CHAPTER 31

255 13 0
                                    

CHAPTER 31
BAKLA P.O.V
Sa malapit na resto na lang kami kumain, habang papasok kami may bigla na lang may nakabunggo Kay Sam" aray" rinig kong sabi ni Sam.
"Brad, titingin naman sa dinadaanan mo, nakabunggo ka tuloy!" Sabi ko sabay lapit kay Sam. 
"Okay ka lang? Alin ang masakit?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti lang naman siya "okay lang ako" sabi niya pa
"Brad pasensiya na ha! D ko kayo napansin nagmamadali kasi ako" hinging paumanhin niya,
"Okay lang brad, ingat na lang sa uulitin.." Sabi ko na lang, habang Kay Sam parin nakatingin. 
"Pasensiya na talaga Miss, nasaktan ka tuloy,...Sam?"gulat na sabi niya.. Wait! Kilala niya si Sam ko..? Ay Sam ko talaga? Hehehe, napatingin naman ako sa lalaking nakabunggo Kay Sam
"Jeric?" Gulat na sabi ko, napatingin naman siya sa akin, kita ko din nagulat siya. 
"John?, grabe brad hindi kita nakilala! Lalaking-lalaki ang datingan natin ah!"gulat na sabi niya pa. Sabay tapik sa balikat ko. Ako din di ko siya nakilala, lalo siyang gumandang lalaki, alam niyo ba na crush na crush ko siya noon. Hindi lang crush patay na patay ako sa kanya noon, pero noon lang iyon, ngayon kasi wala akong maramdamang paghanga sa kanya,ewan ko ba?
"Hehehe, ikaw din hindi kita nakilala ah, laki ng pinagbago mo brad!"sabi ko sa kanya, brad talaga tawagan namin noon. Napatingin naman ako Kay Sam, nakatingin lang sa amin.
"Ay nga pala brad, kilala mo si Sam? Paano?" Tanong ko Kay jeric tapos hinawakan ko ang kamay ni Sam. Pansin ko naman na napatingin si Jeric kay Sam, tapos sa mga kamay namin.
"Ha?...oo kilala ko siya, nakilala ko siya ng tinulungan ko siya noon, natatandaan mo pa ba iyon Sam?"baling na tanong niya Kay Sam. Kita ko naman na parang nag-iisip si Sam.
"Mukhang hindi na niya natatandaan brad" singit na sabi ko sa kanya. Mukhang nalungkot naman ang mukha ni jeric. 
"Ayun!! Natatandaan na kita!!" biglang sabi ni Sam. Naikinatuwa nman ni Jeric.Buwesit naalala pa!!
"Talaga natatandaan mo na ako?"tuwang-tuwa na tanong ni Jeric.
Bingi lang sabi ng oo di ba!!
"Oo, pasensiya na, ngayon ko lang naalala hehehe, di ba kaw iyong tumulong sa akin ng muntik na akong manakawan noon" nakangiting sabi ni Sam Kay Jeric.
"Oo, ako nga iyon! Buti naalala mo pa ako" masayang sabi naman ni Jeric. Echoss...
"Siyempre naman! Ang laki ng utang na loob ko sa iyo no', pero paano mo nalaman ang pangalan ko? Hindi naman ako nakapagpakilala sayo noon ah?" Takang tanong naman ni Sam kay Jeric. Ako naman tahimik lang na nakikinig. 
"Hehehe, eh kasi naipatak mo iyong I.d mo noon, kaya nalaman ko ang pangalan mo" nahihiyang sabi ni Jeric habang kumakamot sa ulo. Gwapo pero may kuto...
"Ah, pero nakakatuwa at nagkita pa tayo!"masayang sabi ni Sam, Ano naman kaya nakakatuwa doon!!!..
"Oo nga, destiny eh" natatawang sabi ni Jeric. Destiny mo mukha mo!!! 
"Oh tapos na kayo diyan, gutom na kasi ako! Tara na Sam" putol ko sa usapan nila. 
"Ay! Oo nga pala, sige Jeric Kain lang kami" paalam niya Kay Jeric. Hay! Salamat
"Sige brad, nice to see u again." Paalam ko din sa kanya. 'Sana Ito na ang huli' 
"Oh sige brad!natutuwa din ako na nakita ka ulit," nakangiting sabi niya. Mukha mo!!
"Lalo na sayo Sam!,sobrang saya ko na nakita kita ulit!," sabi naman niya Kay Sam. Hindi naman halata, bakit ba ako naiinis!!!
"Ah, Sam pwede ko bang mahingi ang number mo? Kung pwede lang naman?"nahihiyang sabi pa niya. Aba'y para-paraan din.
"Si-"
"Sira ang cp niya" pagputol ko sa sasabihin ni Sam.kita kong nagulat siya pero pinanlakihan ko lang siya ng Mata.
"Ay! Sayang naman pala kung ganun" nanghihinayang na sabi ni Jeric. 'Kala mo ha' 
"Iyong akin brad, d mo hihingin?" Tanong ko naman sa kanya.
"Hehehe ay oo nga pala! Kunin ko brad number mo" sabi naman niya. Inabot ko lang naman sa kanya business card ko. 
"Sige brad Una na kami" paalam ko sa kanya, sabay hila Kay Sam.

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon