CHAPTER 1 (Sam's First day of work)

1.6K 27 1
                                    

SAM's P.O.V

Good morning sunshine!!!

Isang napakagandang umaga nito para sakin. Alam niyo ba kung bakit? First day of work ko kasi and I'm so excited! Kaya naman maaga pa lang ay gising na gising na ako. Para iwas late at makapagpaganda pa. Siyempre dapat maayos ang itsura ko kapag humarap na ako sa boss ko.

Buti na lang at naihanda ko na at naayos ang mga gagamitin at susuotin ko sa trabaho. Hindi niyo kasi natatanong sobrang excited ko po talaga! Atsaka takot ko lang pong malate. Mahirap na first day of work ko, baka maging last day na din. Kaya heto! Ready na ang lola niyong rumampa sa trabaho. Pero bago iyon, kailangan ko munang kumain, iwas gutom atsaka para may lakas akong gawin ang trabaho ko.

Mabilis lang naman ang ginawa kong pagkain, at pagkatapos ay agad na akong umalis ng bahay. At buti na lang pala maaga ako, dahil mukhang traffic pa. Pasalamat na lang ako at medyo hindi naman gaano kami naipit sa traffic kaya on time parin ang pagdating ko sa kumpanya na pagtatrabahuhan ko.

Abot-abot naman ang kaba at sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko sa pagkatapak ko palang sa may pinto ng kumpanya. First day ko kasi, at ganito naman talaga kapag unang araw mo di ba? Sa trabaho man o sa eskwela, sadya namang kabado ka? Tapos hindi ko pa maiwasang isipin kung ano kaya ang kahihinatnan ng trabaho ko dito? Kung sino kaya iyong magiging boss ko? Iba kasi ang nag-interview sa akin ng nag-apply ako dito. Kaya hindi ko pa kilala o nakikita man lang ang pinakaboss dito. Kaya wala akong kaide-ideya kung anong itsura niya, kung gwapo ba siya o maganda? Pero dalangin ko sana ay mabait siya at sana ay magkasundo kami.

"Good morning po Maam "nakangiting bati ni manong guard sa akin. Agad din naman akong ngumiti sa kanya.

"Good morning din po"ganting bati ko saka nagtuloy-tuloy sa pagpasok.

Nakangiti lang naman ako habang naglalakad at ang bawat makasalubong ko ay agad kong binabati at nginingitian. Wala akong pakialam kung masabihan nila akong FC. Eh sa gusto ko silang batiin eh! Atsaka mas maganda na ang maging friendly, para wala akong maging problema sa mga kasamahan ko dito sa trabaho.

Pero di ko maiwasang magtaka sa paraan ng pagtitig nila sa akin. Hindi ko alam kung sobra lang ba talaga silang nagagandahan sa akin, kaya hindi nila maalis ang tingin nila sa akin.

Hindi ko naman alam na ganun na pala ako kaganda para makaagaw ng atensiyon nilang lahat. (sabay hawi ng buhok ko) Iba na talaga kapag maganda!

At dahil feel na feel ko ang pagtitig nila sa akin ay mas lalo ko pang binonggahan ang paglalakad, iyong tipong mala-Ms. Universe ang dating. May pagkaway-kaway pa ako hanggang sa makapasok ako ng elevator.

'Iba na talaga kapag maganda ka! Lahat napapatigil kapag dumadaan ka! Hahaha'

"Siya kaya yung bagong secretary ng CEO?"rinig kong bulong ng isang babae sa kaabay niya, sabay lingon sa direksiyon ko. Hindi naman ako nag-aasume pero sigurado akong ako talaga ang pinag-uusapan nila.

Ako lang naman kasi ang bagong secretary ng CEO!

Wala naman akong balak makinig sa bulungan nila, pero dahil sobrang lakas ng boses nila at medyo malapit pa ako sa kanila ay kahit hindi ko gustong pakinggan ay maririnig ko parin.

"Siguro? Kawawa naman siya, sa itsura palang niya mukhang hindi na siya tatagal"napakunot naman ang noo ko dahil sa sinagot ni tsismosa no. 2.

Wait! Anong sinasabi nila? Ayan! Nacurious tuloy ako! Nakakahawa talaga ang pagiging tsismosa!

"Korek ka diyan girl! Hindi yata niya alam ang pinapasukan niya. Kawawa talaga! Ang lakas ng loob! Wala siyang kaalam-alam na papasok siya sa lungga ng isang dragon"mas lalo naman akong nacurious sa pinag-uusapan nila. Kaya medyo lumapit pa ako, pero hindi naman ako nagpahalatang nakikinig sa kanila. Baka kasi masabihan pa akong tsismosa, ay sila lang naman iyon.

"Hindi na ako magtataka kung bukas hindi na iyan babalik. Itsura palang niya mukhang iyakin na. Paano pa kaya kapag nagkaharap na sila ni Boss? Baka tumakbo iyan pauwi"

Ay grabe naman sila! Anong tingin nila sa akin isang duwag? Hindi kaya ako duwag! Depende lang sa kaharap!

"Tama ka diyan girl! Lalo ngayon, balita ko ay mainit ang ulo ni Boss. Tiyak ako na pagkapasok palang niya, ay agad na siyang mabubugahan ng apoy ng dragon"

Hindi ko naman maiwasang hindi kabahan. Dahil base sa pinag-uusapan nila, mukhang masama ang ugali ng magiging boss ko. Kaya dapat pala ngayon palang ihanda ko na ang sarili ko, kung sakaling bugahan nga niya ako ng apoy. Wala naman kasing nakapagsabi sa akin na isang dragon pala ang magiging boss ko. Pero kahit na! Hindi parin dapat ako magpadala sa takot at kaba. Kailangan ko ang trabahong ito! Kaya hindi ako basta-basta magpapatalo!

Sa lalim ng pag-iisip ko ay hindi ko na namalayan na nakarating na pala ako sa floor kung nasaan ang opisina ng CEO. Kung hindi pa ako kinulbit ng isang kasama ko ay hindi ko pa mamamalayan na nandito na pala ako. Agad naman akong nagpasalamat sa kanila, saka ako lumabas. Pero bago pa tuluyang magsara ulit ang elevator ay narinig ko pa ang sabi nilang 'Goodluck' dahilan para lalong madagdagan ang kaba ko.

Pambihira naman oh! Ano ba itong pinasok? Pakiramdam ko tuloy para akong bibitayin. Pero hindi! Kailangan kong tatagan ang loob ko. Dahil kailangan na kailangan ko talaga ang trabahong ito.

'Kaya mo iyan Sam!'sabi ko pa sa sarili ko saka huminga ng malalim at nagpatuloy na sa paglalakad.

"WHERE'S THE NEW SECRETARY!!!??"

Malayo palang ako ay rinig na rinig ko na ang sigaw ng sinasabi nilang Dragon. Kaya mas lalo ko pang binilisan ang paglalakad ko. Mahirap na! Mukhang tama nga ang sinasabi ng mga babaeng kasabay ko kanina. Mukha ngang bubuga ito ng apoy, boses palang nakakatakot na. Hindi ko tuloy maiwasang matakot para sa sarili ko.

Jusko! Sana kayanin ko ito!

"I SAID! WHERE'S THE NEW SECRETARY!!??"

Huminga muna ako ng malalim at nagdasal bago ako pumasok sa opisina niya.

'Kayo na po ang bahala sa buhay ko! Sana po ay makalabas pa ako ng buhay, pagkatapos nito'

⬜⬜⬜⬜⬜⬜⬜⬜

"Huwag kang matakot sumubok, e ano naman kung mabigo ka? Atleast sumubok ka!"

Kuha mo?😅😂

⬛⬛⬛⬛⬛⬛⬛⬛

Sinipag akong mag-edit😂


Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon