CHAPTER 41

240 16 0
                                    

CHAPTER 41
SAM'S P.O.V
Pagkarating naman sa bahay, agad ko siyang hinatid sa kwarto niya. Kumuha ako ng pamunas para punasan siya.
"Ako na kaya ko naman eh"pigil sa akin ni bakla.
"Okay! After niyan, magpalit ka na rin" utos ko pa sa kanya.
"Ay! Parang nanghina ako, kaw na lang magpunas sa akin at magpalit"sabi niya sabay ngiti ng nakakaloko.
"Tumigil ka diyan! Gusto mo sapak?"hamon ko sa kanya.
"Grabe ka na man! May sakit na ang tao, sasapakin mo pa" nakangusong sabi naman niya. Piningot ko naman ang ilong niya.
"Aray! Naman!"daing niya
"Huwag ka kasing pilyo diyan! Sige maiwan muna kita magpiprepare lang ako ng pagkain mo, para makainom ka ng gamot" paalam ko sa kanya.
"Ayaw kong kumain,wala akong panlasa. Baka isuka ko lang"reklamo niya.
"Hindi pwede yun! Kailangan mong kumain ng makainom ka ng gamot"sabi ko naman sa kanya.
"Eh! Wala nga akong gana kumain!"parang batang sabi niya. Hay! Naku! Daig ko pang nag-aalaga ng bata dito ah!
"Basta! Pilitin mong kumain! Kahit lugaw lang" pamimilit ko pa sa kanya.
"Ayaw!" Sabay iling niya.
"Huwag ng matigas ang ulo! Para kang bata diyan! Umayos ka!"saway ko naman sa kanya.
"Ayaw ko nga kasing kumain eh! Kaw naman kasi ang makulit diyan!"pangangatwiran naman niya. Napasapo naman ako sa ulo ko.
"Hay! Ang kulit mo talaga kahit kailan!, ako ang masusunod ngayon. Kaya magpunas ka na diyan at magpalit, ako naman ay magluluto lang" taas kilay na sabi ko, ngumuso naman siya na animo'y bata. Tapos humiga siya at nagtalukbong. Ang kulit talaga!!
"Bumangon ka diyan!"utos ko sa kanya. Sabay hila sa nakatalukbong sa kanya.
"Huwag na kasing makulit! Dali na kasi!"sabi ko pero hindi parin siya bumabangon. 'Bakit ba ang kulit ng lahi nito?' 
"Bangon ka na diyan, bekibhabe ko! Please!!"paglalambing ko pa sa kanya. Kita ko naman na nakangiti siya. 'Asus lambing lang pala gusto nito eh' 
"Bekibhabe ko, bangon na diyan!"sabi ko pa, 
"Heto na po!, babangon na!"kunwaring napipilitang sabi niya. Napangiti naman ako.
"Hay! Salamat!.. Siya sige na! Bababa na muna ako at ng makapagluto na ako"paalam ko pa sa kanya. Aalis na sana ako ng hilahin niya ang kamay ko.
"Dito ka na lang! Huwag mo ako iwan" pakiusap niya.
"Bababa lang ako oh! Magluluto lang ako tapos babalik din"paliwanag ko sa kanya. Umiling-iling naman siya
"No! Dito ka na lang, huwag ka ng umalis" parang batang sabi niya pa. 
"Paano ako makakapagluto niyan?, kung ayaw mo akong payagan umalis"tanong ko sa kanya.
"Huwag ka ng magluto! Basta dito ka lang!"sabi naman niya.
"Hindi pwede yun! Paano ka makakainom ng gamot? Kung hindi kakain, paano ka gagaling?"dagdag na tanong ko pa sa kanya. Pero lalo niya akong hinigit papunta sa kanya at yumakap sa baywang ko.' Anyayare ba dito?'
"Okay na ako. Basta nandito ka" sagot niya habang nakayakap sa akin. 'Bakit ba ganito ito? May sakit na nga, lakas paring magpakilig'
"Pero kailangan mong kumain at uminom ng gamot. Promise! Babalik ako kaagad"sabi ko sabay hawak sa pisnge niya.
"Promise! Babalik ka? Hindi mo ako iiwan?"paninigurado pa niya. Ngumiti naman ako sa kanya.
"Promise!" Sabay taas ng kanang kamay ko "hindi kita iiwan" nakangiting sabi ko. Ngumiti naman siya.
"Promise mo iyan ha! Wala ng bawian" sabi niya sabay yakap ulit. 'Kaloka siya magkasakit ha'
"Oo nga po, kaya bitawan mo na ako diyan, para makababa na ako at makapagluto" sabi ko pa sa kanya, bumitaw na naman siya. Kaya lumabas na ako kaagad ng kwarto niya.
"Grabe!" Sabi ko sabay hawak sa dibdib ko. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko.. Konting-konti na lang talaga hindi na ako makakaahon nito ....

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon