CHAPTER 38

223 15 0
                                    

CHAPTER 38
SAM'S P.O.V
Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa kwarto ko, dahil after umalis ni bakla, wala na akong ginawa kung hindi ang umiyak na lamang. Nakatulugan ko na nga yata ang pag-iyak. Kagabi gusto ko siya puntahan, kaso alam ko na hindi niya ako kakausapin. Gusto ko magpaliwanag sa kanya, kaso alam ko na hindi niya ako papakinggan. Kaya nga maaga ako gumising, para ipaghanda siya ng almusal. Ayaw ko na ganito kami, ayaw kong galit siya sa akin. Kung kailangan ko siyang suyuin gagawin ko, magkaayos lang kami. Agad akong nag-ayos ng sarili ko at pumunta sa kitchen.
Kakatapos ko lang ihanda ang pagkain ng nakita ko siyang pababa ng hagdan. 
"Good morning, tamang-tama, kakatapos ko lang maghanda ng pagkain, halika kana!"sabi ko pero sandali lang siyang tumingin sa akin. Napansin ko din na nakabihis na siya nang pang-opisina niya. Ang aga pa ah?
"Kumain ka muna, maaga pa naman, look oh! Nagprepare ako ng breakfast for u. Balak ko pa nga sana, dalhin ito sa kwarto mo" nakangiting sabi ko sa kanya. Pero siya blanko lang.
"Wala akong ganang kumain, kung gusto mo ikaw na lang kumain niyan para hindi masayang" walang emosyon na sabi niya at naglakad na siya palabas. Sinundan ko na lang siya ng tingin.
"Galit talaga siya"malungkot na sabi ko "sayang naman ito, d man lang niya tiningnan". Niligpit ko na lang ang mga pagkain. Nawalan narin ako ng gana....

BAKLA P.O.V
Nakatulala lang ako sa sasakyan ko, kanina pa ako dito sa labas ng subdivision, pero hindi parin ako umaalis. Malayo ang sakayan dito, kaya kahit nagtatampo ako kay Sam, hindi ko parin naman siya magawang iwan. Magkukunwari na lang ako pamaya na may nakalimutan, para hindi halata. Maya-maya pa ay nakita ko na siyang naglalakad palabas ng subdivision. Papaandarin ko na Sana ang sasakyan ko palapit sa kanya ng biglang may humintong sasakyan sa kanya. Lumabas dun si Jeric at pinasakay siya.
"Kaasar!! Kahit kailan talaga epal siya!!!" Inis na sabi ko.
Asar na asar akong pinatakbo ang sasakyan ko.
"Eh d kayo na!!! Magsama kayong dalawa!!!" Inis na inis na sabi ko.
"Nag-effort pa akong hintayin siya...tapos.... Hay!!! BUWESIT!!!"gigil na gigil Kong sabi sabay palo ko sa manubela.
At parang talaga namang nananadya dahil halos sabay pa kaming dumating. Agad akong bumaba ng sasakyan ko. Kita kong nagulat pa si Sam, malamang akala niya siguro kanina pa ako dito, dahil kanina pa ako umalis ng bahay.
"Oh brad! Ikaw pala iyan! Good morning" nakangiting sabi ni Jeric 'good morning ng mukha mo' hindi ko sila pinansin at nagdire-diretso na ako.....

SAM'S P.O.V
Gulat parin ako hanggang ngayon, akala ko kasi kanina pa siya dito, dahil kanina pa naman siya umalis sa bahay eh. Pero baka naman may dinaanan pa siya,baka nga! 
"Anong problema nun'? Hindi man lang namansin eh" nagtatakang sabi naman ni Jeric.
"Baka masama lang ang gising" sabi ko na lang habang nakatingin Kay bakla na naglalakad palayo sa amin..
"Baka nga"kibit-balikat na sabi ni Jeric "Pero kanina, nakita ko ang sasakyan niya sa labas ng subdivision niyo"dagdag pa niya. Naikinagulat ko naman, posible kayang hinhintay niya ako? Pero di ba galit siya?
"Sigurado ka? Baka iba naman ang nakita mo" paninigurado ko pa.
"Oo sigurado ako, oh bakit parang nagulat ka diyan?"nagtatakang tanong niya. So posibleng hinhintay niya nga ako, kaya ngangayon lang siya? 
"Ha? Wala! Sige Jeric ha! Una na ako, salamat ulit sa paghahatid mo sa akin" sabi ko sa kanya, hindi ko na narinig ang sinabi niya pa, dahil dali-dali na akong tumakbo para habulin so bakla. Hindi naman sa nag-aassume ako pero posible naman talaga di ba?
"Bakla sandali!!"tawag ko sa kanya, kita ko naman nagtinginan ang mga tao sa amin.hehehe nasa opisina nga pala kami.
"Pasensiya na" hinging paumanhin ko, ang sama naman ng tingin niya sa akin.
"Sorry talaga!!!"hinging paumanhin ko ulit.
"Ano na naman kailangan mo?"mataray na tanong niya sa akin.
"Ah..eh.. Kasi sabi ni Jeric nakita daw niya sa labas ng subdivision ang sasakyan mo"hinihingal na sabi ko
"Oh tapos? Gusto mo bang itanong kung hinihintay kita?"mataray paring sabi niya. Tumango lang naman ako.
"Eh ano naman sayo di ba?"sabi pa niya, tumingin naman ako sa kanya.
"So ibig sabihin hinihintay mo nga ako?"paniniguradong tanong ko sa kanya.
"Oo" balewalang sagot niya sabay alis. Ako naman naiwang nakatunganga. Hinintay niya talaga ako!!! Gusto kong kiligin kaso galit parin siya sa akin!!! Lalo pa siyang nagalit!!!
"Pambihira naman oh!!!"maktol ko pa, "Sana pala hindi na lang ako sumabay Kay Jeric,baka siguro ayos na kami" may panghihinayang na sabi ko pa.....
'Anong gagawin ko para magkaayos kami ng bekibhabe ko?'

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon