CHAPTER 84

215 9 0
                                    

SAM'S P.O.V
Iba parin pala talaga kapag narinig mo mula sa bibig niya na mahal ka niya. Ang tagal kong hinintay ito. Ang sarap sa pakiramdam na mahal ka din ng taong mahal mo. 
Kumalas ako ng pagkakayakap sa kanya at nakangiting tumitig sa kanya..
"Salamat"nakangiting sabi ko sa kanya, napakunot-noo naman siya
"Salamat? Iyon lang sasabihin mo? After kong sabi-" kiniss ko naman siya,pero smack lang. Nagulat naman siya, rinig ko naman na naghiyawan ang mga tao.
"Hindi pa ako tapos, kaya manahimik ka muna diyan. Hinayaan kitang magsalita kanina, kaya hayaan mo din ako ngayon"nakangiting sabi ko sa kanya, nakatulalang tumango naman siya sa akin
"Good"sabi ko pa
"Una kitang nakilala bilang Madam G, isang baklang ubod ng sama ng ugali"panimula ko, kita ko naman sumimangot siya
"Baklang walang ibang ginawa kung hindi ang pahirapan ako, kung makapag-utos akala mo ay kung sino. Baklang walang-modo, bastos, kung tumawag palagi na lang pasigaw. Laging galit, wala ng nakitang tama kundi ang sarili niya. Pakiramdam niya siya ay isang Diyosa, kahit hindi naman talaga-"
"Hey! Aray! Grabe ka naman sa akin, kulang na lang sabihin mo sa lahat ng tao dito na ang sama-sama ng ugali ko"reklamo niya, na ikinatawa naman ng mga tao sa paligid namin. Ngumiti naman ako sa kanya at pinalo siya.
"Totoo naman ang sinasabi ko, kaya huwag kang ano diyan! Atsaka huwag ka ngang sumabat diyan, patapusin mo muna ako"saway ko sa kanya
"Okay, sige na nga! Behave na ako"pagsuko niya
"Iyan! So iyon nga, sobrang sama talaga ng ugali mo" sinamaan niya naman ako ng tingin, pero ngumiti lang naman ako sa kanya at nagpatuloy sa pagsasalita.
"Pero unti-unting nagbago ang pagkakakilala ko sayo, hindi ka pala ganun kasing sama. Dahil ng kinailangan ko ng tulong, ikaw iyong nandiyan para tumulong sa akin. Kahit pa nga may kapalit"natatawang sabi ko pa
"Ginawa mo akong katulong sa bahay mo, na ubod ng laki. Pero hindi ko naman nafeel na katulong ako dun."pagkukwento ko pa

"At habang tumatagal na nakakasama kita mas nakikilala kita. At dahil dun, unti-unting nagbago ang nararamdaman ko para sayo. Iyong dating inis at galit napalitan ng paghanga. Dati nga sinasaway ko pa ang sarili ko. Sabi ko huwag kang magpadala diyan! Bakla yan! Pero kainis ka!"sabi ko sabay palo sa kanya
"Bakla ka pero ang sweet mo sa akin! Kaya naman hindi ko na napigilan sarili ko na mahulog sayo. Kaya naasar ako sa sarili ko, na bakit ganun? Ang dami naman iba diyan pero bakit sayo pa? Bakit sa bakla pa?"sabi ko pa, kita ko naman na medyo nalungkot siya.
"Pinilit kong kalimutan iyong nararamdaman ko para sayo. Kasi nga, alam ko naman na hindi mo ako magugustuhan, dahil lalaki naman ang gusto mo. Pero Mali pala ako!"nakangiting sabi ko pa
"Na kahit masakit umasa, hindi ko napigilan. Dahil binibigyan mo ako ng pag-asa na umasa, na baka gusto mo rin ako. At hindi nga ako nagkamali."ngumiti muna ako sa kanya
"Oo nga marami ngang iba diyan! Pero iba ka! Hindi ka katulad nila, hindi ka sila. Kahit siguro pumila pa sila sa harapan ko, kahit ubod pa sila ng gwapo. Hindi ko ipagpapalit ang tulad mo." Kita ko naman ngumiti siya
"Oo bakla ka, pero wala akong pakialam doon. Dahil tanggap kita kung sino ka pa. Tanggap kita kung ano ka pa. Minahal kita kahit bakla ka pa. Kaya hindi ko na kailangan ng iba, dahil ikaw pa lang sapat na"seryosong sabi ko habang nakatingin sa kanya. Kita ko naman na nakangiti siya pero tumutulo iyong mga luha niya. Agad ko naman pinunasan iyon.
"Mahal na mahal kita...bakla"nakangiting sabi ko pa sa kanya. Naghiyawan at nagpalakpakan naman ang mga tao.
"Mahal na mahal din kita Sam" nakangiting sabi din niya.
"KISS!!!"rinig naming sigaw ng mga tao. Napangiti naman kaming dalawa.
"Rinig mo ba iyon? Kiss daw?"nakangiting tanong niya sa akin. Pinalo ko naman siya
"Diyan ka magaling eh!"sabi ko sa kanya, tumawa naman siya. At biglang hinigit ako palapit sa kanya. Lalo naman nagsigawan ang mga tao.
Nakahawak lang ako sa kanya habang nakatitig sa kanyang mata. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso niya, ganun din sa akin.
"Gusto niyo ba magkiss kaming dalawa?"pagtatanong niya pa sa mga tao.
"Hoy ano ba!"sabi ko sabay hampas sa kanya.
"Oo, sige na!! Kiss!!!"sigaw naman ng mga tao. Naikinangiti niya
"Kahit kailan talaga!"sabi ko pa sa kanya
"Bet mo din naman eh"natatawang sabi niya pa sa akin.
"Che! Ewan ko sayo!"sagot ko sa kanya
"Ayaw mo?"pagtatanong pa niya
"Gusto"nahihiyang sagot ko, ngumiti naman siya.
"Pero huwag kang mag-alala, pamaya ko pa gagawin iyon"nakangiting sabi niya sabay lapit ng mukha niya para magnose to nose kami. 
"Ay!!"sigaw ng mga tao. Natawa naman siya, 
"Pasensiya na po kayo, pero masama naman po siguro na ikiss ko siya ay hindi pa naman kami, hindi pa po niya ako sinasagot."paliwanag naman niya sa mga tao. 'Ito na naman po kami sa label'
"Oo nga naman"sabi naman ng mga tao. Nakatingin lang ako sa kanya
"Eh paano magiging tayo? Hindi ka naman nanliligaw. Atsaka paano kita sasagutin, hindi ka naman nagtatanong"sabi ko sa kanya, ngumiti naman siya
"So kapag nagtanong ba ako ngayon, yes ang isasagot mo?"pagtatanong niya pa
"Oo naman!"sagot ko, ngumiti muna siya sa akin. Tapos bumaling siya sa mga tao
"Rinig niyo po yun di ba? Magyeyess daw siya"sabi niya sa mga tao. 
"Oo sige, tanungin mo na siya!"sigaw pa nila
"Ayaw ko po"seryosong sabi niya, nabigla naman ako pati ang mga tao sa paligid namin. Teka ano daw? Ayaw niya?

-done na ang 84 

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon