby ko?" tanong ni Mom habang umiiyak.

"I'm fine Mom. Nothing to worry about." sagot ko.

"Asan ang mga kuya mo Gab?" tanong ni Dad.

"May kinausap lang Dad. Teka tawagan ko." sabi ni Kuya Gab sabay dial sa phone nya.

Si Mom naman walang tigil sa kakaiyak.

Ganito talaga sya lagi kapag na oospital ako. Mas madami pa yata yung iniiyak nya kesa sa "aray" ko sa mga tusok ng karayom at swero.

Maya maya nagsidatingan na sila Kuya Migs. 

Mukha naman silang okay maliban kay Kuya Adex. 

Pag pasok palang nila agad silang sinalubong ni Mommy.

"ANONG NANGYARI SA KAPATID NYO" bungad ni Mommy sa kanila.

Sabay sabay silang napatingin sakin.

"Sa bahay na nating pag usapan Mom. Wag dito" sabi ni Kuya Migs.

Bigla akong kinabahan. 

Mukhang alam ba nila yung totoo.

"Kuya let me explain." sabi ko kay kuya.

Pero hindi nya ako pinansin.

"Marami ka talagang dapat sabihin at ipaliwanag. Pero hindi dito. Magpagaling ka para makauwi tayo." sabi nya.

Tono palang ng boses nya alam ko nang disappointed sya.

Shit! malamang alam na nila yung totoo.

Siguro sinabi na nila Jam sa kanila kung anong nangyari.

Bigla akong nakaramdam ng takot.

"Ano bang nangyayari Miguel?" tanong ni Mom.

Hindi na sumagot si Kuya Migs. Sa halip si Kuya Alex ang sumagot.

"Sa bahay na natin pagusapan to Mom. Wag dito." sabi nya.

Biglang sumigaw ni Mommy.

"BAKIT SA BAHAY PA? BAKIT HINDI PA DITO? SABIHIN NYO SA AKIN KUNG ANONG NANGYAYARI SA KAPATID NYO!!" sigaw ni Mommy habang umiiyak. Inaalalayan sya ni Kuya Gab.

Bigla akong nakaramdam ng guilt.

Buti na lang at dumating yung doctor kaya na divert yung atensyon ng lahat.

HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon