CHAPTER 80

159 10 0
                                    

BAKLA P.O.V
Pagkarating ko sa airport, dali-dali akong nagtatakbo papasok.
"Teka lang po Sir!"pigil sa akin ng guard
"Kuya please, parang-awa niyo na. May kailangan lang po akong pigilan"pakiusap ko sa kanya.
"Pero sir, hindi po-"
"Kuya, please po! Alam ko pong may trabaho kayong kailangan gawin. Naiintindihan ko po iyon, pero kuya. Kaligayahan ko po ang nakasalalay dito. Ngayon po ang alis ng babaeng mahal ko. Kaya kuya kapag hindi niyo po ako pinayagan, baka ito na po ang last chance ko para makausap siya. Kaya please kuya, nakikiusap ako sayo. Hayaan mo akong habulin ang babaeng tinitibok ng puso ko. Hayaan mo akong sabihin sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Parang-awa mo na"pagmamakaawa ko pa sa kanya, hindi ko na napigilan pumatak mga luha ko. Nakita ko naman na parang ngumiti siya
"Pag-ibig nga naman!"pailing-iling na sabi niya pa.
"Okay, sige na! Pigilan mo na siya. Sana maabutan mo siya"nakangiti paring sabi niya, napayakap naman ako Kay kuya
"Maraming salamat po kuya. Thank u, thank u talaga"pasasalamat ko sa kanya. Tinapik naman niya ang balikat ko
"Sige na! Baka makaalis pa siya"pagtataboy niya pa. Ngumiti naman ako sa kanya at nagtatakbo na papasok..
Nilibot ko ang Mata ko nagbabakasakaling makita ko siya.
"Sam"pagtawag ko,sabay hawak sa balikat ng babaeng inaakala kong si Sam.
"Excuse me?"sabi niya,
"Sorry po"hinging paumanhin ko "akala ko po kasi, kayo po yung hinahanap ko"dagdag ko pa
"It's okay, sana makita mo na siya"nakangiting sabi niya, ngumiti naman ako
"Sana nga po"sabi ko pa.
"Makikita mo din siya tiwala lang"sabi pa ulit ng babae. Lumakas naman lalo ang loob ko
"Salamat po at pasensiya na po ulit"sabi ko at nagtatakbo na ulit. 
"Nasaan ka na ba Sam?"bulong ko pa. Sinubukan kong tawagan ang cp niya, nagriring siya pero hindi niya sinasagot.
"Please naman Sam! Please sagutin mo"pakiusap ko, pero pinatay niya.
Sinubukan ko ulit tawagan kaso pinatay niya cp niya. Naiinis akong ibinalik ang cp ko sa bulsa ko.
"Miss, pwedeng magtanong? Anong oras ng flight papuntang Singapore?"pagtatanong ko.
"Naku po Sir! Kakaalis lang po"magalang na sagot naman niya. 'Ano raw? Teka! Mali lang ang dinig ko. Mali lang!'
"Anong sabi mo miss?"pagtatanong ko
"Pasensiya na po Sir, pero nakaalis na po ang flight papuntang Singapore"magalang na sabi niya ulit. Para naman akong nabingi sa narinig ko.
"Nagbibiro ka lang miss di ba? Baka naman nagkakamali ka lang, check mo ulit. Baka hindi pa sila nakakaalis. Please parang awa mo na"pakikiusap ko pa sa kanya.
"Sorry po talaga Sir, nakaalis na po sila."mahinahong sagot niya,
"No! Hindi pwede yun miss"naiiyak na sabi ko 
"Sir pasensiya na po"may halong awa na sabi niya. Halos nanghina naman ang buong katawan ko.
"Miss, hindi sila pwedeng makaalis"naiiyak na sabi ko " Nandoon sa flight na yun ang babaeng mahal ko."iyak lang ako ng iyak. Nakatingin naman silang lahat sa akin. Pero wala akong pakialam
"Sir, pasensiya na po talaga. Pero wala na po tayong magagawa"magalang na sabi pa niya. Lalo naman akong napaiyak
"Hindi pwede yun! Hindi niya ako pwedeng iwan. Hindi ko pa nasasabi sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Hindi pa kami nagkakaayos"naluluhang sabi ko pa. 
"Bakit ganun? Bakit hindi niya ako hinintay? Bakit siya umalis? Sabi niya hindi niya ako iiwan. Pero bakit siya umalis? Akala ko ba mahal niya ako? Pero bakit ganun?"sabi ko pa habang pinupunasan ang mga luha ko
"Hindi niya man lang ako hinayaan makapagpaliwanag sa kanya. Ang daya niya!"padabog na sabi ko pa 
"Sam!!!! Bakit mo ako iniwan?"sigaw ko pa. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan na ako ng mga tao.
"Sam!!!"naiiyak na tawag ko pa
"Sam naman eh! Sorry na. Please bumalik ka na!"patuloy lang ako sa pagsigaw, kahit alam kong hindi na naman niya ako naririnig.
"Sam, mahal na mahal kita!!"sabi ko pa... 
Ang sakit-sakit, hindi ko kaya Sam....
Hindi ko kaya ng wala ka......

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon