CHAPTER 50

386 16 2
                                    

CHAPTER 50
BAKLA P.O.V
Hinabol ko na lang sa tingin si Sam,nagbibiro lang naman ako eh. Nahihiya lang ako, hindi ko alam kung paano siya haharapin. Kaya yun! Kaso nagalit naman siya. Oo, naaalala ko ang lahat ng nangyari kagabi, lasing ako pero nasa tamang-isip ako ng nagtapat ako sa kanya. Dahil siguro sa kalasingan, nagkaroon ako ng lakas ng loob para magtapat, kaso epic failed naman. 
"Sira ka kasi eh!kung pinandigan mo na lang eh di sana nagalit si Sam!"saway ko sa sarili ko. Hindi pa man kami nagkakaayos ng ayos, nag-away na naman kami. Habit na yata namin ang mag-away ah!.
"Kaasar naman eh!!"sabi ko habang nagpapapadyak.
Natigil ako sa pagpapadyak ng biglang tumunog iyong cp ko. Dali-dali ko itong sinagot nagbabakasakaling si Sam.
"Hello"sagot ko 
"Hello, BebeBoy?"sabi ng nasa kabilang linya. Ha? Bebeboy? Sino ito?
"Who's this?"mataray na tanong ko, 
"Ano ka ba! Nakakapagtampo ka! Hindi mo na ako natatandaan, bebeboy?"sagot naman niya. 'Teka nga sino ba itong babaeng ito? Atsaka bebeboy daw?sino ba ang natawag sa akin nun'?' Nanlaki ang Mata ko ng maalala ko
"Angel?"pagsisigurado ko, rinig ko namang tumawa siya.
"Tumpak!! The one and only bebegirl mo"tuwang-tuwang sabi niya.
"Kamusta? Tagal na nating di nagkikita ah!"pangangamusta ko pa
"OK lang! Kaw ang kamusta? Balita ko ay may bago sayo ah?naikwento ni Gigi."natawang tanong niya. 
"Hay naku! Kahit kailan talaga ang daldal ng kapatid kong yun!"reklamo ko
"Hahaha hindi ka pa nasanay! So kamusta nga? Kwento ka naman! Magkita tayo"pang-aaya pa niya, nagulat naman ako.
"Nasa Pilipinas ka? Kailan pa?"gulat na tanong ko.
"Yap! Nasa Pilipinas ako, noong isang linggo pa"sagot niya
"Sino kasama mo umuwi dito?"pagtatanong ko ulit.
"Ako lang! Hay naku! Buti pa ay magkita na lang tayo, nagmakapagkwentuhan tayo ng ayos. Sadyang miss na miss na kita bebeboy" sabi pa niya. Napangiti naman ako
"Miss na miss din kita bebegirl, sige kita tayo. Magbibihis lang ako" paalam ko sa kanya. Agad akong umakyat sa taas
Naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa makarating ako sa may park. Now ko lang nalaman na may park pala dito. Agad akong umupo, buti na lang walang tao dito. Pwede akong magwala, sobrang nakakainis kasi!!!!
"I hate u bakla!!" Sigaw ko..
"Paasa ka!!!!"dagdag ko pa..
"Kakaasar!!! Bakit ba kasi sa dinami-dami ng lalaki sa mundo na pwede kong mahalin sa bakla pa!!! Na sobrang paasa!!"sigaw lang ako ng sigaw...
"So, tama nga ang hinala ko may gusto ka sa kanya" rinig kong may nagsalita, agad akong napalingon...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Jeric!!!"gulat na sabi ko. "Anong ginagawa mo dito?"tanong ko pa. Ngumiti naman siya at lumapit para umabay sa akin.
"Balak sana kitang dalawin, para kamustahin, di ba kahapon. Mukha kasing problemado ka ng time na yun, kaya pinuntahan kita. Sakto nakita kitang lumabas ng bahay mo. Kaya sinundan kita, kaya nakarating ako dito" sagot niya habang nakangiti parin. Nakonsensiya naman ako..
"Sorry nga pala kahapon ha, nasigawan kita. Hindi ko talaga gustong sigawan ka kaso hindi na ako nakapag-isip ng ayos ng time na yun."hinging paumanhin ko.
"Okay lang! Naiintindihan ko"nakangiting sabi niya.
"Hehehe salamat bait mo talaga, pero pasensiya na talaga"nakangiting sabi ko rin sa kanya.
"Okay nga lang eh, so ano nga? Siya nga?"tanong naman niya. Tumingin naman ako sa kanya na parang naguguluhan.
"Ano ibig mong sabihin?"nagtatakang tanong ko
"Ang slow mo, bagay talaga kayong dalawa"natatawang sabi niya pa, na lalo kong ikinakunot ng noo.
"Ha?"tanong ko ulit.
"Hay naku! Maganda ka pero slow" natatawang sabi niya, sumimangot naman ako " hehehe joke lang, ang ibig kong sabihin tama ang hinala ko na may gusto ka nga kay brad" paliwanag niya. Natigilan naman ako..
"Hoy!huwag mong sabihin na nahihiya ka kasi nalaman ko" pang-aasaar pa niya. Pinalo ko naman siya.
"Sira! Hindi yun! Nagulat lang ako"sagot ko
"Hahaha ako hindi, masyado kasi kayong halata" sabi pa niya,
"Ano ibig mong sabihin?"gulat na tanong ko sa kanya, lalo naman siyang natawa. 'Alam niyo gwapo sana ito kaso may sira lang'
"Hahaha, ang ibig kong sabihin masyado kayong halatang dalawa! Kayo na lang yata ang hindi nakakahalata eh"tawa parin siya ng tawa.
"Ganun ba ako ka obvious?"nahihiyang tanong ko sa kanya.
"Oo! Kaya nga hindi ko maintindihan,bakit hindi pa kayo nag-aaminan"nagtatakang sabi niya. 'Paano mangyayari yun ay paasa nga yung baklang iyon!'
"Paano mangyayari yun! Ay hindi ko nga maintindihan ang baklang yun! Masyado siyang paasa alam mo ba"naiinis na sabi ko.
"Paasa? Paano mo naman nasabi?"tanong niya pa
"Eh paano ba kasi! Minsan ang sweet niya, tapos magagalit na lang bigla. Tapos pasabi-sabi pa siyang nagseselos daw siya sayo! Tapos heto pa naglasing siya kagabi, tapos sabi niya mahal daw niya ako, may pahalik-halik pa siyang nalalaman. Ako naman sobrang kinilig, pero kanina umarte siyang walang maalala, siraulo pala siya eh!! Kabuwesit!!!"dire-diretsong sabi ko. Siya naman tumawa lang
"Oh anong nakakatawa dun? Naiinis na ako pero ikaw tawa lang ng tawa diyan" inis na sabi ko.
"Pasensiya ka na hindi ko lang talaga mapigilang hindi matawa sa inyo"natatawang sabi niya "atsaka ako pinagseselosan niya? Hahaha sabagay sa gwapo Kong ito" sabi niya pa.
"Yun lang ang hangin" pang-aasar ko
"Nagsasabi lang ako ng totoo, pero gusto mo tulungan kita na mapaamin siya?"biglang alok niya.
"Paano?"tanong ko
"Simple lang di ba sabi mo nagseselos siya sa akin? Eh di pagselosin natin, pag hindi pa siya napaamin eh" suhestiyon naman niya
"Pero baka lalo lang kaming magkagulo,atsaka hindi naman ako sigurado kung may feelings talaga yun sa akin"nag-aalalang sabi ko
"Basta magtiwala ka sa akin! Huwag kang mag-alala ako bahala, atsaka sure ako may gusto yun sayo" sabi niya sabay kindat 'sira din talaga ito eh'

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon