CHAPTER 56

190 15 0
                                    

BAKLA P.O.V
Wala ng atrasan ito!!! Nasabi ko narin naman alangan naman bawiin ko pa. This is it!! Bahala na...
"Anong sabi mo?"pagtatanong niya kita ko ang gulat sa mukha niya
"Sabi ko hindi kayo bagay ni Jeric dahil mas bagay tayo"diretsong sagot ko habang nakatingin sa kanya.
"Tayo...mas bagay? Sabi mo?"di parin makapaniwalang sabi niya 'hay ano ba tan! Kulit din niya eh ano?'
"Oo nga! Tayo!"seryosong sagot ko.
"Hahaha...tatawa na ba ako, galing mong magjoke!"sabi naman niya 'pero ano raw? Ako nagjojoke?'
"Hindi ako nagbibiro seryoso ako"pagkumbinse ko sa kanya.
"At tingin mo maniniwala ako? Ganyan ka din dati eh, tapos sasabihin mo joke"sabi pa niya 'ano ba yan!'
"Dati yun! Iba na ngayon Sam, sa tingin mo ba mukha akong nagjojoke ngayon?"paliwanag ko sa kanya.
"Aba'y Malay ko! Ang hirap mo kasi paniwalaan matapos mo kasi akong pauli-ulit na paasahin"dagdag pa niya 
"Sam, oo sira ako nun' pero sana naman maniwala ka sa akin ngayon oh"pagmamakaawa ko pa, nakatingin lang siya sa akin, pero mukha niya'y seryoso. 'Maniwala ka please!'
"Ewan"seryosong sabi niya pa, 'ganito pala kahirap magtapat'
"Sam, oo sira ako! Paasa ako! Bakla ako pero Sam totoo ang sinasabi ko."sabi ko sabay tingin sa Mata niya..'inhale exhale, go kaya mo yan!'
"Sam, mah-"
"Hello guys!!! Surprise!!!"'kabuwesit naman oh!' Inis na inis akong humarap sa nagsalita..
"Hi Kuya! Mukhang seryoso niyo diyan ah? Anong pinag-uusapan niyo? "Pagtatanong pa niya. 'Pasalamat talaga ito kapatid ko siya'
"Alam mo kahit kailan daot ka!"inis na sabi ko sa kanya "Hindi mo ba alam ang salitang Timing?"dagdag ko pa.
"Ha? Anong ginawa ko?"naguguluhang tanong niya.
"Ano ginawa mo?"pag-uulit ko sa tanong niya, tumango naman siya "Ginawa mo lang naman ay ang patayin si Kupido! Buwesit!!"galit na sagot ko sa kanya. Lalo naman siyang naguluhan.
"Ano?"pagtatanong pa niya, 
Pero hindi ko na siya pinansin, asar naman!! Nandun na eh!! Masasabi ko na kaso...
"BUWESIT TALAGA!!"sigaw ko habang paalis papunta sa kwarto ko,..
SAM'S P.O.V
Hindi ko alam kung ano ba dapat kong maramdaman, kikiligin ba ako? Maiinis? O matatawa? Naghalo-halo na eh. Pero isa lang sigurado ako, sobra akong nanghihinayang!! Nandun na eh, feeling ko aamin na siya kaso wrong timing itong si Gigi, parang sarap palayasin...
"Hoy girl! Anyare Kay Kuya? Bakit inis na inis yun? Ano bang ginawa ko?"sunod-sunod na tanong niya. 'Nagtanong ka pa'
"Eh kasi Gigi, wrong timing ka kasi"nahihiyang sagot ko
"Ha? Wrong timing? Bakit ano ba ang pinag-uusapan niyo kanina?"tanong niya pa
"Wala, kalimutan muna!"sagot ko.
"Ano nga yun"pangingulit pa niya. "Don't tell me umamin na si Kuya sayo?"tuwang-tuwang sabi pa niya 'sana kung di ka lang sana dumating' parang gusto kong isagot sa kanya, pero ngumiti na lang ako
"Hoy ano na? Umamin na ba sayo si kuya?"pagtatanong niya ulit.
"Ha? Hindi"sagot ko
"Ay ano ba yan! Ang hina naman ni Kuya,bakla talaga yun! Ang torpe niya ha!"may halong inis na sabi pa niya.
"Hehehe alam mo sa totoo niyan, muntikan na sana"sabi ko sa kanya
"Ha? Anong muntikan na?"pagtatanong niya ulit
"Muntikan na siyang mapaamin kanina"sagot ko
"Talaga? Bakit hindi natuloy?"tanong niya ulit 'nagtanong pa siya'.
"Kasi dumating ka.."dire-diretsong sabi ko...nagulat naman siya
"Ako?"sabay turo niya sa sarili niya "ah kaya galit na galit si Kuya! Kaya sabi niya daot daw ako! Kaya pala"sabi pa niya.
"Sorry Sam ha, Hindi ko naman alam eh! Sorry talaga!"hinging paumanhin niya
"Okay lang! Hayaan mo na!"sabi ko na lang sa kanya kahit sobrang nanghihinayang ako.
"Pero huwag kang mag-alala, tutulungan kita mapaamin mo siya"nakangiting sabi pa niya.
"Hehehe, baliw!"natatawang sabi ko sa kanya, 'bakit ba lahat sila excited sa amin'
"Basta girl! Promise ko yan!, trust me"sabi niya pa sabay kindat.
"Ikaw bahala!"pagsuko ko...
"Dito ka ba tutulog?"pag-iiba ko ng usapan
"Oo"nakangiting sabi niya. 
"Ah sige magluluto lang ako, maiwan muna kita diyan"paalam ko pa.
"Sige! Punta lang ako Kay Kuya"sabi niya pa sabay alis..
Hay naku....

Done😘 

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon