CHAPTER 68

174 10 0
                                    

CHAPTER 68
SAM'S P.O.V
Medyo Gabi na ng makabalik ako ng bahay. Kung saan-saan kasi nagyaya pa si Gigi. Sobra kaming nag-enjoy kaya hindi namin namalayan ang oras. Kaya heto ako, dahan-dahan pumapasok sa bahay. Alam niyo naman, pero mukhang tulog na yata siya, hay salamat!
"Bakit ngayon ka lang"rinig kong may nagsalita, at hindi na kailangang itanong kung sino yun. Kakamot-kamot akong humarap sa kanya
"Hehehe, hindi kasi namin namalayan ang oras eh, pasensiya na"paliwanag ko sa kanya. Ramdam ko naman na naglakad siya palapit sa akin. Kinabahan naman ako, galit kaya siya?
"Bakit di mo ako tinawagan? Di ba sabi ko sayo, lagi kang magsasabi kung malelate ka. O nasaan ka, alam mo naman na nag-aalala ako sayo eh."malambing na sabi niya, habang hawak-hawak ang mukha ko.
"Sorry, hindi na mauulit"nakangusong sabi ko pa, ngumiti naman siya.
"Alam mo naman na hindi ko kayang magalit sayo"sabi niya sabay pisil sa ilong ko. Lalo naman akong napanguso.
"Kumain ka na ba?"tanong pa niya. Tumango naman ako sa kanya.
"Sayang pala! Hindi pa kasi ako kumakain. Hinihintay kasi kita, nagluto pa naman ako"malungkot na sabi niya, nakonsensiya naman ako. 
"E di kakain ulit ako, sabayan kita"sabi ko tapos ngumiti sa kanya. Sa totoo niyan busog na talaga ako. Pero ayaw ko naman na masayang effort niya.
"Talaga?"paninigurado niya, tumango naman ako. Ngumiti naman siya,.
Magkatulong kaming nagprepare ng aming kakainin.
"O bakit isang plato lang? Akala ko ba sasamahan mo akong kumain"takang tanong niya.
"Sabay nga tayong kakain, isang Plato lang iyan kasi share na lang tayo."nakangiting sagot ko sa kanya. Ngumiti naman siya na parang kinikilig.
"Hahaha, hala siya! Kinikilig ka ano?"pang-aasar ko sa kanya.
"Huwag ka nga!"sabi niya, lalo naman akong natawa.
"Tara na nga! Kumain na tayo"pag-aya ko sa kanya. Uupo na Sana ako sa kaabay niya, ng bigla niya akong hilahin at pinaupo sa kandungan niya.
"Hoy! Ano ba!"sabi ko sa kanya sabay Palo
Natawa naman siya.
"Okay lang iyan, para tipid sa upuan"natatawang sabi niya pa lalo ko naman siyang pinalo.
"Loko ka"natatawang sabi ko sa kanya.
"Joke lang! Eto naman, di ba nga share na lang tayo sa pagkain. E di magshare na rin tayo sa upuan. Para mas sweet pa lalo"sabi niya sabay kindat sa akin.
"Galing! Iba din"natatawang sabi ko sa kanya. 
"At paano naman tayo kakain nito aber?pagtatanong ko pa sa kanya.
"Ganito"sagot niya sabay subo sa akin,
"Di ba? Kaya naman, ako naman subuan mo"sabi pa niya. Kaya sinubuan ko na lang din siya. Mukha lang kaming baliw pero sweet,hehehe. Parang nakalimutan kong busog na pala ako.
"Masarap ba ang niluto kong adobo?"tanong pa niya.
"Sobra"sagot ko
"Pwede na ba?"tanong niya ulit
"Ha? Anong pwede na? Di ba sabi ko masarap nga siya"sagot ko ulit sa kanya
"I mean kung pwede na bang mag-asawa?"nakangiting tanong niya, napangiti naman ako
"Oo, pwedeng-pwede na"nakangiting sagot ko sa kanya.
"Bakit may balak ka na bang mag-asawa?"pagtatanong ko naman sa kanya
"Parang ganun na nga, kung papayag siya"sagot naman niya, napatulala naman ako sa kanya. 
"Bakit di mo tanungin, baka pumayag siya"sabi ko pa habang sunod-sunod ang subo ko.
"Hey! Gutom ka ba? Akala ko ba ay kumain ka na? Mabulunan ka. Dahan-dahan lang"paalala pa niya. Pero di ko siya pinansin. Natawa naman siya.
"Pero sa tingin mo papayag kaya siya?"biglang tanong niya ulit. 'Abay Malay ko'
"Hindi ko alam, bakit di mo tanungin, para malaman mo"sagot ko sa kanya, pero patuloy parin ako sa pagkain. Nawala ang busog ko nito, bigla akong nagutom.....

BAKLA P.O.V
Nakatingin lang ako kay Sam habang kumakain, natatawa ako sa kanya. Akala ko ba busog ito?hahaha
"Payag ka ba?"tanong ko sa kanya, tumingin naman siya sa akin.
"Hindi ko nga alam"sagot niya, 'ha ano raw?'
"Anong hindi mo alam?"pagtatanong ko ulit "ayaw mo ba?"tanong ko pa
"Anong ayaw ko? Hindi ko nga alam di ba? Bakit ba ako ang tinatanong mo? Bakit di mo siya tanungin?"sabi naman niya.

Lalo naman akong natawa, ang slow talaga ng babaeng ito. Hinawakan ko naman ang kanyang kamay para patigilin muna siya sa pagkain. Tapos hinarap ko siya sa akin.
"Kaya nga,tinatanong kita di ba? Kung papayag ka"paliwanag ko sa kanya,nakaingin lang siya sa akin.
"So ano nga, papayag ka ba?"pag-uulit ko sa kanya.
"Ako?"turo niya sa sarili niya
"Oo, bakit sino pa ba? Ikaw lang naman ang gusto kong pakasalan ah"seryosong sabi ko habang nakatingin sa mga Mata niya.
"Ako talaga?"di makapaniwalang tanong niya ulit. Natawa naman ako, kahit kailan talaga ang slow niya hahaha
"Oo nga"nakangiting sagot ko "so ano nga papayag ka ba na maging asawa ko?"tanong ko ulit. Hinampas naman niya ako
"Aray! Para saan yun?"reklamo ko
"Kabuwesit ka! Akala ko kung sino na! Ako lang pala!"sabi niya habang hinahampas ako
"Eh ikaw naman talaga, bakit sino ba akala mo?"natatawang sabi ko sa kanya.
"Ihhh basta! Buwesit ka!! Atsaka sari-sari ka na kung ano-anong kalokohan ang mga pinagsasabi mo"sabi pa niya sabay tayo sa upuan.
"Hindi ako nanloloko Sam,seryoso ako. Seryoso ako sa tanong ko kung gusto mo ba akong mapangasawa? Pasado na ba ako sayo para maging asawa mo?"sabi ko sa kanya, natigilan naman siya at tumingin sa akin.
"Seryoso ka talaga?"paninigurado niya
"Oo"sagot ko
"Nasaan ang sing-sing mo?"tanong niya pa, napakamot naman ako sa ulo ko
"Hayun! Lakas ng loob magtanong, wala pa palang sing-sing"sabi pa niya
"Bakit kung may sing-sing na papayag ka?"tanong ko sa kanya, ngumiti naman siya sa akin
"Bakit hindi, kahit ngayon na nga eh, papayag akong magpakasal basta sayo"sabi niya sabay kindat sa akin. At naglakad na siya palayo...
"Ikaw na bahala diyan, ligo lang ako"paalam pa niya. Ako naman nakatulala lang habang nakatingin sa kanya..
Payag daw siya "yes!!!"
Malapit na Sam, malapit na....

Dito ko na tatapusin ang 68 hehehe
Love u guys😘😘😘

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon