CHAPTER 76

154 10 0
                                    

BAKLA P.O.V
Unti-unti kong minulat ang aking mata, teka nasaan ako? Bakit ako nasa hospital? Ano bang nangyari?. Puro tanong sa isip ko, 
"Sam"mahinang tawag ko sa pangalan niya. At hinanap siya. 
"Kuya! gising ka na!"masayang sabi ni Gigi. Tumingin naman ako sa kanya.
"Si Sam?"pagtatanong ko sa kanya, bigla naman nalungkot ang mukha niya. 
Sinubukan ko naman bumangon, kailangan kong hanapin si Sam. Kailangan ko pang makapapaliwanag sa kanya.
"Wait kuya! Teka lang! Sabi ng doctor magpahinga ka muna daw"pigil naman sa akin ni Gigi.
"Okay na ako! Kailangan ko pang hanapin si Sam"pagpupumilit ko
"No kuya! Mag-stay ka lang diyan! Hindi ka aalis!"saway niya pa sa akin.
"Pero kailangan kong hanapin at kausapin si Sam"sabi ko pa.
"Kuya puro ka na lang si Sam! Pwede ba kahit ngayon lang sarili mo muna ang isipin mo. Dahil hindi mo alam kung gaano ako natakot ng makita kitang nakahandusay at walang malay. Sobrang takot ko kuya, akala ko mawawala ka na rin sa akin."naiiyak na sabi niya. Natigilan naman ako at nakatingin lang sa kanya.
"Sorry"hinging paumanhin ko sa kanya.
"Gusto ko lang naman makausap si Sam"mahinang sabi ko pa.
"Naiintindihan ko naman kuya, ang kaso sabi ng doctor magpahinga ka muna. Dahil kung hindi mo aalagaan ang sarili mo, pwedeng bumalik ang sakit mo sa puso."nag-aalalang sabi niya pa. Natakot naman ako, 
"Pasensiya na"napayuko na lang ako. Tama na naman siya
"So kaya kuya magpahinga ka muna. Huwag mo munang alalahanin si Sam. Kami na ang bahalang hanapin siya. Ang kailangan mong gawin ay ang magpalakas."nakangiting sabi niya, tumango naman ako.
"Salamat ha, at pasensiya ka na ulit"sabi ko sabay yakap sa kanya.
"Magiging okay din ang lahat kuya, magiging okay din kayo"dagdag pa niya habang nakayakap sa akin.
"Sana nga, miss na miss ko na siya"malungkot na sabi ko pa.
"Huwag kang mag-alala diyan kuya. Nandito kami para tulungan ka" napangiti na lang ako.
"Pero sandali" sabi ko sabay kalas sa pagkakayakap sa kanya "nasaan nga pala sila?"pagtatanong ko pa
"Iyong tatlo lumabas muna para bumili ng pagkain. Si Angel naman umuwi muna saglit."sagot naman niya.
"Ah, sabagay gutom na ako"nasabi ko na lang. 
Maya-maya pa nga ay dumating na ang tatlo may dalang pagkain. At dahil gutom na ako agad akong kumain. Busy kami sa pagkain ng biglang tumunog ang cp ni Gigi. Napatingin naman kami sa kanya.
"Saglit lang guys ha, Kain lang kayo diyan. Sasagutin ko lang ito"pamamaalam pa niya at lumabas na nga siya.
Nagtaka naman ako,
"Bakit kailangan pa nun lumabas? Pwede naman sagutin sa loob ah?"pagtatanong ko sa tatlo. Nagkatinginan naman ang tatlo
"Ewan lang"sagot nila, pero bakit pakiramdam ko may tinatago sila.
Maya-maya pa ay pumasok na ulit si Gigi na nakangiti.
"Sino yun?"pagtatanong ko sa kanya
"Ha?"sabi naman niya
"Sino yung tumawag sayo? At bakit ka nakangiti diyan?"pagtatanong ko ulit. Ngumiti lang naman siya.
"Wala yun, isang kaibigan ko lang"sagot naman niya
"Kaibigan lang, pero kung makangiti ka diyan"sabi ko naman.
"Masay lang ako kuya, kaya ako nakangiti."sabinaman niya
"At bakit ka naman masaya aber?"pagtatanong ko ulit.
"Eh kasi nga okay ka na"nakangiting sabi pa niya.
Pero bakit pakiramdam ko may tinatago sila......

Done😊
Hope u like it guys😘

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon