CHAPTER 65

216 14 0
                                    

SAM'S P.O.V
Tahimik lang kaming dalawa,habang nakasandal ako sa balikat niya. Gabi na pero still nandito parin kami. Wala naman problema kasi kahit gabi na, maliwanag naman sa pwesto namin. At masasabi kong mas maganda pala dito paggabi. Napapalibutan kami ng kumikinang na mga ilaw. 
"Ang ganda talaga dito"manghang sabi ko, sabay tingin sa kanya, at ganun din siya.
"Maganda nga talaga dito, pero lalong gumanda dahil kasama kita"nakangiting sabi naman niya. 'Galing talaga niyang magpakilig'
"Bolero ka talaga"sabi ko naman sa kanya.
"Hindi ako nangbobola, nagsasabi ako ng totoo. Alam mo Sam, kahit gaano pa kaganda ang isang lugar kung ako lang naman ang nandun, pangit parin,malungkot parin."seryosong sabi niya sa akin, sabay kuha ng kamay ko.
"Pero di ba sabi mo sa akin dati, mas gusto mo ang mag-isa kaysa may kasama, kasi pagmarami magulo lang."sabi ko naman
"Noon kasi akala ko, okay na ang mag-isa, okay na ang walang kasama. Sabi ko dati sa sarili ko okay naman ako ah, bakit kailangan ko pa ng iba. May mga kaibigan naman ako, okay naman ang buhay ko, mayaman naman ako. Noon akala ko sapat na yun para sumaya ako, kasi akala ko noon nasa akin na ang lahat"pagkukuwento niya, nakatingin lang naman ako sa kanya at nakikinig.
"Pero nagbago lahat ng iyon ng nakilala kita, doon ko narealize na malungkot pala ang mag-isa. Okay naman pala minsan ang magulo, iyong maingay."nakangiting sabi niya pa. "Mula ng dumating ka sa bahay ko, dun ko lang nakita ang tunay na Ganda nito. Sabi mo ang Ganda ng bahay ko, ang laki-laki pero alam mo ba na naappreciate ko lang ang ganda nun' ng dumating ka at nakasama kita. Kahit na magulo kang kasama" hinampas ko naman siya. "Hey! Totoo naman na magulo kang kasama, pero alam mo dahil sa gulo mong dala natutunan ko naman kung paano sumaya. Kaya naman mas pipililiin ko pa ang magulo at maingay na araw-araw na kasama ka, kaysa sa tahimik nga pero hindi naman kita kasama"seryosong sabi niya pa habang nakatingin sa akin
"Sam, ikaw iyong liwanag ng buhay ko, ikaw yung Happiness ko. Kaya sana Sam, ipangako mo na hindi mo ko iiwan, na kahit anong mangyari dito ka lang sa tabi ko. Dahil hindi ko na kayang mag-isa Sam. Hindi ko kaya ng wala ka Sam"paki-usap pa niya, kita ko iyong sinseridad sa mga Mata niya habang sinsabi niya yun. Ngumiti naman ako sa kanya at niyakap siya.
"Pangako, hinding-hindi kita iiwan, hindi ako lalayo sayo kahit pa dumating sa point na magsawa ka na sa akin at ipagtabuyan ako"pangako ko sa kanya, umiling-iling naman siya
"Hinding-hindi ako magsasawa sayo, at never kong gagawin ang ipagtabuyan ka."sabi naman niya, at niyakap din ako.
"Kainis ka!"sabay hampas ko sa kanya.
"Masyado mo naman akong pinakikilig eh!"dagdag ko pa. Natawa naman siya..
"Hahaha, dagdagan pa natin iyan"sabi pa niya,
"Ha?"pagtataka ko, ngumiti lang naman siya at tumayo. 
"Pwede ba kitang maisayaw?"pagyaya pa niya sabay lahad ng kamay niya sa akin.
"Sayaw? Pero paano wala namang tugtog dito ah?"pagtatanong ko pa,
"Basta! Ano tara!"sagot niya, 'bahala na' 
Tinanggap ko ang kamay niya at tumayo.
"Para tayong ewan nito, sumasayaw ng walang tugtog"sabi ko pa sa kanya. 
"Sinong may sabing walang tugtog?"tanong niya sabay kindat
"Sadya naman, paano magkakaroon ng tugtog? Eh dalawa lang tayo dito?"sabi ko, ngumiti ulit siya habang inaalalayan ako papunta sa may gitnang pwesto.
"Akala mo lang yun,"nakangiting sabi niya, nagulat na lang ako ng biglang may tugtog...

🎶 I CAN'T FIGHT THIS FEELING ANYMORE🎶

"ha? Pero paano?"takang tanong ko sa kanya,
"Ikaw naman, wala kang bilib sa akin, siyempre lahat ng ito hinanda ko na. Siyempre ayaw ko naman mapahiya"natatawang sabi pa niya, habang sumasayaw kami.
"Ikaw talaga! Dami mong paandar!"sabi ko sabay palo sa kanya.
"Basta para sayo, hindi ako mauubusan ng paandar"sabi niya sabay kindat 
"Ikaw na talaga!"nakangiti kong sabi, 
Ang sarap lang sa pakiramdam, never kong ineexpect ito. Na hahantong kami sa puntong ganito
"Happy ka ba?"biglang tanong niya,
"Oo, sobra-sobra"sagot ko.
"Ako din, sobra kong saya,kasi kasama kita. Never kong inexpect ito, na magkakaganito ako, ang sarap pala sa pakiramdam, salamat talaga sayo Sam"sabi pa niya.
"Ako nga dapat magpasalamat sayo, sa lahat-lahat ng ginawa mo para sa akin. Salamat at nakilala kita, salamat at dumating ka,"pasasalamat ko sa kanya.
"Sam"biglang tawag niya.
"Bakit?"tanong ko
"Pwede bang..."parang nahihiyang sabi niya.
"Pwede bang ano?"pagtatanong ko ulit
"Ahhmm, wag na lang..kalimutan muna"sabi niya, 'ha?'
"Ano nga? Sabihin muna!"sabi ko pa sa kanya. Huminga muna siya ng malalim.
"Sam....
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Can I kiss you?"kinakabahang tanong niya, napatulala naman ako sa kanya. 'Teka ano raw? kiss?'

BAKLA P.O.V
Sobrang lakas ng tibok ng puso ko, sa mga oras na ito. Kita ko ang paglagulat sa mukha ni Sam. 'Ano ka ba naman kasi! Hindi pa naman kasi kayo, kung makahingi ka ng kiss!'saway ko sa sarili ko
"Ahh-" 
"Okay lang Sam, kung ayaw mo hehehe, pasensiya narin ha, kalimutan mo na lang sinabi ko" putol ko sasasabihin niya.
"Tara upo na tayo"pag-aya ko pa, bigla naman niya akong hinampas.
"Aray! Para saan yun?"reklamo ko
"Kabuwesit ka kasi! Sumagot na ba ako ha? Sinabi ko bang hindi pwede!"inis na sabi niya.
"Eh kasi ang tagal mong sumagot, kaya inakala kong baka ayaw mo"pangangatwiran ko sa kanya.
"Bakit masama na ba ngayong magulat? Sa nagulat ang tao eh kaya hindi ako nakasagot kaagad! Ang hilig mo kasi akong pangunahan!"inis pa niyang sabi sa akin. Habang pinapalo ako.
"Teka! Aray!"reklamo ko, 'pero bakit ba siya nagagalit? Ibig sabihin ba pumapayag siya?'
"Kainis ka talaga!! Bakla ka nga-" hindi ko na siya pinatapos sasasabihin niya. Dahil kaagad ko siyang hinila palapit sa akin at hinalikan. Kasabay ng mga fireworks sa kalangitan.......

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon