CHAPTER 70

182 11 0
                                    

BAKLA P.O.V
Maaga ako nagising, dahan-dahan akong bumangon. Baka kasi magising si Sam. Yeah tama ang basa niyo, magkaabay kaming natulog, 'NATULOG' lang ha. Baka kasi iba ang nasa isip niyo, 'alam niyo na' 
Iyon nga maaga akong gumising dahil may plano ako para kay Sam. Pinagluto ko muna si Sam, hinanda ko muna ang kanyang breakfast. At nilagyan ito ng note. After nun, dali-dali na akong umakyat sa kwarto ko para maligo at mag-ayos. Kailangan kong magmadali, baka kasi magising pa si Sam. Bago ako umalis, pinuntahan ko muna si Sam, at kiniss muna siya, 'hehehe sulitin habang tulog pa siya'.
Nagmadali narin akong bumaba, at nagtungo sa sasakyan ko. Pero bago ako umalis,tinext ko muna ang mga beks, at si angel. Hindi ko isinama si Gigi, alam niyo naman madaldal yun. Dahil sobrang aga pa, hindi pa masyadong traffic. Buti naman! Mabilis lang akong nakarating sa opisina ko.
"Hay! Salamat!"inaantok na sabi ko pa. At naupo muna, antok pa ako kaya umubob muna ako.
"Grabe ka talaga bakla! Talagang binulabog mo tulog namin! Ikaw na talaga!"inaantok din na sabi ni Macy.
"Oo nga! Grabe ka! Sarap pang matulog eh"reklamo naman ni Lucy
"Hindi pa kami kumakain"dagdag na reklamo pa ni flora. Kahit kailan talaga matakaw siya.
"Huwag kayong mag-alala, nagpadeliver na ako. Atsaka ka, huwag na kayong magreklamo, mga kaibigan ko kayo kaya kailangan niyo akong suportahan at tulungan."sabi ko sa kanila. Wala naman silang nagawa kundi ang maupo na lang.
"Ano pa nga ba!"sabi pa ni Macy. Ngumiti na lang ako sa kanila. Maya-maya pa ay pumasok na rin si Angel.
"Pambihira ka bebeboy!! Ginising mo na ako ng maaga. Tapos inutusan mo pa ako!"pambungad na reklamo niya sa akin pagkapasok niya. At ang tatlo naman kaagad tumayo at agad kinuha ang pagkain.
"Hay! Salamat! May pagkain narin"tuwang-tuwa na sabi ni Flora.
"Hoy teka! Wala pang bayad iyan!!"saway sa kanila ni Angel, sabay layo ng pagkain.
"Si Bakla na ang bahala dun! Di ba?"sabi pa ni Lucy.
"Ibigay muna iyan, maya ko na lang bayaran sayo bebegirl"sabi ko kay Angel "Nag-almusal ka na ba?"tanong ko pa sa kanya.
"Yap, kumain na ako"sagot niya sabay abot ng pagkain sa mga beks.
"So ano na? Anong plano? At talagang binulabog mo ang tulog namin!"pagtatanong pa niya.
"Sandali lang naman! Hayaan mo munang kumain iyong tatlong iyon!"sagot ko sa kanya sabay turo ko sa tatlo.
"Okay!"sabi pa niya "Hoy! Kayong tatlo! Bilisan niyo na diyan baka biglang dumating na si Sam, hindi pa kayo tapos diyan."sabi pa niya sa tatlo.
"Grabe naman kayo! Nag-uumpisa palang kumain gusto niyo tapusin na kaagad! Gusto niyo ba maluugan kami"reklamo naman ni Macy
"Hindi naman, kahit ikaw na lang ang maluugan, okay na yun"sagot naman ni Angel sabay ngiti kay Macy. Sinamaan naman siya ng tingin ni Macy. 'Heto na naman'
"Kahit kailan talaga ang sama mo sa akin!"sabi naman niya Kay Angel.
"Hahaha, sadya namang mas masama ka kaysa sa akin"pang-aasar pa ni Angel.
"Alam mong babae ka! Nakakainis ka na! Hindi ka na nakakatuwa!"inis na sabi ni Macy at akmang susugurin si Angel.
"Hep!hep!hep! Magsitigil na nga kayong dalawa. Hanggang ngayon ba naman ganyan pa rin kayong dalawa."saway ko sa kanilang dalawa. Tumigil naman silang dalawa, pero masama parin ang tingin sa isa't-isa.
"Ano ba ang problema niyo sa isa't-isa ha?"tanong ko pa, daig pa nilang dating magjowa eh. Natahimik naman silang dalawa.
"Oo nga! Bakit sa tuwing magkikita kayong dalawa ay daig niyo pang aso't pusa?"dagdag na tanong pa ni Flora sa dalawa.
"True, akala ko okay na sila, di ba nga ang tagal na nilang hindi nagkita. Pero parang mas lumala pa yata eh. Umamin nga kayong dalawa, may past ba kayo na hindi namin alam ha?"dagdag pa ni Lucy. Kita ko naman nanlaki ang Mata ng dalawa.
"Yuck! Kami! Eww!"parang nadidiring sabi ni Angel.
"Wow ha! Kung makayuck ka diyan ah! Akala mo naman trip kita.eww din!"ganting sabi naman ni Macy.
"Hoy di rin kita trip no! Baklang panget!"sigaw naman ni Angel.
"Aba! Kung makapagsabi ka ng panget ah! Bakit maganda ka ba?"ganting sigaw naman ni Macy Kay Angel. 'Hay, naku'
"Oo naman! Hindi mo ba nakikita ha!"sabi naman ni Angel. 
"Kayong dalawa, magsitigil na nga kayo!! Papaalala ko lang sa inyong dalawa ha. Nandito kayo para tulungan ako, hindi para magbangayan. Kaya pwede ba kung ano man ang problema niyo sa isa't-isa ay kalimutan niyo na muna ngayon. Pwede ba"saway ko sa kanila. Buti naman at nanahimik silang dalawa at naglayo.
"So okay na ba?"pagtatanong ko pa. Tumango naman ang dalawa. 'Hay salamat'
"So pwede na tayong magsimula sa pagpaplano?"tanong ko ulit.
"Pwedeng-pwede na"nakangiting sabi naman ni flora.
"Kayong dalawa okay na ba?"pagtatanong ko ulit sa dalawa.
"Yeah, okay na kami, di ba?"sagot ni angel at pilit na ngumiti Kay Macy.
"Oo naman"nakangiting sabi naman ni Macy sa kanya. Pero halata namang fake.
"Oh siya! Simulan na natin! Baka dumating na si Sam. At mabuking pa tayo."sabi ko naman.
Excited na ako, this is it Sam.....

Done na ang 70😊
Sorry guys ha now lang siya.

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon