CHAPTER 54

189 13 0
                                    

SAM'P.O.V
Habang enjoy na enjoy kami sa ampalaya shake, si bakla naman hindi maipinta ang mukha.
"Ayos ka lang brad?"biglang tanong sa kanya ni Jeric
"oo naman"pilit na ngiting sagot niya.
"Proud talaga ako sayo Bebeboy! Ang galing mo! Kumakain ka na ngayon ng ampalaya"tuwang-tuwang sabi pa ni Angel. Ngumiti lang naman sa kanya si bakla. Ako nakatingin lang sa kanya, halata naman kasing pinipilit lang niyang ubusin yun, nakonsensiya tuloy ako..
"Ah,saglit lang ha, punta lang ako sa cr" biglang paalam ni bakla sa amin, after niyang maubos yung ampalaya shake.
"okay ka lang?" biglang tanong ko,mukha kasing hindi siya mapakali eh, pero tiningnan niya lang ako at nagtatakbo na siya.
"Ok lang yun!"bulong naman akin ni Jeric. 'sana nga'
Pero hindi talaga ako mapakali, gusto ko siyang sundan. 
"Sundan mo na"bulong ulit ni Jeric, agad naman akong tumayo.
"Oh sam! Saan ang punta mo?"tanong ni Angel.
"Magccr lang ako"sagot ko sabay takbo. Agad ko siyang hinanap, at nakita ko siya na suka lang ng suka. Nag-aalala akong lumapit sa kanya.
"Ok ka lang?"nag-aalalang tanong ko sa kanya.
"Sa tingin mo? Mukha ba akong okay?"pagtataray naman niya.
"Sorry"hinging paumanhin ko sa kanya.
"Sayo na lang yang sorry mo" sabi niya sabay suka ulit.
"Sorry talaga! Kaw kasi nagsimula eh! Yan tuloy! Bakit mo pa kasi inubos?"sunod-sunod na sabi ko.
"Ako pa sinisi mo,galing mo din ano?!"may inis na sabi niya. Natahimik naman ako,ayaw ko ng sumagot sa kanya baka mag-away lang kami.
"Ano bang ginagawa mo dito?"tanong niya
"Sinusundan ka,kita ko kasi kanina hindi ka mukhang okay. Kaya sinundan kita,nag-aalala kasi ako sayo" sagot ko naman.
"Nag-aalala daw? Eh ikaw nga may kasalanan nito eh" paninisi pa niya 
"Oo na ako na may kasalanan! Ano okay na ba?"pagsuko ko
"Hindi pa! Hindi pa ako okay eh!" sabi naman niya.
"Kaya mo pa ba? Gusto mo dalhin na kita sa hospital?"may pag-aalalang tanong ko pa.
"Kaya ko pa! Sa bahay ko na lang ito ipagpapahinga" nanghihinang sabi niya. Agad ko naman siyang inalalayan.
"Okay! Samahan na kita umuwi"pag-aalok ko 
"huwag na kakahiya naman sa kadate mo!"tanggi niya naman.
"Hindi kami nagdedate ni Jeric, nagyaya lang siya kumain at maggala, nahiya naman ako kaya sumama na lang ako"paliwanag ko pa.
"Nahiya daw?sabihin mo gusto mo din! Sweet niyo kanina eh!"sabi pa niya.
"wow! Kung makapagsabi ka ah! Di ba ikaw din! May kasama ka din naman ah. Sweet niyo din! May tawagan pa! Bebeboy! At Bebegirl"pangbabara ko sa kanya. Bigla naman siyang napangiti.
"Oh anong nginingiti mo diyan?"tanong ko
"Wala lang may naisip lang ako"sagot niya
"at ano naman naisip mo?" pagtatanong ko ulit.
"Naisip ko kasi na"putol niya sabay tingin sa akin habang nakangiti.
"na?" tanong ko ulit
"na parang nagseselos ka"may halong pang-aasar na sabi niya pa. Nagulat naman ako
"Ako? Nagseselos? Asa!"pagtanggi ko 
"Sige okay lang! Tanggi mo lang"pang-aasar pa niya.
"Ang kapal-" hindi ko na natuloy dahil..
"Bebeboy okay ka lang ba diyan?"pagtatanong ni Angel habang kumkatok. ' kahit kailan talaga itong babaeng ito!,ang sarap sabihin na okay lang siya kasi narito na ako'
"Oh bakit nakasimangot ka diyan?" natatawang tanong ni bakla.
"Wala! Oh siya lumabas ka na diyan! Nag-aalala yung Bebegirl mo" utos ko sa kanya, sabay tulak sa kanya
"uy! Sandali lang! Kita mong nanghihina pa yung tao eh! Kung makatulak ka ah"reklamo niya
"Paki ko! Sige lumabas ka na! Naghihintay na yung Bebegirl mo!"pagtataray ko pa sa kanya.
"ay grabe! Siya magselos"natatawang sabi niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin
" hindi no! Lumabas ka nga!"sabay tulak sa kanya
"heto na po lalabas na! Baka nag-aalala na sa akin si Bebegirl sa lanas eh" pagpaparinig pa niya. Kaya lalo ko siyang tinulak 'buwesit na yun!'
"Aray" rinig kong reklamo niya 
"Buti nga sayo! Madapa sana kayo!" sigaw ko pa...
Kaasar!!!!!!!

BAKLA P.O.V
Natatawa akong lumabas, bagamat medyo nasaktan talaga ako dahil sa pagkakatulak niya.
"Okay ka lang? Bakit ang tagal mo?"tanong kaagad sa akin ni angel. Ngumiti naman ako sa kanya.
"Okay lang ako,medyo d ko lang kinaya ang ampalaya shake na yun" pag-amin ko, natawa naman siya
"hahaha siraulo ka kasi! Yabang din mo ano? Akala mo kaya mo," pang-aasar pa niya.
"Okay lang" nakangiting sabi ko " may maganda namang binunga eh" dagdag ko pa. Parang ewan naman siyang tumingin sa akin
"At ano naman yun?" pagtatanong niya.
"Wala ka na dun!"natatawang sagot ko pa
"Hoy! Huwag kang madaya! Magkwento ka!" pangungulit pa niya.
"Ayaw ko nga" sabi ko sabay belat sa kanya.
"Tara na nga umuwi!"pag-aya ko pa sa kanya. Sumimangot naman siya
"ewan ko sayo! Madaya ka!"pikon na sabi niya at naunang maglakad sa akin, natawa naman ako.
"Hoy!Sandali lang!" paghabol ko sa kanya....

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon