CHAPTER 49

236 15 0
                                    

CHAPTER 49
SAM'S P.O.V
Maaga pa lang gising na ako, pero ang tanong nakatulog ba ako?. Until now hindi parin ako makamove-on sa nangyari kagabi, hindi kasali yung part ng sinukahan ako. Kainis yun grabe!!! Sobrang epic...balik tayo...
"Totoo ba talaga iyon? Kiniss niya ako? At sinabihan ng mahal niya ako!!!!"kinikilig na sabi ko, habang pagulong-gulong sa Kama ko.
"Waahh kinikilig ako!!! Mahal niya rin ako!!!!" parang Ewan na sabi ko pa. 
"Gising na kaya siya?"sabay tayo to check him, pero still tulog pa siya...
"Pero wait!"biglang naalala ko yung gift niya dapat sa akin. Dali-dali akong bumaba para kunin yun, 
"Wow!! Ang cute!!"tuwang-tuwa Kong sabi habang yakap-yakap yung piggy stuff toy na binili niya for me.
Dahil tulog pa naman siya, magluluto na lang ako. Pero paano ko ba siya haharapin pamaya? Magkukunwari ba akong wala lang? Parang normal lang? Pero mahirap yun eh!!!
"Paano ba ito?"nalolokang sabi ko "Hindi Sam dapat relax ka lang!! Yun relax ka lang!!"pangungumbinsi ko pa sa sarili ko.
"Para kang sira diyan!!!"biglang may nagsalita kaya agad akong napatingin.
"Kanina ka pa ba diyan?"gulat na tanong ko.
"Hindi naman"sagot niya sabay lapit, ako naman ay napaiwas ng tingin ' paano ba ito? Naaalala kaya niya?'
"Hoy! Tulala ka diyan!"panggugulat pa niya, napatingin naman siya sa piggy stuff toy..kaagad ko yung kinuha..
"Akin na ito! Sabi mo kagabi! Wala ng bawian"sabi ko, ngumiti naman siya.
"Bakit sinabi ko bang babawiin ko?"tanong pa niya.
"Hindi! Pero maganda ng sigurado! Mahilig ka kasing mambawi"mahinang sabi ko.
"Ano bang binigay ko na binawi ko?"tanong niya ulit.
"Wala, pero salita marami..."mahinang sagot ko. Tumingin naman siya sa akin..
"At ano naman yung salitang iyon?"pagtatanong niya ulit. 'Wala ba siyang maalala sa nangyari kagabi?'
"So, hindi ka lang pala mambabawi, makakalimutin ka pa!"sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya..
"Anong ibig mong sabihin? Ano yung binawi ko na nakalimutan ko?"tanong niya ulit.'so ganun na lang yun?'
"Siraulo ka pala eh"sigaw ko sa kanya.
"Ha?"takang tanong niya
"Sabi ko siraulo ka!! So ganun na lang yun!! Matapos ang nangyari kagabi! Matapos ang ginawa at sinabi mo kagabi tapos ganyan! Wala kang maalala gusto mo sapakin kita?"galit na sabi ko pa sa kanya.' Ano yun paasa ulit siya?'
"Ano bang pinagsasabi mo?"tanong ulit niya 'ah ganun'
"Sige! Magtanong ka pa! Siguradong sapak na ang isasagot ko sayo! Buwesit ka!!" Inis na inis na sabi ko, pero siya natatawa lang. 'Niloloko ba ako nito?'
"Anong tinatawa mo diyan?"galit paring sabi ko
"Kahit kailan talaga pikon ka!!"natatawang sabi niya.
"Ewan ko sayo! Diyan ka na nga!!"sabi ko sabay alis..
"Teka! Sandali lang! Ito naman! Di na mabiro" pigil niya sa akin.
"Yan ang mahirap sayo, puro ka biro! Akala mo ba nakakatuwa ka?"inis na tanong ko sa kanya.
"Ano ka ba! Seryoso nito! Joke nga lang eh" sabi pa niya na lalo kong ikinainis
"Joke, tingin mo natatawa ako? Kung katatawanan lang ang lahat sayo, pwes sa akin hindi! Hindi ka na nkakatuwa! Dahil kung lahat joke sayo, sa akin hindi!"sabay punas sa luha ko.
"Sam"sambit niya
"Ang problema sayo, dinadaan mo ang lahat sa joke! Tapos heto naman ako asang-asa. Yung tipong paniwalang-paniwala joke lang pala" patuloy na sabi ko pa
"Sam sorry hin-"
"Sorry? Para saan? Sorry dahil umasa ako sa mga sweet gestures mo, sorry dahil naniwala ako sa mga sinasabi mo? Ganun ba yun?" Umiling naman siya.
"Hindi yun-"
" eh ano? Dahil trip mo lang na pagtripan ako? Yun ba yun? Pwede ba kahit minsan lang magseryoso ka naman"naluluhang sabi ko pa.
"Dahil kung masakit para sayo na may kasama akong iba, pwes! Masakit para sa akin na hindi mo ako kayang seryosohin!!"sabi ko sabay alis....
"Sam!!!" Tawag pa niya pero lalo ko lang binilisan ang lakad ko.
"Ano ba ito? Akala ko may happy ending na kami, joke lang pala"naiiyak na sabi ko...
Ang sakit-sakit umasa.....sa isang pantasya..

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon