%% FINALE %%
Ang pag-ibig ay, hindi usapin kung gaano kayo katagal magkakilala, o gaano kayo kalayo sa isa't isa, hindi ito usapin kung gaano kayo katagal muling magkikita dahil ang tunay na pag-ibig ay marunong maghintay, may pagtitiwala at marunong magtiis para sa isang magandang bukas.
Ang pag-ibig ay hindi paghahanap ng perpektong tao para sa iyo kundi ang pagtanggap niyo sa isa’t isa ng inyong kapintasan.
Kung ang pag-ibig mo ay magreresulta sa isang magulo at komplikadong sitwasyon na maaring makasira ng isang napakagandang samahan o pagwasak ng isang relasyon o pamilya mas makabubuting hindi na ito isiwalat dahil ang tunay na pag-ibig ay nakakaunawa at hindi makasarili. Ang kanyang kasiyahan ay kasiyahan mo na rin.
Maaring malupit ang mundo, ang taong mahal mo ay may mahal na iba habang ikaw ay nangangarap lang na balang araw na siya ay mapasaiyo, maaring ang taong mahal mo ay basura para sa iba ngunit kayamanan kung ito'y iyong ituring na higit pa sa luha ang gusto mong i-offer sa tuwing nakikita mo siyang nasasaktan at umiiyak.
Ngunit hindi lahat ng gusto natin ay mangyayari, hindi sa lahat ng panahon ay sasang-ayon sa atin ang pagkakataon na kahit anong pagpupursigi mo ay hindi pa rin papabor sa iyo ang resulta.
Hanggang saan ang kaya mong ibigay para sa pag-ibig?
Hanggang saan ang kaya mong tiisin para sa pag-ibig?
Hanggang saan ang iyong pagpapakumbaba para sa pag-ibig?
Ilang pagsubok ang kaya mong lampasan para sa pag-ibig?
Ilang tukso ang kaya mong talikuran para sa pag-ibig?
Ilang pagpapatawad ang kaya mong ipatawad para sa pag-ibig?Ang pag-ibig ay pagtitiis ngunit hindi katumbas nito na ikaw ay magpakabayani at patuloy na mahalin ang taong iresponsable, walang pagpupursigi at walang pagsisikap upang mapaunlad ang inyong samahan at pamilya.
Ang pag-ibig ay pagpapakumbaba ngunit hindi ibig ipakahulugan nito na ikaw ay habangbuhay na magpapa-alila at magbibigay sa lahat ng kanyang kagustuhan dahil kung tunay ang kanyang pag-ibig sa iyo dapat marunong din siyang magpakumbaba at umunawa dahil dapat ang pagmamahalan ay para sa DALAWA hindi sa isa lang.
Ang tunay na pag-ibig ay nagpapatawad ngunit hindi ibig sabihin nito na patuloy kang magpatawad para sa paulit-ulit na kasalanan. Ang paghingi ng tawad ay may kaakibat na pagsisisi at pagtanggap sa kamaliang nagawa at pangakong hindi na ulit ito mangyayari ngunit kung ilang beses nang inulit ang parehong pagkakasala parang kalokohan na lang ang pagpapatawad. 'Wag matakot at mabahala dahil may ibang taong mas karapat-dapat sa iyong pagmamahal.
Ang tunay na pag-ibig ay hindi sinusukat sa panahong kayo ay bata pa at maganda, hindi sa panahong kayo ay labis na masaya at masagana, hindi sa panahong pareho pang makinis ang inyong balat, hindi sa panahong masasarap pa ang inyong pagniniig sa gabi, hindi sa panahong wala ang mapanghalinang tukso at lalong hindi sa panahong wala kayong karamdaman at problema.
Dahil ang tunay na pag-ibig hindi lang puro sarap at kasiyahan kundi kasama rito ang hirap at kalungkutan.
Ang tunay na pag-ibig hindi nagugupo ng pagsubok, hindi pinagbabago ng panahon.Maaring kulang at hindi pa sapat ang pagpapaliwanag at pagkakaunawa ko sa tunay na pag-ibig ngunit katulad nang sa Karagatan, ang pag-ibig ay malawak at walang eksaktong sukat, tulad nang sa karagatan minsan ito'y maalon kung minsan naman ay kalmado, minsan kasiyahan ang dulot minsan naman ay makadarama ka ng labis na lungkot.
Ang buhay pag ibig nina moymoy at Edward isang fairy tale sa telenobla na sila lamang dalawang gumanap bilang mga bida. Sila ang nag papatunay na bawat tao my kanya kanyang destination sa buhay at my ibat ibang kapalaran.
..... THE END....
Maraming salamat po sa pag basa ang pag votes.. Hahaha hope nag enjoy po kayo.
Hanggang sa muli.
Written the story
...... Babaing Selosa.....
BINABASA MO ANG
THE ARMY
ActionBata Palang C MoyMoy namulat na sa buhay na mahirap at namulat din sa buhay na walang kinikilalang tunay na ama maliban sa kanyang lolo. Dhl dito kinailangan niyang maging matatag at matibay lalong maging matapang. Nang lukohin ng boyfriend naging...