CHAPTER 29

259 16 0
                                    

CHAPTER 29
BAKLA P.O.V
Hi everyone!! Finally!! Sa tagal ng kwentong ito, now lang ako nagka-pov,palagi na lang si Sam. Kaya it's time para makapagpakilala ako. I know kilala niyo na ako bilang si Madam G at bakla pero ni minsan hindi nabanggit ang tunay Kong pangalan,d ba? Napansin niyo ba yun?, parang hindi. Ehem! Ehem! Ako nga pala si Steven John Dela Merced. D ba ang lakas ng datingan, astig lang, lalaking-laki hahaha. Hindi siguro nahulaan nina mom and dad na magiging bakla ako hahaha, charot lang.
Patuloy tayo sa kwento, nandito ako sa office ko, nakaupo lang habang pinagmamasdan ang mga pictures namin ni Sam. Hindi ko maiwasang mapangiti pagmaaalala ko siya. Simula pa lang naman nagagandahan na ako sa kanya, Noong una ko pa lang siya nakita, kaso nga dahil bakla ako, hayun!! Nainis ako sa kanya. Kaya naman ginusto ko pahirapan siya, alilain siya, ang cute niya kasi kapag nagagalit. Gusto ko lang naman siya pagtripan noon eh, hindi ko naman inakala na magiging close kami. Nagsimula iyon ng pinatira ko siya sa bahay. Hindi ko ugali na magpatuloy ng iba sa bahay ko, pero nung nakita ko siyang umiiyak hindi ko siya natiis,ewan ko ba! Parang ayaw Kong makita siyang umiiyak. Siya lang iyong tao na hinayaan Kong asarin ako, sagut-sagutin ako, lait-laitin ako. Ewan ko ba kaysa magalit ako sa kanya,natutuwa pa ako. Simula ng nakilala ko siya, hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Minsan nga naguguluhan na ako, hay naku!!! Sam ano ginawa mo sa akin? Kaloka kang babae ka!!! Hindi pwede bakla ako bakla ako!!! 
"Boom!!!" 
"Ay kabayo ako!!!" Gulat na sabi ko
"Hahahaha" rinig kong tawanan naman nila. Buwesit na mga bakla ito
"Hahaha, kabayo daw siya!!!!hahahaha" tawang-tawa na sabi ni Macy. 
"Buti alam mo bakla,hahahaha" dagdag pa ni flora. Si Lucy naman tawa lang ng tawa.
"Tawa pa, masaya na kayo diyan!!, mga buwesit na ito!, ano naman ang ginagawa niyo dito?" Pagtatanong ko pasalamat talaga sila kaibigan ko sila kung hindi ihahagis ko sila palabas.
"Nandito kami para dalawin ka hahaha" natatawa paring sabi ni Lucy. 
"Eh bakit kayo nanggugulat? Aber?" Tanong ko ulit, "pwede namang bumati ng maayos eh" dagdag ko pa.
"Kasi bakla, kanina pa kami dito, d mo naman kami pinapansin o should we say napapansin. Kanina ka pang tulaley diyan, matanong ko lang, tulaley day ba ngayon" paliwanag naman ni Macy. Tulala ba ako kanina?
"Ha?"naguguluhang tanong ko.
"See, lutang ka din hahaha, pareho kayo ni ate girl! Hahaha" natatawang sabi niya pa.
"Ano? Bakit nadamay si Sam?" Takang tanong ko pa.
"Eh kasi bakla, kanina ng nilapitan namin siya, para itanong kung nandito ka, ganyan din siya, tulala din" sagot naman ni flora. Ako din kaya iniisip niya? Napangiti naman ako,
"Oh anong ngini-ngiti mo diyan?, hala! Malala ka na bakla" eksaheradang sabi naman ni Lucy.
"Wala! Tumigil nga kayo diyan! Kayo ang malala na, kung ano-ano ang napapansin niyo" saway ko sa kanila.
"Hahaha deny pa more bakla" natatawang asar sa akin ni Macy.
"Mga baliw kayo!! Lumayas na nga lang kayo dito! Panggulo lang kayo dito!kaya sige na layas!!!!,"sigaw ko naman.
"Aray naman" umaarteng nasasaktan na sabi ni flora. "Panggulo talaga? Grabe siya! Porket in love siya eh" dagdag pa niya,binato ko naman sila, 
"Mga buwesit kayo!! Umalis na nga kayo dito!! Atsaka hindi ako in love Kay Sam ano!" Sabi ko pa,habang pinagbabato sila, ilag naman sila ng ilag habang tumatawa
"Hahaha mga beks sinabi ba natin na Kay Sam siya in love?" Natatawang tanong ni Lucy sa dalawa. Natigilan naman ako, oo nga no?
"Oo nga, wala naman tayong sinabing pangalan eh hahahah" natatawang sabi pa ni flora.
"Napaghahalataan na hahahaha" dagdag pa ni Macy.
"Magsitigil nga kayo!!! Lumayas nga kayo sa harapan ko." Sigaw ko sa kanila, sabay kuha ko sa base na malapit sa akin. 
"Hep!hep!hep! Oo na sige lalayas na kami!,pero huwag kang mag-alala support ka namin hahaha" natatawang sabi ni Macy. "Change is coming!!!"sigaw pa nila. Buwesit!!!

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon