Merry Christmas Guys....
Sorry late update...
Sana makapag update pa ko bago mag Newyear!
KAMYLLE'S POV
Sa wakas last subject na naman. Konting oras na lang nakaka uwi na ako.Ewan ko ba, simula pag pasok hanggang sa mga oras na to lutang na lutang ako.Ni isa sa mga tinuro ng prof ko ngayon walang sumiksik sa utak ko.
Malamang dahil to sa mga message ni Rex na hindi ko ma replayan.
O baka sa mga tawag nya na di ko masagot.Haissst this past few days hirap na hirap ba akong iwasan sya.Gustong gusto ko syang makita at makausap pero pinipigilan ko lang yung sarili ko.Ganun din yung iba. Sila Nat...si Ericka...lahat sila namimiss ko."Ms.Mendoza....are you us?" Nagulat ako sa tanong ng prof ko. Kanina pa ba ako tinatawag nito?"Ahhh yes sir..I'm sorry.." nahihiya kong sagot."It's okay. Seems like your out of your mind. I'm asking you how was your Ojt with Monteverde Medicals?" tanong ulit nya."It was a nice experience Sir. I learned alot and I'm looking forward to work with them again in the future." sagot ko." Does it mean after you graduated here you will consider joining Monterverde Medicals?" -Prof."If given a chance I would grab the oppurtunity to work for Monteverde. After all it's one of the advance medical institution here in the Philippines."-Ako"That's great. Actually Monteverde Medical is the second most advance hospital here in the Phillipines. The first and the most advance is the Madrigal Medicals. In fact, walang imposible sa ospital na yun. And only the best doctors and medical staff are allowed to work in that Hospital." sagot ng prof ko.Tatango tango lang kami.Oo nga..tama sya...nakapasok na ko minsan sa ospital na yun at totoong nga napaka advance ng ospital na yun at napaka taas ng standard.At higit sa lahat pagmamay ari yun nila Earl.Nang mag ring yung bell, agad na naglabasan yung mga kaklase ko.Ako naman nagpa iwan saglit.Hindi naman ako nagmamadali. Wala naman akong mapupuntahang iba.Uuwi lang ako sa bahay. Magbabasa...matutulog...tapos pasok na ulit.Hindi sinasadya bigla akong napatingin sa bintana.May napansin akong isang pamilyar na sasakyan na naka hinto sa gitna ng quadrangle namin.At isang pamilyar na lalaki ang nakita kong bumaba mula sa sasakyan.Hindi ako pwedeng magkamali.Kahit pa sabihing naka shades sya alam kong sya yun.Agad akong lumabas ng classroom saka patakbong nagpunta sa kanya.Anong ginagawa nya dito?Paano nya nalamang dito ako nag aaral?Pagbaba ko nakita kong nakikipag usap sya sa isa sa mga professor ng university.Lumapit ako sa kanila."Anong ginagawa mo dito?" mahina kong tanong.Sinadya kong hinaan yung boses ko baka kasi mas lalo kaming pag tinginan ng ibang estudyante."Mukhang andito na yung kailangan ko."sabi nya sa kausap nyang prof."Ahh okay...sige po Sir. Thank you for dropping by."sabi nung prof.Nagtaka ako.Magkakilala sila?Tumalikod sya tsaka binuksan yung kotse."Get inside the car." utos nya.Napaka manipulative talaga ng lalakeng to.Tututol sana ako kaso ayaw ko namang gumawa ng eksena. Lalo na't nasa gitna kami ng quadrangle.Sumunod ako at pumasok sa kotse nya.Pagsarang pagsara ko ng kotse mabilis nya itong pinaandar palabas ng campus.Nasa main road na kami pero wala pa rin syang imik.Ano bang akala ng lalaking to? "Bakit mo ko pinuntahan? Anong kailangan mo?" tanong ko.Hindi sya sumagot. Dirediretcho lang sya sa pagmamaneho."Itigil mo! Bababa ako."sabi ko ulit.Medyo nag uumpisa na kasi akong matakot.Hindi nya itinigil. Dirediretcho parin sya sa pagmamaneho."I SAID STOP THE CAR!!!!!"sigaw ko.Pero hindi sya natinag.Sira ulo ba tong lalaking to? Me sapi ba to?"EARL ANO BA!!!SABI KO ITIGIL MO BABABA AKO!"sigaw ko ulit."SHUT UP!UMUPO KA LANG DYAN AND I DON'T WANNA ANY WORDS FROM YOU!"sigaw din nya.Nagulat ako.Adik ba to?Pupuntahan nya ko sa school.Papasakayin sa kotse nya.Tapos ngayon sasabihan nya ko ng "I don't wanna hear any words from you.""Ano ba kasing kailangan mo. Bakit mo ko puntahan? Tsaka paano mo nalaman kung saan ako nag aaral." Tanong ko ulit.Tinone down ko yung boses ko kasi baka magalit na naman sya."Do you think it's impossible for me to find you. Your school and anything about you.? Tsss."sagot nya sabay ismid.Oo nga naman.Ano nga bang imposible kay Earl Aaron Madrigal."Bakit mo ko hinahanap? Ano kailangan mo?-Ako"Nothing!"maikli nyang sagot.Wow!Betcha my galli wow!Nung akong may kailangan sa kanya halos ilang linggo akong nagpabalik balik sa bahay nila. Kung hindi pa bumagyo hindi nya pa ako kakausapin.Tapos ngayong sya may kailangan sakin, isang "get inside the car" lang okay na.Nakakainis...Dahil hindi ko naman sya makausap ng matino at mukhang matatagalan pa kami dahil traffic ipinikit ko yung mga mata ko.Pag dilat ko nasa isang lugar na kami.Parang school pero hindi ko alam kung saang school.Pero parang pamilyar sa akin yung lugar.Bumaba si Earl ng kotse kaya sumunod ako.Pumasok sya sa gate.Nag bow yung mga guard sa kanya.Dirediretcho lang sya.Ang dami naming estudtante na nakasalubong.Lahat sila nakatingin sa amin. Yung iba nagbubulungan. Yung iba ang sama ng tingin.Sinundan ko lang sya ng sinundan hanggang sa makarating kami sa covered gym.Mukhang may event kasi ang daming estudyante.Lahat sila nagtitilian.Mukhang may banda sa loob dahil may kumakanta.Pag bukas ng pinto nagulat ako kung sinong pinagkakaguluhan ng nga estudyante.Halos hindi ako makakilos. Hindi makagalaw yung mga paa ko.Kahit sobrang layo ko alam kong sya yun. Kitang kita ko mula sa kinatatayuan mo yung ngiti nya. Kitang kita ko din kung gaano sya kasaya habang kinakantahan yung babaeng kayakap nya.Hindi ko alam kung bakit pero parang nanakip yung dibdib.Hangang sa unti unting tumulo yung luha ko."See...kahit anong gawin mo..sya pa rin ang mahal ni Rex. Kaya itigil mo na yang pag aambisyon mo na mamahalin ka nya dahil hindi mangyayari yun." sabi ni Earl na nasa likod ko.Nagulat ako ng biglang mag salita si Ivan sa gilid ko."Tama...hinding hindi mo sya kayang palitan sa buhay ni Rex. She will always be Rex's forever love no matter what happened." "Walang wala ka kung ikukumpara sa kanya kaya wag kana umasa" sabi ni Brix.Tama sila...hindi ako mamahalin ni Rex kahit anong gawin ko.Tumalikod ako para lumabas pero nakaharang si Rex sa may pinto.Hindi sya nagsasalita pero malungkot yung mga mata nya.Biglang nawala lahat ng tao sa paligid.Tatlo nalang kaming natitira.Sya, na nakaharang sa pinto.Ako, na may tatlong dipa ang layo sa kanya.At yung babaeng yakap nya kanina na nasa pagitan namin.Tiningnan ko yung babae pero hindi ko sya makita dahil nasisilaw ako sa liwanag.Maya maya bigla nyang inabot yung kamay ko.Hindi ko alam pero parang kusang sumunod yung mga kamay ko sa kanya.Inalalayan nya akong maglakad papunta kay Rex.Nang malapit na kami, tumigil sya at inabot yung kamay ni Rex.Uniiyak si Rex habang inaabot yung kamay nya sa babae.Nangaabot nya yung kamay ni Rex, ipinatong nya yun sa kamay ko.Hindi ko man makita yung mukha nya, naaninag ko naman na nakangiti sya.Pero nagulat kami ng biglang bumukas yung pinto ng gym.Napapikit ako sa sobrang liwanag.Pagdilat ko, nasa kotse na ulit ako ni Earl.Whooo....panaginip lang pala.Tumingin ako sa relo ko.Pasado alas kwartro na ng hapon.Tumingin ako sa paligid. Nasa parking lot kami. Nagpapark sya.Nasaan kaya kami?Hindi na ako magtanong kasi alam ko namang hindi sya sasagot.Pagbaba nya ng kotse sumunod ako.Pumasok sya ng elevator...sumunod ako.Pinindot nya yung 3rd floor.Kinakabahan na ako.Hindi kaya motel to? Tapos may balak syang hindi maganda?Dyosko po wag naman sana.Kinapa ko yung cellphone ko sa bag.Kapag motel tong pinasukan namin tatawagan ko talaga yung mga kuya.Tinitingnan ko yung reflection nya sa pinto.Wala....wala akong maaninag na kahit na anong ekspresyon sa mukha nya.Mukha syang robot.Pagbukas ng pinto ang daming taong nag lalakad.Lumabas sya...sumunod ako.Nakahinga ako ng maluwag nang makitang nasa mall kami.Bwisit na lalaking to.Magmamall lang pala hindi pa sinabi.Bigla tuloy akong napahiya sa sarili ko.Bakit ko naisip na sa motel nya ko dadalhin at may plano syang hindi maganda.Dumi ng utak mo Kamylle.Pumasok sya sa bilihan mg damit.Sumunod ako.Namili sya ng mga damit.Actually hindi sya namili eh. Nanguha ang tamang term. Kasi hindi nya tinitingnan yun mga kinukuha nya. Basta nalang sya kumukuha tsaka inaabot sa cashier.Nakasunod lang ako sa kanya.Tiningnan ko yung price tag ng isa sa mga pinili nyang damit.Dyosko ko po nalula ako sa presyo.5000 pesos para sa isang polo.May ginto ba sa polo na to?Pagkatapos namin sa bilihan ng damit sa bilihan ng sapatos naman kami pumunta.Kung hindi ako nagkakamali eto yung pareho store kung saan ko sya unang nakitang nagmamaktol dahil hindi sya makapili ng sapatos.Kung kanina sa bilihan ng damit kuha lang sya ng kuha. Ngayon ikot lang sya ng ikot. Dahil masakit na yung paa ko kakalakad, umupo muna ako at hinayaan syang umikot ng umikot.Pero 30 minutes nang nakakalipas wala pa rin syang magustuhang sapatos.Tumayo na ako at tumingin tingin sa mga naka display na sapatos.Mukhang wala ng bagay sa kanya.Patalikod na sana ako ng mahagip yung mga mata ko.Agad ko yung nilapitan tsaka kinuha.Perfect! sabi ko.Bagay sa kanya to.Lumapit ako sa kanya tsaka inabot yung sapatos.Halatang nagulat pa sya nung bigla akong nagsalita.Lutang ba to? Hindi ba nya naramdaman na nasa likod nya ko?"Eto oh..baka magustuhan mo?" sabi ko sabay abot ng sapatos.Kulay Red at Black na rubber shoes yun.Tinginan nya ko sabay tingin sa sapatos.Akala ko hindi nya magugustuhan pero kinuha nya yun tsaka dinala sa cashier."Ai sorry po Sir. Couple shoes po to. Kung bibilhin nyo po eto dapat bilhin nyo din po kung isa." sabi ng cashier.Tumingin sya sa akin.Hala sya! Baka isipin nya nagpapabili ako ng sapatos sa kanya."Miss..wala namang kasamang ibang sapatos yan nung kinuha ko. Baka nagkakamali ka lang." Sabi ko.Baka sabihin nito kaya yun yung binigay ko sa kanya kasi alam kong couple shoes."Meron po Ma'am. Ayun po oh" sabi nya sabay turo sa pwesto kung saan ko kinuha yunh sapatos.Hala! Oo nga...may isa pang naka display na pang babae.Bakit hindi ko yun nakita kanina?Sigurado akong wala yun dun.Sasagot sana ako kaso sumingit si Earl."It's okay. I'll get them both." Sabi nya sabay abot ng credit card nya.Tumango naman yung sales lady."Anong size po Maam?" tanong nung sales lady sakin."Ai naku..hindi po ako. Sya po tanungin nyo."sagot ko sabay turo kay Earl."Anong size po Sir?" tanong nung sales lady."7" sagot nya.Ahh..baka size 7 yung girlfriend nya.Pag labas namin ng bilihan ng sapatos nag ikot ikot sa kaminsa loob ng mall.Nakasunod lang ako sa kanya habang naglalakad sya bitbit yung mga pinamili nya.Nakakahiya naman kung ako pa magbibitbit ng pinamili nya di ba?Kinaladlad nya na nga ako dito ng walang pasabe.Nagulat ako ng bigla syang pumasok sa isang restuarant.Italian restaurant.Eto yung restaurant na lagi kong kinakainan kasi ang sarap ng pasta nila.Mahilig din kaya sya sa pasta o napagtripan nya lang kasi kakaunti yung kumakain sa loob.Umupo kami sa pang dalawahang mesa."Goodmorming Sir...Ma'am.." sabi nung waiter sabay abot nang menu.Ngumiti ako pero sya parang wala lang.Sungit talaga."Steak well done. Ice tea."sabi nya sabay balik ng menu sa waiter."Steak well done and 1 ice tea. Noted po Sir."sabi nung waiter.Lumapit sya sa size ko.Tinitingnan ko yung menu.Sinadya ko itakip sa mukha ko para di nya mo makita.Pero nung binaba ko nagulat ako kasi nakatitig sya sakin."Ahhh...ahmmm.....spegettie meatball nalang then pine apple juice" natataranta kong sabi sa waiter sabay abot ng menu.Habang nag hihintay ng food wala pa rin kaming imikan.Ang ackward ng feeling kasi nakatitig lang sya sakin.Ano ba talagang kailangan lang lalaking to sakin?Napansin nya sigurong di ako mapakali."What's wrong with you? Will you please relax. Hindi kita kakainin."sabi nya habang nakatitig sakin.Nakakatakot talaga tumingin tong lalaking to."Eh kasi naman..Bigla mo kong pinuntahan sa eskwelahan tapos dinala mo ko dito. Tapos hindi ka nagsasalita. Ano ba kasing kailangan mo sakin?" tanong ko."Wala. I just want to make sure na hindi ka nakikipag kita kina Rex.""Marunong naman akong sumunod sa napagkasunduhan. Tsaka isa pa ako ang humingi ng pabor sayo. Kaya ako ang mawawalan kung hindi ako susunod."-Ako"Good! Mabuti naman at alam mo yun."Maya maya dumating yung order namin.Pareho kaming tahimik na kumain.Pagkatapos kumain bumalik kami sa elevator kung saan kami nang galing kanina.Sa wakas uuwi na kami.Hindi sya nagtanong kung saan ako nakatira. Basta nya nalang pinaandar yung kotse nya Malamang alam nya na rin yung bahay namin."Pwede magtanong?" tanong ko.Hindi sya sumagot.Ang tahimik kasi kung hindi ako mag sasalita.Wala man lang music yung kotse nya."Mahilig ka sa sapatos no?" tanong ko.Wala na kasi akong maisip na topic."Bakit mo naman nasabi?" Sagot nya.Grabe ang cold ng boses nya. Halatang walang kagana gana."Last month bumili ka din ng sapatos di ba?Napatingin sya sakin sabay kunot ng noo."Don't get me wrong. Nagkataon kasi nasa bilihan din ako ng sapatos nun. Nakita kitang nahihirapan mamili ng sapatos kagaya kanina kaya suggest lang naman ako."sabi ko.Nagulat ako ng bigla nyang inapakan yung preno."How did you know it was me?" "Nakita kitang suot mo yun minsan. I'm glad na nagustuhan mo."Oh my God..tama ba tong pinagsasabi ko.Baka mamaya mapahamak na naman ako."You mean ikaw yung babaeng nag abot ng sapatos sa sales lady para ibigay sakin?"tanong ulit nya.Tumango lang ako.Tumitig na naman sya sakin sandali tsaka pina andar ulit yung kotse."No! I didn't like it. Binili ko lang yun kasi inabot nung sales lady." Sabi nya.Napaka indenial naman ng lalaking to.Imposible namang magsuot sya ng sapatos na hindi nya gusto.Tama nga akong alam nya yung bahay namin dahil nang itigil nya yung kotse nasa tapat na kami ng subdivision."Thank you" yung lang ang nasabi ko sabay bukas ng pinto.Pero nagulat ako may ibato sya sakin."Ano to?" tanong ko"Isn't obvious? Sapatos!" Sarcastic nyang sagot."I know...sapatos to. Bakit mo ko ibibigay sakin to.?""Ikaw pumili nyan di ba? So ikaw mag suot. Tsaka ano namang gagawin ko dyan?"Tumingin ako sa kanya. Pero sya hindi nakatingin sakin. Sa kalsada sya nakatingin kahit na puno yung nasa harap nya.Sa unang pagkakataon sa gabing ito, napangiti ako.Hindi naman pala talaga sya ganun kasama.Me pagka suplado at sarcastic lang."Thank you." Pagbaba ko hindi muna ako pumasok sa loob ng gate.Inantay ko muna syang maka alis bago ako pumasok.Nang wala na sya sa paningin ko saka ako pumasok.Pero patalikod palang ako ng biglang may bumusina sa likuran ko. Mukhang kararating lang kasi umaandar pa yung kotse nya.Hindi ko agad nakita kung sino kasi nakakasilaw yung headlight nya.Sana hindi si Daddy o sila Kuya kundi lagot ako.At mas lalong sana hindi nila nakitang hinatid ako ni Earl.Nang patayin nya yung headlight nanlaki yung mga mata ko nang makilala kung kaninong kotse yung nasa harap ko.Shemay! Anong ginagawa nito dito?.Earl's PovHalos pasado alas otso na ako nakarating ng bahay.Para kasi akong wala sa sarili kanina kaya hindi ko namalayan na mali pala yung dinadaan ko.Gulong gulo kasi yung isip ko sa nangyari kanina.Flashback"Kamusta Fred....anong balita dyan?" tanong ko kay Fred habang nagbibihis.Papunta akong opisina ni Martin. May bago kasi syang cliyente at gusto nyang ako ang makipag usap."Okay naman boss. Andito ako sa tapat ng eskwelahan nila." sagot ni Fred."Okay good. Basta sundan mo lang sya hanggat maka uwi sya sa kanila. Suguraduhin mong hindi sya makikipag kita kahit kanino." -Ako"Aregrado boss." sagot ni Fred.Pinatay ko yunh cellphone tsaka bumaba.Naabutan ko si Butler Josh na nag hahanda ng almusal."Goodmorning Master Earl."bati nya.Tumango ako tsaka umupo.Kape at tinapay lang yung kinain ko. Ayaw ko mag heavy meal kasi lunch meeting yung pupuntahan ko.Pag dating ko sa opisina sinalubong ako ni Mr.Lim.Binigay nya yunh profile nung kliyente ni Martin.Erick John SalazarKung hindi ako nagkakamali kapatid ni Ericka to.So hindi naman pala kailangan maging formal business to.Saktonh 11:30 nagpunta ako sa restaurant kung saan kami mag meeting.Agad ko syang nakita. "Goodmorning Mr. Salazar."bati ko sa kanya."Don't be so formal Earl. Para naman tayong hindi magkakilala." Sabi nya habang nakangiti.Ngumiti din ako."So..ikaw pala ang bagong client ng Kuya ko."sabi ko.Tumawa sya."Yah..but actuallt hindi dahil doon kaya ako nakipag meetinh sayo. Alam ko naman kung gaano kataas ang kalidad ng kompanya nyo and I have no question with that. I'm here because of Ericka. Hindi pa kami napapasalamatan sa pag ligtas mo sa kapatid ko. Thank you. Maraming Salamat dahil sa pangalawang pagkakataon iniligtas nyo ang buhay ng kapatid ko." sabi nya."Wag mokong pasalamatan dahil ginawa ko din yun para kay Eryl. Alam mo naman kung gaano kamahal ng kaptid ko yung mga kaibigan nya. Kaya alam kong hindi sya matutuwa kung may mangyaring hindi maganda kay Ericka tapos wala man lang akong nagawa. Wala na nga akong nagawa nung nawala sya, makabawi man lang ako sa mga kaibigan nya." sabi ko."I know it's hard for you to deal with your sister's lost. Pero kaya mo yan pre. Siguro kung sa akin nangyari yun malamang ganyan din ang mararamdaman ko. Kaya salamat at hindi mo yun hinayaang mangyari sa amin.""Napaka swerte ni Ericka dahil nakilala nya ang kapatid mo. Sobrang bait ng kapatid mo. Lahat ng pwede nyang ibigay, ibibigay nya makatulong lang. Siguro yun ang isang bagay na nagpapasaya sa kanya. Ang makatulong sa iba.""Do you think masaya sya kapag nakakatulong sya?"tanong ko."Oo naman. Knowing your siste, sya yung tipo na kahit isang parte nya ibibigay kung may taong mas nangangailangan."Natigilan ako sa sinabi nya.Kahit isang parte nya ibibigay nya?Biglang sumagi sa isip ko si Kamylle.Ginusto nga kaya ni Eryl na ibigay yung puso nya kay Kamylle para mabuhay sya.Naging maayos naman yung meeting namin ni Erick.Hindi na sya masyadong nagtanong kaya hindi na din ako masyadong nag explain.Nang matapos nyang pirmahan lahat ng papeles nagpaalam na syang umuwi.Ako naman bumalik sa office ni Martin para ibigay kay Mr.Lim yung mga documento na pinirmahan ni Erick.Pagkatapos nun inayos ko na yung mga gamit ko para umuwi.Habang nagmamaneho nag ring yung cellphone ko.Si Fred...bakit kaya?"Hello Fred...bakit?""Boss may problema.""Ano yun?""Tumawag yung Mama ko Boss. Nasa ospital daw yung kapatid ko. Kailangan ko pong umaalis."sabi nya.Bakas sa boses nya ang pag aalala."Ha..o sige..hintayin mo ko dyan."sagot ko."Salamat Boss."Mabilis kong pinaandar yubg kotse mapunta sa eskwelahan ni Kamylle.Ilang minuto lang andun na ako.Naabutan ko sya na nasa labas ng kotse nya at hindi mapakali.Agad nyang nilapitan yung kotse ko ng makita nya ako."Boss pasensya na talaga. Kailangan lang."sabi nya."Ayos lang. Sige ako na dito. Puntahan mo na yung kapatid mo. Dalhin mo sa Madrigal Medical. Ipakita mo to at sila ng bahala." sabi ko sabay abot ng "black card".Para yung VIP card. Kapag meron ka nun ibig sabihin personal kang kakilala ng pamilya namin."Salamat Boss. Maraming salamat.""Sige bilisan mo na.""Opo boss. Nga pala boss..andyan pa sya sa loob."Tumango lang ako.Imbes na maghintay sa labas, pumasok ako sa loob.Pumarada ako sa gitna ng quadrangle nila.Bakit hindi...eh sister school ng Andrews Academy to.Oo tama kayo...sister school ng Andrews Academy ang St.Therese University.Dating dean ng school na to si Lolo kaya naman kilala kami ng mga lumang prof dito.Hindi na namin masyadong binibigyan ng pansin to dahil maganda naman ang pagmamalakad ng bagonf management. Isa pa, walang masyadong mga gangster sa school na to hindi tulad ng ACAD.Ang mga nag aaral kasi dito nasa average level ang socila status.Karamihan scholar kaya naka focus sila sa pag aaral imbes na magbulakbol."Goodafternoon po Mr.Madrigal. Napadalaw mo kayo? Nag meeting po ba kayo with Dean?" tanong ni Mr.Alvaro.Kilala ko sya dahil madalas kasama sya pag nagpapa meeting si Lolo."No..wala naman. May hinihintay lang ako."sagot ko sa kanya. Maya maya lang nakita ko si Kamylle na tumatakbo palapit sakin. Tinanong nya ako kung anong ginagawa ko dito. Pero hindi ko sya sinagot. School kaya namin to, "Mukhang andito na yung kailangan ko." sabi ko kay Mr. Alvaro
"Ahh okay...sige po Sir. Thank you for dropping by."sabi nung prof.
Tumalikod ako tsaka pumasok sa kotse.
"Get inside the car." sabi ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/88668803-288-k760088.jpg)
BINABASA MO ANG
HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)
RomanceLove comes in the most unexpected way... in the most unexpected person... and sometimes in the most unexpected reason... This is the perfect story to show how FRIENDSHIP conquers RIVALRY................. "Sya yung unang babaeng minah...