CHAPTER 57

194 14 0
                                    

BAKLA P.O.V
Hanggang ngayon buwesit na buwesit parin ako. Kung di ko lang talaga siya kapatid pinatapon ko na siya. Kaasar eh!!! Agad akong tumayo at kumuha ng papel at pen, 
"BAWAL ANG DAOT DITO!!"iyan ang sinulat ko, tapos ikinapit ko sa labas ng pinto ng kwarto ko. Alam kong maya-maya ay pupunta si Gigi dito. 
Nakahiga lang ako ng may narinig akong kumakatok.. Speaking of the daot!!!
"Kuya!!"tawag niya pa habang patuloy na kumakatok.
"Bahala ka diyan!!"sigaw ko.
"Kuya, buksan mo ang pinto!"utos niya
"Ayaw ko nga!! Hindi ka ba marunong bumasa? Bawal ka dito!!"sigaw ko ulit sa kanya
"Kuya naman eh!! Hindi ko naman alam na magtatapat ka pala! Kaya sorry na"paliwanag pa niya.
"Ewan ko sayo!! Basta bawal ka dito!! Daot ka!!"sabi ko pa 
"Please Kuya!! Promise tutulungan kita!"sabi pa niya, napabangon naman ako
"Anong sinasabi mo diyan? Anong tutulungan?"tanong ko
"Hina mo naman! Tutulungan kita sa pag-amin mo sa kanya!kaya pwede ba buksan mo na ang pinto. Hindi ko masasabi sayo ang Plano ko, dahil maririnig ni Sam"dagdag pa niya. 
"Eh di pumasok ka!"sagot ko
"Ha? Paano ako makakapasok? Ay hindi mo naman binubuksan ang pinto"reklamo pa niya 'bobo din niya eh ano?'
"Bakit di ka na ba marunong magbukas ng pinto?"tanong ko naman sa kanya.
"Marunong" sagot niya
"Yun naman pala eh! Hindi naman nakalock yan! Katok ka ng katok diyan" sabi ko pa 'hahaha '
"Ano!!!"sigaw niya sabay bukas ng pinto " Halos manakit ang kamay ko kakakatok, tapos hindi naman pala nakalock ang pinto" reklamo pa niya
"Kasalanan ko pa ngayon kung bobo ka? Malay ko ba kung trip mong kumatok ng kumatok"pamimiloso ko pa, inis na in is naman siya 'bawi'
"Hoy! Di ako bobo! Siraulo ka lang talaga!"sigaw niya
"Ako siraulo? Gusto mo palabasin kita?"ganting sigaw ko din sa kanya.
"Oh sige palabasin mo ako, eh di hindi kita tutulungan Kay Sam"pananakot niya pa, natahimik naman ako
"Oh! Natahimik ka diyan? Kuya kailangan mo ako" natatawang sabi pa niya
"Pasalamat ka,kailangan ko tulong mo"pagsuko
Umupo naman siya sa tabi ko.
"Kuya happy ako sayo! Lalaki ka na!"tuwang-tuwang sabi niya.
"Lalaki naman talaga ako ah! Na bakla nga lang"natatawang sagot ko sa kanya.
"Pero nagiging lalaki na ulit"dugtong pa niya
"Posible pala yun no'?"biglang nasabi ko, tumingin naman siya
"Ang alin kuya?"tanong niya pa
"Na kahit pala siguradong-sigurado ka na bakla ka, posible palang magbago. Na dati ang hanap ko ay lalaki, pero ang natagpuan ko ay isang babae. Iyong babaeng baliw, iyong lagi akong sinusungitan, sinasagot-sagot kahit ako ang boss niya, hindi siya natatakot. Iyong babae na akala ko hindi kami magkakasundo, na mas madalas pang magreklamo kaysa sumunod sa akin. Siya yung babae na kaya akong mapangiti dahil sa mga kabaliwan niya, kaya akong baliwin kapag nag-aalala sa kanya, yung kaya akong paiyakan kapag nakikita ko siyang may kasamang iba. Iyong babaeng kayang kumumpleto ng araw ko kapag nakikita ko siya"pagkukwento ko pa,hindi ko mapigilan hindi mapangiti.
"Naks! Kuya in love ka na nga!"nakangiting sabi ni Gigi
"Kaso, ang hirap palang umamin no? Kung sa mga boys ang daling magpacute, sa kanya hindi, nawawala lahat ng tapang ko."pag-amin ko pa. Natawa naman siya.
"Kaya nga andito ako, tutulungan kita"sabi pa niya.
"Pero paano? Ano ba ang dapat kong gawin?"pagtatanong ko pa.
"Ewan ko"sagot niya
"Siraulo ka pala eh! Ang lakas ng loob mong sabihin na tutulungan mo ako,tapos hindi mo rin pala alam ang gagawin!"natawa naman siya.
"Joke lang! Pero seriously kuya, hindi mo naman kailangan magpa-impress sa kanya, kailangan mo lang ay magpakatotoo sa kanya."sabi naman niya.
"Ang hirap nga kasi!! Kung hindi ka lang sana dumating kanina, sana nasabi ko na"paninisi ko pa sa kanya.
"Sorry na nga di ba! Atsaka ano ka ba naman kuya! Hindi mo man lang pinaghandaan ang pag-amin sa kanya. Ganun na lang yun" reklamo naman niya.
"Ha?"nagtatakang tanong ko sa kanya
"Kuya dapat pag-umamin ka, dapat special, sweet and romantic"dagdag pa niya.
Napaisip naman ako.
"Kailangan pa ba yun?"tanong ko
"Aba'y malamang, para nakakakilig!"sagot niya. 
"Tama ka naman diyan! Kaso wala pa ako maisip eh, kapag nakikita ko na siya nabablanko ang utak ko " hirit ko pa
"Inang! Kuya ang corny mo!"sabi naman niya hampas sa akin.
"What if kaya kuya, ayain mo siya magdate!?"suggestion naman niya
"At saan naman kami, pupunta?"tanong ko naman
"Kahit saan, basta gawin mong memorable para sa inyong dalawa"dagdag pa niya
"Maganda iyang ideya mo"pagsang-ayon ko " ang kaso paano ko naman siya yayayain?"problemadong sabi ko pa
"Aba'y ikaw na ang bahala dun kuya! Alangan naman ako ang magsabi sa kanya! Kaloka ka!"biglang sabi naman niya
"Sabi ko nga ako ang magsasabi"sabi ko habang nag-iisip kong paano ko siya yayayain.
"Kainis naman oh!! Ang hirap mag-isip!!"reklamo ko pa, rinig ko naman na tumawa lang si Gigi.
"Sadya kuya! Mahirap mag-isip lalo na kung wala ka naman nun'"pang-aasar pa niya, sinmaan ko naman siya ng tingin sabay bato ko sa kanya
"Buwesit ka!!! Lumabas ka na nga!!"sigaw ko pa, tawa lang naman siya ng tawa
"Bye kuya, bye LOVERBOY este LOVERGAY pala hahaha" pahabol pa niya bago lumabas.
"Siraulo!!!"sigaw ko sa kanya....
Hay! Paano ba ito?...

Done na ang 57 yehey!!!!

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon