CHAPTER 59

210 15 1
                                    

SAM'S P.O.V
Totoo ba narinig ko? Kami daw magdedate bukas??? DATE as in date talaga?? Waaahh!!
"Tayo magdedate?"paninigurado ko pa
"Oo sana, kung papayag ka"parang nahihiyang sabi niya pa 'sure na sure'
"Sigurado ka? Hindi ka ba nagbibiro? Ako niyayaya mo makipagdate sayo?"di parin makapaniwalang tanong ko sa kanya.
"Oo nga! Ano payag ka ba?"tanong niya pa..
"Oo naman!"sagot ko kaagad. Ngumiti naman siya.
"Talaga?"paninigurado niya..tumango naman ako.
"Talagang-talaga?"tuwang-tuwa na tanong pa niya, natawa naman ako
"Oo nga! Paulit-ulit"natatawang sagot ko.
"Yes!!,thank u Sam"sabi niya sabay yakap sa akin. 
"Ehem!!! Excuse me lang guys ha, mauna na ako!! Sige tuloy niyo lang. Goodnight lovebirds"biglang singit ni Gigi. Napabitaw naman ng yakap si bakla at tumingin kami Kay Gigi.
"Alam mo-"
"Hep! Kaya nga aalis na ako di ba?, ayaw ko ng masabihan ng daot no' sige Una na ako, enjoy!"putol ni Gigi sasasabihin ng kuya niya sabay alis niya na. So kami na lang dalawa ang natira dito.
"Ahh, sige linisin ko lang itong pinagkainan natin"pamamaalam ko sa kanya..
"Tulungan na kita"alok niya naman
"Hindi na kaya ko naman"pagtanggi ko
"No! Tutulungan na kita! At bawal kang tumaggi"pamimilit pa niya
"Okay! Sabi mo eh!"pagsuko ko naman, kaagad namin niligpit ang pinagkainan namin, tulong kami sa paghuhugas. Makulit siya eh, 
"Hugasan mo naman ng ayos!"sabi ko sa kanya,para kasi siyang bata na naglalaro lamang.
"Paano ba?"pagtatanong naman niya
"Kung makapagvolunteer kang tutulong, hindi ka naman pala marunong"sabi ko sa kanya
"Gusto ko kasi tulungan ka eh,"lungkot-lungkutang sabi pa niya 
"Turuan mo na lang kasi ako"parang-batang sabi pa niya
"Hay! Naku! Para kang bata diyan! Paghuhugas lang, hindi mo pa alam"pangangaral ko sa kanya, sumimangot lang naman siya.
"Akin na nga! Turuan kita,"sabi ko pa "Ganito kasi"turo ko sa kanya
""Paano?"pagtatanong niya "Ganito ba"sabi niya pa,'ano ba yan, naglalaro lang naman siya eh!'
"Hindi ganyan!"saway ko sa kanya.
"Ganito ba?"sabi niya sabay yakap sa akin mula sa likod (back hug) at naghugas na siya ng mga plato. Nagulat naman ako, atsaka teka marunong naman pala siya eh..
"Buwesit ka!"sabay palo ko sa kamay niya "marunong ka naman pala! Para-paraan ka din ano?"reklamo ko sa kanya. Natawa naman siya habang naghuhugas parin.
"Hindi kaya ako marunong! Mabilis lang ako matuto kaya ganun! Kita mo marunong na ako"pagmamalakipa niya
"Madaling matuto ka diyan! Sabihin mo para-paraan ka lang! Gusto mo lang manyakap eh"sabi ko sa kanya
"Gusto mo rin din naman eh! Na yakapin kita"pang-aasar naman niya
"Kapal ha"sabi ko pa, tumawa lang naman siya. Ganun lang ang posisyon namin habang naghuhugas, hanggang sa makatapos kami. Pero hindi parin niya inaalis pagkakayakap niya.
"Hindi naman halatang gustong-gusto mo akong yakapin ah"sabi ko sa kanya, pero sa halip na alisin niya pagkakayap niya lalo naman niyang hinigpitan pagkakayakap niya.
"Eto naman! Huwag kang kj diyan! Enjoyin mo na lang!"sabi naman niya
"Ano pa magagawa ko, sobrang higpit ng yakap mo diyan"natatawang sabi ko sa kanya. 
"Ganito muna tayo kahit saglit lang! Namiss kita eh"paki-usap pa niya. Napangiti naman ako
"Lagi naman tayong magkasama ah"pakunwaring hindi kinikilig na sabi ko pa.
"Kahit na! Minsan kasi kahit ang lapit-lapit muna,pakiramdam ko ang layo-layo mo parin. Atsaka nitong mga nakaraang araw lagi na lang tayo nag-aaway, kaya sobrang namiss kita. Ako ba hindi mo namiss?"paglalambing naman niya. 'Inang!! Kinikilig ako!!todong-todo na ito!!'
"Namiss sobra!!"pag-amin ko.
"Huwag na tayo mag-aaway ha"dagdag pa niya
"Ayaw ko naman talaga mag-away tayo eh"sabi ko sabay harap sa kanya.
"Ako din ayaw ko magkaaway tayo"pagsang-ayon naman niya
"Basta huwag ka ng maging seloso diyan ha! Wala ka naman dapat ipagselos eh"sabi ko sa kanya sabay hawak sa mukha niya.
"Hindi ko mapigilan eh!"sagot naman niya. Natawa naman ako.
"Ayaw ko kasi nakikita ka may kasamang iba"pag-amin pa niya
"Kahit ako din naman ayaw kong nakikita kang may kalandiang iba"sabi ko sa kanya, napakunot noo naman siya
"Hindi naman ako nakikipaglandian! Sweet lang akong tao"pangangatwiran naman niya
"Sweet na tao! Kaasar kaya pagiging sweet mo"sabi ko naman
"So naaasar ka kapag sweet ako sayo?"pagtatanong niya pa
"Hindi! Pero naaasar ako kapag sweet ka sa iba"pag-amin ko pa.
"Tulad ng sabi mo, wala ka naman dapat ikaasar o ikaselos eh" sabi naman niya.
"Ewan ko ba! Hindi ko mapigilan eh"pag-amin ko ulit. Napangiti siya.
"Pero okay na tayo di ba?"tanong niya pa, tumango naman ako
"Oo, okay na tayo"sabi ko sabay ngiti sa kanya.
"Excited ka na ba bukas?"pagtatanong niya ulit
"Medyo"natatawang sabi ko
"Medyo lang"nakasimangot na sabi niya pa.
"Joke lang! Ito naman! Siyempre excited na ako, sobra"sabi ko naman. Ngumiti naman siya..
"Ako din! Excited na"pag-amin niya 
Yinakap ko naman siya, hindi ko alam kung anong meron sa amin. Pero okay lang kahit walang label, basta masaya kami....

Done hehehe😘
Hope u like it guys..
#bhabeday
#teambhabe
#date
#vicejack

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon