CHAPTER 69

195 12 0
                                    

SAM'S P.O.V
After kong maligo at makapag-ayos ay umupo muna ako sa Kama ko. Hindi parin nawawala sa isip ko iyong tanong niya kanina. Kasal talaga? Pero bakit hindi basta siya,
"Aaahhhhh nababaliw na ako sayong bakla ka!!!"sigaw ko, habang parang batang pagulong-gulong sa Kama ko.
"Naloloka na ako kakaisip sayo!!!!"sabi ko pa, pero napatigil ako ng may narinig akong may tumatawa. Kaya napaangat ang tingin ko at nakita ko si bakla nakatingin sa akin, habang tumatawa.
"Anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok?"gulat na tanong ko at agad na umayos ng upo.
"Hahaha, ang cute mo"natatawang sabi niya "hindi ko alam na nakakabaliw na pala ako hahaha"dagdag pa niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin at binato ng unan.
"Hey! Easy lang!"sabi niya pa 
"Easy lang ng mukha mo! Anong ginagawa mo dito ha? At paano ka nakapasok sa kwarto ko?"pagtatanong ko ulit. Lumapit naman siya sa akin at ngumiti.
"Nakalimutan mo na ba bahay ko ito,siyempre may Susi ako ng kwarto mo"sagot naman niya, pinalo ko naman siya
"Hoy! Hindi porket bahay mo ito, malaya mo nang buksan ang kwarto ko! Hindi ka ba marunong kumatok ha? Paano kung nagbibihis o nakahubad ako? Naisip mo ba iyon?"inis na sabi ko sa kanya habang pinaghahampas siya. Siya naman nakangiti lang habang umiilag.
"E di mas maganda yun,"natatawang sabi pa niya, lalo naman akong nainis.
"Buwesit ka! Siraulo ka pala eh! Anong mas maganda yun! Bastos kang bakla ka!!!"gigil na sabi ko sa kanya at patuloy na hinahampas siya.
"Hey! Aray! Masakit na ha!"reklamo niya sabay huli sa kamay ko, 
"Ano ba! Bitawan mo nga ang kamay ko, bastos ka!!"sabi ko pa habang nagpupumiglas. 
"Sorry na, joke lang naman iyon ano ka ba."sabi niya pa habang hawak-hawak parin ako. Pilit ko naman siyang itinutulak.
"Joke mo mukha mo! Bastos ka!"sabi ko pa. Pero siya naman ay tinawanan lang ako.
"At talagang tinatawanan mo pa ako ha!"inis na sabi ko pa. At tinulak siya, pero hindi man lang siya natinag.
BAKLA P.O.V
Kita ko ang inis sa mukha ni Sam, kahit kailan talaga, pikon siya..hahaha. Patuloy parin siyang nagpumiglas..
"Aray!"reklamo ko ng kagatin niya ang kamay ko..
"Buti nga sayo!"sabi niya at dinilaan ako.
"Ah! Gusto mo ganyanan ha! Patay ka sa akin!"sabi ko sa kanya, nanlaki naman ang Mata niya sabay takbo palayo sa akin.
"Hoy! Anong gagawin mo?"parang natatakot na sabi niya pa habang lumalayo sa akin. Ako naman patuloy na lumalapit sa kanya.
"Sam, halika dito,"sabi ko pa habang nakangiti ng nakakaloko. Lalo naman siyang lumayo at kita kong nakatingin siya sa may pinto. 
"Hindi ka makakatakas sa akin sam, hahaha"natatawang sabi ko at lumapit ako sa pinto at nilock ito 
"Hoy! Ano bang ginagawa mo? Bakit mo nilock ang pinto? Pwede ba buksan mo iyan! Lalabas ako!"sigaw niya sa akin.
"Sam, Sam,Sam natatakot ka ba sa akin?"nakakalokong sabi ko sa kanya habang papalapit sa kanya. Kita ko ang takot sa mukha niya.
"Huwag kang lalapit sa akin! Binabalaan kita! Sasamain ka sa akin!"pagbabanta niya sa akin. Natawa naman ako lalo...
"At ano naman gagawin mo sa akin Sam? Excited na ako"pang-aasar ko pa sa kanya. Habang papalapit sa kanya. Sinamaan niya naman ako ng tingin.
"Sige ka! Tatamaan ka talaga sa akin! Subukan mong lumapit!"pagbabanta pa niya. 
"Sam, nandiyan na ako"pang-aasar ko pa sa kanya. Tumakbo naman siya papalayo, wrong move siya hahaha. Dahil nagkaroon ako ng pagkakataon para hulihin siya.
"Ahhhh!!"sigaw niya, matapos ko siyang hulihin at biglang ihiga sa Kama.
"Hoy! Ano ba! Pakawalan mo nga ako!"reklamo niya sa akin. Umiling naman ako sa kanya.
"Ayaw ko nga, hinding-hindi kita papakawalan"seryosong sabi ko sa kanya. Natigilan naman siya at napatingin sa akin.
"Ngayong hawak na kita, wala na akong balak pakawalan ka pa"dagdag ko pa.
"Ano bang pinagsasabi mo diyan?"tanong niya. Ngumiti naman ako sa kanya.
"Pwede ba tumayo ka nga diyan! Hindi ka magaan para sabihin ko sayo!"reklamo pa niya.
"Ganito muna tayo, nag-eenjoy pa ako-"pinalo naman niya ako
"Bwesit ka! Bastos ka talaga!"sabi niya sabay palo niya sa akin.
"Sandali! Hindi pa kasi ako tapos. Ang ibig kong sabihin nag-eenjoy pa akong titigan ka sa malapitan"paliwanag ko pa sa kanya. Tumigil naman siya sa paghampas sa akin.
"Iyan! Ayusin mo kasi!"sabi naman niya.
"Maayos naman pagkakasabi ko eh, ikaw lang itong basta-basta ng hahampas."reklamo ko naman
"Paanong hindi kita mahahampas diyan! Eh puro ka kalokohan."sabi niya ulit.
"Anong kalokohan ang ginawa ko?"pagtatanong ko sa kanya, umiwas naman siya ng tingin.
"O hindi ka makasagot diyan, ikaw naman kasi hindi mo muna ako pinatatapos sa sasabihin ko. Hindi mo rin hinahayaan na magpaliwanag ako. Tapos sasabihin mo puro ako kalokohan"parang nagtatampong sabi ko. Tumingin naman siya sa akin.
"Eh paano kasi, hindi mo inaayos."sabi niya sabay pisil sa ilong ko.
"Aray! Bakit ba ang hilig mong panggigilan ang ilong ko. Ang hilig mo pang hampasin ako."reklamo ko sa kanya.
"Asus! Sorry na"sabi niya sabay kiss sa may ilong ko. Napangiti naman ako.
"Pwede mo rin panggigilan ang labi ko, kung gusto mo"sabi ko pa sa kanya. Pinalo naman niya ako
"Kahit kailan talaga!"sabi naman niya. Natawa naman ako.
"Pero seryoso Sam, ang sarap ng ganito lang tayo. Iyong ikaw lang at ako. Tapos ang lapit natin sa isa't-isa, katulad nito"seryosong sabi ko sa kanya, at lalo pang inilapit ang mukha ko sa kanya. 
"Okay lang sa akin, ang malapit tayo sa isa't-isa, tulad ng ganito. Pero ganitong posisyon talaga?"sabi pa naman niya, natawa naman ako
"Anong masama sa posisyon nating dalawa?"natatawang tanong ko sa kanya. Pinalo naman niya ako.
"Hahaha, ang cute mo talaga pagnapipikon"nakangiting sabi ko sa kanya at lalong inilapit ang mukha ko sa kanya.
"Mga style mo din! Iba din!"sabi niya habang nakatingin sa akin ng ditetso. Ngumiti naman ako sa kanya,at napatingin sa labi niya.
"Tutuloy mo ba o titingnan mo na lang?"pagtatanong niya pa.
Nagulat naman ako sa sinabi niya.
"Anong sabi mo?"tanong ko 
"Ang sabi ko, kung itutuloy mo ba o tititigan mo lang"pag-uulit niya pa.
"Bakit gusto mo rin ba?"pagtatanong ko sa kanya. 
"Ano sa tingin mo?"pagtatanong din niya, napangiti naman ako.
"Assumero ba ako? Kung sasabihin kong gusto mo rin."sagot ko sa kanya.
"Hindi naman, lalo na kung totoo naman"nakangiting sabi niya sa akin.
"So ano nga? Itutu-" hindi ko na siya pinatos sa sasabihin niya at agad ko siyang hinalikan, 
Sana ganito na lang kami palagi, masaya....

Done na ang chapter 69😘❤

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon