CHAPTER 81

165 11 0
                                    

BAKLA P.O.V
Umiiyak lang ako habang pinagtitinginan ng mga tao. Kung ibang sitwasyon siguro ito. Mahihiya ako, pero wala na akong pakialam. Nasasaktan ako at wala silang pakialam doon. 
"Kawawa naman siya"rinig kong sabi ng isang babae.
"Oo nga, sino kaya yung girl?"sagot ng babaeng kasama niya.
"Kuya tahan na ikaw"sabi naman ng isang bata na lumapit sa akin. Tapos niyakap ako.
"Look oh candy"nakangiting sabi niya sabay pakita ng candy sa kamay niya.
"Alam mo po ba kuya, kapag malungkot ako o umiiyak. Binibigyan ako ng friend ko ng candy para hindi na daw ako sad. Kaya ibigay ko na ito sayo para hindi ka na kuya umiyak"nakangiting sabi niya pa sabay abot sa akin ng candy. Kinuha ko naman ito at ngumiti sa kanya.
"Thank u ha"pasasalamat ko sa kanya.
"Kuya tingnan mo likod niya may message iyan"sabi niya pa sa akin. Agad ko namang tiningnan ang likod ng candy.
"I love you" iyon ang nakalagay na message, napangiti naman ako.
"Yehey!! Nakangiti kana"tuwang-tuwang sabi niya pa. Ginulo ko naman ang buhok niya.
"Ay kuya huwag po! Hindi na ako pogi niyan"reklamo niya naman. Natawa naman ako.
"Salamat baby boy ha"nakangiting sabi ko "pinangiti mo ako"sabi ko pa
"Wala po iyon kuya, huwag ka ng sad. Panget mo po kasi kapag umiiyak eh"natatawang sabi niya sabay peace sign.
"Ikaw talaga!"sabi ko. "Ano bang name mo?"pagtatanong ko pa
"Ako po si Ej,"nakangiting sagot niya.
"Hi Ej, nice to meet you"nakangiting sabi ko sa kanya "tawagin mo na lang akong kuya pogi"dagdag ko pa
"Okay po kuya pogi"sabi naman niya.
"Sige kuya alis na ako, huwag ka ng umiyak diyan. Love ka niya"pamamaalam pa niya. Napakunot-noo naman ako
"Hehehe nag-iisip, bye kuya love ka ni ate Sam"sabi niya pa sabay takbo palayo.
Hahabulin ko sana siya kaso bigla na lang siyang nawala. Sabagay sa dami ba ng tao dito. Napangiti naman ako, loko iyong bata iyon ah. Tatayo na sana ako ng biglang nagring ang cp ko
"Sino kaya ito?"pagtatanong ko sabay kuha ng cp at sagot sa tawag.
"Hello"sabi ko
Pero walang nagsasalita sa kabilang linya
"Hello sino ito?"tanong ko ulit, pero wala parin.
"Hoy! Kung sino ka man huwag ako! Kung wala kang magawa sa buhay mo. Tumalon ka na lang!"inis na sabi ko. Rinig ko namang natawa siya 
"At talagang tinatawanan mo pa ako"galit na sabi ko pa
"Eh paanong hindi kita tatawanan, kanina lang iyak ka ng iyak dahil sa akin. Tapos ngayon naman nagagalit ka"natatawang sabi niya. Natigilan naman ako at kaagad na tiningnan kung sino ang tumawag.
"Sam"di makapaniwalang sabi ko pa
"Yes ako nga, miss mo ba ako bekibhabe ko?"pagtatanong pa niya. 
"Nasaan ka? Akala ko ba.." 
"Hindi ako tumuloy, may nakalimutan kasi ako"putol niya sasabihin ko.
"Nasaan ka?"pagtatanong ko pa, at inikot ang paningin ko para hanapin siya.
"Sa puso mo"natatawang sabi niya pa. Napangiti naman ako
"Uy, ngumingiti siya"sabi niya pa, napalingon naman ako para hanapin siya
"Nasaan ka ba talaga?"pagtatanong ko ulit, habang hinahanap siya. Pero hindi ko parin siya makita dahil sa dami ng tao.
"Nandito lang ako, hinhintay ka"sagot naman niya. Naglakad-lakad naman ako para hanapin siya.
"Please Sam, pakita ka na. Miss na miss na kita eh"pakiusap ko sa kanya. Rinig ko naman na natawa siya.
"Miss na miss na din kita"sabi naman niya
Nagulat naman ako ng biglang nahawi ang mga tao. At mula doon nakita ko si Sam na nakangiti sa akin habang hawak-hawak ang cp niya.
"Sam"sabi ko at dali-daling tumakbo papunta sa kanya.
"Nandito ka, hindi mo ako iniwan"tuwang-tuwang sabi ko sabay yakap ng mahigpit sa kanya. 
'Thank u Lord!'

Done na and 81😊

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon