101

516 14 2
                                    

CHAPTER 101

Lahat tayo ay nagmamahal at nais na mahalin, lahat tayo ay nasasaktan at may kakayahang manakit, minsan sa ating buhay lahat tayo ay nabigo ngunit minsan naman'y tayo ang dahilan ng isang pagkabigo.

Bakit kahit gaano mo kamahal ang isang tao darating ang isang panahon na kayo'y hindi magkakasundo? Bakit kahit gaano mo kamahal ang isang tao ay mapahanga at mabibighani ka sa iba? Bakit minsan ay hindi sumasapat ang pag-ibig para mapanatiling walang alitan ang isang samahan?

Bakit minsan kahit alam mong may pagmamahal ka may pagkakataong PARANG nabo-bored ka o nananawa ka? Hindi man mismo sa kanya o kanyang presensiya kundi sa sitwasyong parang paulit-ulit.

Walang pagsidlan ang kasiyahan ng taong nagmamahal at minamahal; wala kang pakialam sa oras at sa mga taong nasa paligid mo dahil ang importante para sa iyo ay ang samantalahin ang pagkakataon na kayo'y magkasama.

Lahat ay kaya mong suwayin, lahat ay kaya mong tiisin dahil lahat ng para sa iyo ay kaligayahan sa tuwing siya'y iyong kasama. Ang pakiramdam na parang gusto mong pigilan ang pagtakbo ng oras, parang hindi ka dalawin ng antok sa tuwing siya'y iyong kausap, parang mabubusog ka sa kahit na anong ihain sa iyong harapan at ang pananabik na siya'y muling makita kahit na ilang oras pa lang kayong nagkakawalay at kaya mong baguhin ang buo mong pagkatao para sa kanya.

Ang lahat ng bagay ay puno ng pangarap, kasiyahan at kaliwanagan. Ngunit sa sandaling kayo ay subukin ng tadhana at may ulap na nang pag-aalanlingan ang iyong kaisipan dito natin malalaman, masusubukan at masusukat ang tunay na pag-ibig.

Sabi, kung ikaw ay nagmahal at minamahal binigyan mo raw ng karapatan ang taong ito na ikaw ay saktan. Isang kakatwa na kung sino ang labis mong mahal siya rin ay may kakayahan na labis kang saktan, kung sino ang iyong pinagkukunan ng lakas siya rin ang magiging dahilan ng iyong kahinaan, kung sino ang kasama mo sa pagbuo ng pangarap siya rin ang may kakayahang paguhuin ito anumang oras.

Hindi ba talaga natin ito maiiwasan?
Hindi ba sasapat ang inyong pagmamahalan para mapigilan ito?

Madalas tayong dayain ng ating mga mata, takaw-tingin ika nga; sinasabi nating "mahal kita" pero sa tuwing may nakikita tayong mas maganda/gwapo nabibighani naman tayo dito.

Ipinapangako natin ang samahang walang iwanan sa hirap o ginhawa ngunit paano kung magkasakit at mawalan ng trabaho ang iyong asawa hindi ka ba tatabangan sa inyong pagsasama? Sinasabi nating "mahal kita" pero kung matuklasan mong hindi siya pwedeng magkaanak hindi ba papasok sa isip mo ang magkaanak sa iba? Handa kang talikdan ang iyong pamilya para sa kanya pero paano kung wala na kayong makain hindi ka ba manunumbat o makakaramdam ng labis-labis na pagsisisi?

Hanggang saan natin kayang ipaglaban ang ating pag-ibig?
Kailangan ba nating tikman ang pagkakamali para malaman natin kung sino ang tunay nating mahal?..

THE ARMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon