CHAPTER 52

192 13 0
                                    

SAM'S P.O.V
Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa, mukhang ang saya-saya nila ah. Hindi ko maiwasang mag-isip sino kaya itong babaeng ito. Halatang close sila ni bakla, hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot at selos...
"Sam okay ka lang? Bakit natigilan ka diyan?"tanong ni Jeric, tumingin naman ako sa kanya 
"Ha? Okay lang ako"sagot ko sabay tingin ulit kina bakla, tumingin din naman dun si Jeric.
"Sigurado ka okay ka lang talaga?"paninigurado niya pa, tumango lang naman ako.
"Sam!!!"rinig kong tawag sa pangalan ko, tumingin naman agad ako at nakita Kong ang tumatawag sa akin at iyong babaeng kasama ni bakla. 
"Ako?"turo ko sa sarili ko, tumango lang naman siya. Lumapit naman kaming dalawa ni Jeric.
"Uy brad! Kamusta?"bati ni Jeric kay bakla.
"Kanina okay ngayon parang hindi"mahinang sagot niya. Napatingin naman ako sa kanya
"Bakit mo nga pala ako tinatawag?"magalang na tanong ko dun sa kasama niya.
"Wala lang! Gusto niyo dito na lang kayo kasama namin tutal magkakakilala naman kayo di ba?"nakangiting sabi niya
"Great idea!"nakangiti rin na sang-ayon ni Jeric. Pinanlakihan ko naman siya ng Mata
"Sira ka ba? Bakit ka pumayag?"bulong ko sa kanya.
"Basta just go with the flow"bulong niya din.
"Sweet niyo naman!, mahiya nga kayo! Daming tao oh!"biglang sabi ni bakla. Napalayo naman ako kay Jeric
"Pagpasensiyahan niyo na ito! Hindi lang nakainom ng gamot"natatawang sabi naman ng babaeng kasama niya. Sinamaan naman siya ng tingin ni bakla.
"Joke lang!"nakangiting sabi niya Kay bakla, tapos bumaling naman siya amin "ako nga pala si Angel, Bebegirl nito" sabi niya sabay turo Kay bakla. Nagulat naman ako 'ano raw bebegirl?'
"Ah! Nice to meet u Angel"pilit na ngiting sabi ko "ako nga pala si Sam at Ito naman si jeric" pagpapakilala ko.
"Hi Sam, hi Jeric, tara join na lang kayo sa amin" yaya pa niya, napatingin naman kami kay bakla
"Ok lang naman yun di ba bebeboy?"pasweet na tanong niya Kay bakla. 'Ouch, parang gusto ko ng umalis dito ah'
"Oo naman bebegirl"nakangiting sabi naman ni bakla 
"Great!"tuwang-tuwa na sabi ni angel.
"I Love u na talaga Bebeboy"sabi pa niya,sabay kiss sa pinge ni bakla 'harap-harapan talaga, hello may nasasaktan dito' gusto ko sanang sabihin.
"Kaw talaga Bebegirl"sabay pisil sa pisnge ni angel 'go lang! Sige patuloy niyo lang!'
"Okay ka lang?"bulong na tanong sa akin ni Jeric. 
"Tingin mo?"balik na tanong ko sa kanya. Tinapik naman niya ang balikat ko sabay ngumiti. Kita ko naman na nakatingin pala ang dalawa.
"Ang cute niyong tinganan dalawa, di ba bebeboy?"nakangiting sabi ni angel.
"ano naman ang cute dun, kumain na lang tayo!"sagot naman ni bakla. 'Eh di wow'
"Alam mo selos lang yan!" bulong sa pa sa akin ni Jeric
"sira!"bulong ko din sa kanya sabay hampas sa kanya. Kita ko naman ang sama ng tingin sa amin ni bakla
"kahit pala sa restaurant may bubuyog din" mahinang sabi niya pa. 
"Maganda at gwapong bubuyog ba iyan, brad?" pang-aasar na tanong ni Jeric. Sinamaan naman siya ng tingin ni bakla.
"Hay naku! Kumain na nga tayo"pagputol sa kanila ni Angel. Kaya kumain na lang kami,
"Sam try mo ito" biglang sabi ni Jeric na nakaakmang susubuan ako,sinamaan ko naman siya ng tingin. Pero tumingin lang siya akin na parang nagsasabi na'sakyan mo na lang'. Tumingin naman ako kay bakla na ang sama ng tingin sa amin, 'kala mo ha' ngumiti ako sa kanya tapos
"wow!ang sarap naman nito" nakangiting sabi ko kay Jeric.
"Sabi ko sayo eh!masarap talaga mga food dito eh"nakangiting sabi niya na parang nang-aasar talaga. Tiningnan ko naman si Bakla, kita ko nakatingin siya sa akin kaso ng tumingin ako ay umiwas naman siya.
"Wow sweet niyo naman!"sarcastic na sabi ni Bakla "inggit ako Bebegirl, tayo din, try mo ito,say ah..." sabi pa niya sabay subo kay Angel. 'napasimangot naman ako' 
"masarap ba BEBEGIRL?" tanong pa niya, habang nakatingin sa akin na parang ng aasar. 
"Oo naman Bebeboy, sweet mo talaga!"sabi naman ni Angel. 'kakagigil!!'
"aray!"biglang sabi ni Jeric
"ha?"takang tanong ko
"aray! Sabi ng pagkain mo,pinanggigilan mo kasi! Maawa ka naman. Hindi naman halatang selos na selos ka niyan"pang-aasar na bulong pa niya sa akin.
"che!!!"sabi ko sa kanya at kumain na lang ako..'kahit nakakawalang-gana ang nakikita ko'

BAKLA P.O.V
Hindi ko rin talaga alam ang pumasok sa utak ng babaeng ito at talagang tinawag pa ang dalawa at niyaya pang magjoin sa amin. Basta daw sakyan ko na lang daw siya...
Okay lang sana kung si Sam lang pero kasama ang buwesit na lalaking ito. May pabulong-bulong pang nalalaman, may pasubo-subo pa, 'ang sarap sakalin!!"'
"Kung nakakapatay lang siguro mga titig mo,siguro patay na si Jeric. Hindi naman halatang nagseselos ka niyan!"natatawang bulong sa akin ni Angel. 
"Ikaw may kasalan nito eh,alam mo naman mangyayari ito. Talagang tinawag mo pa sila para sumama sa atin"ganting bulong ko sa kanya. Tumawa lang naman siya
"Effective naman di ba?, tingnan mo si Sam, parang malapit na akong sugudin hahaha" natatawang bulong ulit niya, napatingin naman ako kay Sam, totoo nga nakatingin siya sa amin. Pero agad din umiwas, napangiti naman ako. 'So affected din siya?'
"Nasa plato ang pagkain wala sa mukha ni Sam. Sige ka matunaw yan! Baka umiyak ka!!"pang-aasar pa ni Angel.
"Che!! Kumain ka na lang diyan!!" sabi ko,nanahimik naman siya at kumain na lang din....

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon