CHAPTER 28

253 15 0
                                    

CHAPTER 28
SAM'S P.O.V.
Para lang kaming ewan, kung may makakakita sa amin aakalain na magjowa talaga kami. Best day ever for me, paalala niyong pasalamatan ko si Gigi ha...
"Crazybhabe!!!" Tawag niya sa akin "click" 
"Hoy! Daya mo! Burahin mo yan!"sabay agaw sa cp niya.
"Okay lang naman eh, maganda ka parin" sabi niya habang nilalayo cp niya.
"Mambobola ka talaga!" 
"Hindi ah!" Sabi niya "halika nga dito! Picture tayo" yaya niya sabay akbay sa akin. 
"OK. 1.2.3 smile" sabi niya, pose lang kami ng pose. 
"Ok last..1.2.3..." Sabi niya,pero laking gulat ko ng bigla niya akong ikiss sa pisnge sabay click. 
"Perfect" tuwang-tuwang sabi niya. Ako naman napanganga.
"Ang Ganda, ang cute mo oh!" Sabay pakita niya sa akin ng picture. Kung titingnan parang hindi ako nagulat, nakasmile ako tapos siya nakakiss sa pisnge ko. 
""Ang sweet natin tingnan" dagdag pa niya
"Kaasar ka" sabay hampas ng mahina sa kanya. " pasalamat ka maganda ako diyan kung hindi lagot ka sa akin" dagdag ko pa.
"Bakit? Anong ginawa ko?"pagtatanong niya naman. Parang walang alam ah
"Bakit ka kasi nanghahalik na lang bigla!,buti hindi ako nakanganga diyan" sabay hampas uli sa kanya.
"Asus! Ayaw pang sabihin na kinikilig ka lang, pero okay lang iyan!"sabi niya sabay hila sa akin palapit sa kanya. 
"Pasalamat ka ma..."
"Ma?"pagtatanong niya, 
"Ma...ano....maganda ako, iyon!"kinakabahang sagot ko.
"Ah...akala ko mahal mo ako" sabi niya, sabay kindat sa akin. 
"Mahal naman talaga kita eh" seryosong sabi ko habang nakatingin sa kanya. Kita kong nagulat siya.
"Anong sabi mo?"tanong niya
"Sabi ko mahal naman talaga kita... You know as friend..." Woahhh muntik na
"Ah..yun, tara na nga" sabi niya, sabay alis, anyare dun?
"Hoy! Sandali!" Tawag ko sa kanya sabay habol sa kanya.
"Anyare sayo? Kanina okay ka tapos ngayon, tingnan mo mukha mo hindi maipinta" natatawang sabi ko, lalo naman siyang sumimangot, at nagdire-diretsong lakad.
"Hoy! Ano ba?, nagbibiro lang ako!" Sabi ko at hinabol uli siya.
Anyare ba dun? Dire-diretso lang siya na parang hindi ako naririnig.
"Hoy! Sandali nga! Hintayin mo naman ako!!" Tawag ko ulit sa kanya. Pero wala, ano bang ginawa ko? Galit ba siya? Pero bakit?
"Bekibhabe!!!!" Tawag ko sa kanya "sorry na!!" Dugtong ko pa. Nagtinginan naman ang mga tao sa amin. 
"Sorry na bekibhabe ko, bati na tayo" pagpapacute ko pa. Kita ko naman na natatawa naman siya.
"Ay! Ang cute nila"rinig kong komento ng ilan na nanonood sa amin.
"Bro! Bati na daw kayo, pansinin mo na gf mo!!" Sigaw naman ng isang lalaki. Ano raw gf? Ako? How I wish charot!
"Rinig mo iyon bekibhabe ko bati na daw tayo" sabi ko pa. 
"Matitiis ba naman kita crazybhabe ko" sabi niya habang papalapit sa akin. Rinig ko naman ang sigawan ng mga tao.
"Baliw ka talaga" bulong niya sa akin ng makalapit siya.
"Ikaw kasi, ang moody mo" sabi ko naman sa kanya. " bati na tayo" tanong ko pa
"Bakit nag-away ba tayo?" Tanong naman niya. Umiling naman ako 
"Hindi, pero bakit iniwan mo ako? Hindi mo ako pinapansin?" Nakangusong sabi ko
"Sira! Joke lang iyon, hindi ako galit sayo, halika nga dito" sabay yakap sa akin, nagpalak-pakan naman ang mga tao.
"Kaloka gumawa pa tayo ng eksena dito" sabi niya pa, natawa na lang naman ako.
"Kiss" sigaw naman ng mga tao. Yun lang! 
"So paano ba yan? Kiss daw?" Natatawang sabi niya, naikinalaki ng Mata ko
"Sige subukan mo! Sapakin kita" Pagbabanta ko
"Kaya mong saktan ang bekibhabe mo?" Panghahamon niya. Kaya ko nga ba?
"Oo....naman" sagot ko
"Sige nga! Sapakin mo ako pagkatapos Kong gawin ito " sabi niya sabay halik sa noo ko.

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon