CHAPTER 58

189 15 0
                                    

SAM'S P.O.V
Kakatapos ko lang makapagluto ng makita ko si Gigi na pababa sa hagdan habang tawa ng tawa. 'Ano na naman kaya ginawa nito?'
"Oh! Anyare?bakit tawa ka ng tawa diyan?"takang tanong ko sa kanya
"Hahaha, wala! Si kuya kasi"sagot niya
"Ha? Eh ano ang kuya mo?"tanong ko pa
"Wala! Nababaliw lang si kuya"natatawang sagot niya
"Hay! Ewan ko sa inyo! Siya maupo ka na diyan, tatawagin ko lang ang kuya mo"sabi ko sabay talikod para puntahan si bakla
"Hey! Huwag mo na siyang tawagin" pigil naman niya sa akin, napatingin naman ako sa kanya.
"Ha? Bakit naman?"tanong ko
"Eh kasi, busog daw siya! Wala daw siyang ganang kumain"sagot niya, nagtaka naman ako..
"Hoy! Huwag kang sinungaling diyan!!anong hindi ako kakain!?anong busog!"napalingon naman ako Kay bakla.. 'Hehehe ang gulo nila'
"Hi, kuya! Andiyan ka na pala! Akala ko kasi hindi ka kakain eh"natatawang sabi pa ni Gigi
"Siraulo ka!"sagot naman ni bakla."sabihin mo lang matakaw ka! Gusto mo ikaw lang ang kakain"dagdag pa niya
"Hoy! Hindi kaya!"ganti naman ni Gigi
"Hep!hep!hep!"pigil ko sa kanila "mabuti pa ay kumain na lang tayo ano? Kaysa mag-away kayo diyan"dagdag ko pa, natahimik naman ang dalawa.
"Mabuti pa nga"pagsang-ayon ni bakla. Nagpray muna kami bago kumain. Tahimik lang kami kumakain pero pansin ko na nagsisenyasan ang dalawa. 'Ano na naman kaya problema ng dalawang ito?'
"Bakit?"tanong ko,tumingin naman sila sa akin.
"Ha? Anong bakit?"tanong ni Gigi
"Bakit, kayo nagsesenyasan diyan? Anong problema?"tanong ko ulit, nagtinginan naman ang dalawa
"Ha? Eh... Si kuya kasi may gustong sabihin"sagot naman ni Gigi. Tumingin naman ako Kay bakla, mukha naman siyang kinabahan
"Ano yun?"tanong ko kay bakla,umiwas naman siya ng tingin
"Ha?wala!"sagot niya,tapos kumain na ulit siya.
"Pinagloloko niyo ba akong dalawa? Sabi ni Gigi may sasabihin ka, tapos sabi mo naman wala. Ano ba talaga?"naguguluhang tanong ko pa sa kanila
"Si kuya kasi!"sabi naman ni Gigi
"Anong ako?, baka ikaw!"ganti ni bakla.
'Hay naku! Heto na naman po sila'
"Pwede ba tumigil na kayo sa pagbabangayan niyo! Kumain na lang tayo"saway ko sa kanila. 
"Torpe"rinig ko pang sabi ni Gigi sa kuya niya.
"Pakialamero"ganti naman ni bakla. 
"Pag di kayo tumigil diyan! Kukunin ko iyang kinakain niyo!"pagbabanta ko sa kanya. Nanahimik naman sila. 'Hay salamat'
Kumain na ulit kami ng tahimik..
"Maiba Sam,matanong ko lang may nanliligaw na ba sayo?"biglang tanong ni Gigi, muntik naman akong mabilaukan..
"Hinay-hinay ka naman sa pagtatanong,"saway ni bakla Kay Gigi sabay bigay sa akin ng tubig.
"Thank u"sabi ko sabay kuha ng tubig
"Anong problema sa tanong ko? Nagtanong lang naman ako ah!"sabi naman ni Gigi
"Ayusin mo kasi! Huwag kang manggugulat!"sagot naman ni Bakla.
"Ayos naman ang tanong ko ah"pangangatwiran pa niya.
"Hay!naku! Tumigil na nga kayo diyan! OK lang"saway ko sa kanila 
"So ano nga Sam? May nanliligaw na ba sa iyo?"pagtatanong ulit ni Gigi, napatingin naman ako Kay bakla...
"Sa totoo niyan....meron"sagot ko,kita ang gulat sa mukha nilang dalawa
"Talaga?"gulat na tanong ni Gigi
"Oo, meron"nakangiting sagot ko, habang nakatingin Kay bakla. 'Hahaha'
"Sayang naman pala!mukhang mauunahan pa yata ang isa diyan!"may panghihinayang na sabi ni Gigi. "Aray!!"biglang sigaw pa niya
"Bakit? Anong nangyare?"nag-aalalang tanong ko
"Ha,,eh wala!"sagot niya 'ano raw'
"Ah okay"sabi ko, bigla ko naman naalala na Sunday pala bukas. Balak ko pumunta sa church.
"Ah bakla naalala ko! May pupuntahan pala ako bukas"sabi ko pa,napatingin naman si bakla sa akin
"At saan naman ang punta mo?"mataray na tanong niya
"Sa-"
"Saan ha? Bakit hindi ka makasagot?siguro kasama mo na naman yung Jeric na yun ano?"putol niya sa sasabihin ko 'paano kaya ako sasagot,dada siya ng Dada diyan'
"Mal-"
"Hindi pwede! Hindi ka pwedeng umalis!"sabi ulit niya. 'Ano!!!'
"At bakit naman?"inis na tanong ko sa kanya.
"Basta hindi pwede! Lalo na at kasama mo pa pala yung jeric na yun!!sagot niya.
'Bakit sinabi ko ba na si Jeric ang kasama ko?'
"Wala kang karapatan pagbawalan ako! Basta aalis ako bukas!"inis na sabi ko sa kanya, lalo naman siyang nagalit ' siya pa itong galit'
"Hindi pwede!! Bingi ka ba? Hindi pwede!!,hindi ka ba nakakaintindi" sigaw niya sa akin. 'Ginagalit talaga ako nito'
"Hoy!ikaw iyong hindi makaintindi!!!"balik na sigaw ko sa kanya.
"Ikaw ang hindi makaintindi!! Pagsinabi kong hindi ka aalis hindi ka aalis!!! Tapos!!!"galit na sigaw niya sa akin. 
"At bakit hindi ako pwedeng umalis ha?bigyan mo ako ng magandang rason!"galit na tanong ko sa kanya.
"Dahil..ano.."
"Dahil ano?"tanong ko 
"Dahil may pupuntahan tayo bukas"sagot niya 'ha?'
"At saan naman tayo pupunta bukas aber?"tanong ko ulit
"Basta!"sagot niya 'ano raw basta? Saan yun?'
"Anong basta ka diyan? Hindi ako sasama!"gantingsabi ko pa
"No! Kailangan sumama ka sa akin"sigaw niya pa
"At bakit? Mahalaga ba yun?"tanong mo sa kanya
"Oo"sagot niya
"Bakit di mo masabi sabi sa akin ha! Ano ba yun?"pagtatanong ko sa kanya. Kita ko naman inis na inis na siya
"DATE NATIN!!"nanlaki naman ang aking Mata...
"Date?"pag-uulit ko...

Done hehehe

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon