CHAPTER 16

266 19 0
                                    

CHAPTER 16 
SAM's P.O.V
Inis na inis na talaga ako sa baklang ito. Akitin daw? Ano tingin niya sa akin, kapal ng mukha ang yabang pa. Kakabuwiset parang gusto Kong manapak ng bakla ngayon!!!
"Ay ganun grabe iyong girlalu na iyon ah!" Gulat na sabi ni macy 
"Sinabi niyo pa" panggagatong pa ni Madam. Sabay belat sa akin. 
"Mukhang ang sama ng umaga niyong dalawa ah" sabi pa ni Lucy. 
"Talagang-talaga, kaso no choice ako kaya tiis muna sa impakta Kong kasama sa bahay" sabat ko naman.. Nagtawanan naman sila maliban Kay Madam, akala mo ha.
"Kawawa ka naman ate girl!,pero tama ka tiisin mo muna ang chaka mong kasama sa bahay, baka sakali bumait din iyon hahaha" natatawang sabi ni flora. Kitang-kita ko kung paano pilit na nagtitimpi si Madam. Belat sayo hahaha.
"Naku! Wala na yata iyong pag-asa" dagdag ko pa. Asar pa more, lalo naman natawa ang tatlo.
"Grabe ka naman magsalita sa kasama mo sa bahay, baka naman ikaw ang problema kaya ganun" sabat naman ni Madam 
" Naku Madam, SADYA PONG MASAMA TALAGA UGALI NOON KASING SAMA NG ITSURA NIYA." Sagot ko naman na lalong ikinagalit niya. 
"GRABE KA MAKAPANLAIT AH AKALA MO NAMAN KAGANDA MO!!!" galit na sabi ni Madam. 
" Pareho natin alam Madam na maganda talaga ako" pang-aasar ko pa sa kanya. " oh Madam parang masyado naman po kayong affected sa kwento ko, bakit po? Relate kayo?" Pang-aasar na tanong ko sa kanya. Ano ka nga ngayon 
"Oo nga bakla bakit gigil na gigil ka diyan? Affected much?" Pagtatanong din ni Macy 
"Bakit naman ako magiging affected doon, aber? Una sa lahat hindi ako Chaka" sagot naman niya.
"Talaga ba" bulong ko naman. 
"Oh yun naman pala ah! Bakit gigil na gigil ka diyan?" Pagtatanong ulit ni flora sa kanya
"Wala naman, naiisip ko lang iyong mga TAONG WALANG UTANG NA LOOB MATAPOS MONG TULUNGAN IKAW PA ANG MASAMA AT NAKUHA KA PANG SIRAAN" pagpaparinig niya. 
"Ay bad yun!!!, sino ba iyong walang utang na loob na iyon?" tanong pa ni Lucy. Iniinis niya talaga ako.
"Baka naman po hindi paninira yun, baka nagsasabi lang ng totoo" sabat ko
"Eh hindi!! Wala talaga siyang utang na loob" sabi pa naman niya.
"Kapal ng mukha mo ah" inis na sabi ko
"Mas makapal ang mukha mo" sabi din niya
"Hep!hep!hep!" Pigil ng tatlo sa amin.
"Matanong ko lang, kayo bang dalawa.." 
"Hindi ah!! Never!!" Sabay naming sagot.
"Ay ang galing! Sabay talaga?" May pagpalakpak pa na sabi ni Flora. "Pwede ba patapusin niyo muna ako, napaghahalata eh" sabi pa niya.
"Eh di go, anong tanong mo?" Pagtatanong ni Madam
"Iyon nga, gusto Kong itanong kung kayo bang dalawa ay magkasama sa bahay, mukha kasing nagpaparinig lang kayo sa isa't-isa eh" dugtong na tanong niya
"HINDI" Pagsisinungaling na sabi namin.
"Hindi kung hindi, relax para hindi halata" natatawang sabi ni Lucy
"Hay naku, tama na iyan! Tara na mga beks MUKHANG MAY KAILANGAN PA YATA SILANG AYUSIN, NAKAKAABALA PA TAYO" sabi naman ni macy. Pero pakiramdam ko nagpaparinig lang sila.
"Oo nga tara na, istorbo na tayo, sige una na kami sa inyong dalawa,bye!!" Pagsang-ayon naman ni flora at lumabas na sila. Kami na lang dalawa ang natira. 
"Hoy,kapal ng mukha mong sabihan ako ng Chaka at masamang ugali! Baka nakakalimutan mo, ako parin ang Boss mo. At sa bahay ko ikaw nakatira." Agad na bulyaw niya sa akin.
"Hoy karin, hindi ko po nakakalimutan!! Pero hindi ko naman po palalampasin mga pantitrip niyo sa akin. Sinabihan niyo pa ako ng walang utang na loob at Ito pa malala, inakit kita!!! Yuck!!!!" Galit na sabi ko naman sa kanya. Bahala na pagkatapos nito. 
"Ay hindi nga sila magkasama sa bahay, d ba mga beks?" Rinig naming sabi ni macy. Akala ko ba nakaalis na sila.
"Ano ginagawa niyo dito akala ko ba nakaalis na kayo" agad na tanong ni Madam
"Hehehe,yun naman talaga balak naming. Pero naiwan ko bag ko, kukunin ko lang" sagot naman ni flora.
"Sige una na kami, bye ate girl! Bye beks! Balitaan mo kami kapag nagbinata kana!!" Sabi ni Lucy sabay takbo nilang tatlo.

-
Hope u like it guys😘
Thank u

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon