Chapter 19

271 17 0
                                    

CHAPTER 19 
SAM'S P.O.V
Tahimik lang kami sa sasakyan, pero until now hindi parin ako makapaniwala sa nangyayari. Kanina nagluto siya para sa amin tapos ngayon sinabay pa niya ako, ano ba talagang nangyayari sa kanya? Parang may iba eh...
"Ang Ganda ng ngiti natin ah, ako ba yan?"biglang tanong niya.
"Ha?"naguguluhang tanong ko
"Sabi ko ang Ganda ng ngiti mo, ako ba iyong iniisip mo kaya ganyan ka makangiti" paliwanag niya, umiwas naman ako ng tingin sa kanya.
"Hindi ah! Huwag kang assuming diyan!" Defensive na sabi ko.
"Hindi po ako assuming ano! Halata ka kaya! Hindi ka nga makatingin sa akin ng diretso. Umamin ka nga nagkakagusto ka na ba sa akin?" Sabi naman niya. Nanlaki naman ang mata ko, ano ba pinagsasabi nito?
"Nakadrugs ka ba?" Biglang tanong ko
" oy! Hindi ako ganun!" Tanggi niya naman.
"Eh bakit ganyan ka? Bakit kung anu- ano ang pinagsasabi mo?" Nagtatakang tanong ko.
"Ha?,wala namang mali sa akin," wala daw
"Wala daw! Kanina ko pa napapansin may nag-iba sayo, ang bait mo ngayon ang sweet mo pa" diret-diretsong sabi ko. Ngumiti naman siya tapos tumigil sa pagdadrive.
"Oh bakit ka tumigil?" Takang tanong ko.
"Gusto ko kasi makausap ka ng maayos, di ko magagawa iyon kung nagdadrive ako." Paliwanag niya. 
"Ha? Ano pag-uusapan natin?" Tanong ko ulit.
"Yang issue mo" maikling sagot niya
"Anong issue, wala naman ah" 
"D ba nga naguguluhan ka sa akin, kung bakit ang bait ko ngayon, kung bakit ang sweet ko?, tanong ko lang ayaw mo ba naganito ako? Na sweet ako sayo?" Tanong niya sa akin habang inilalapit ang mukha niya sa mukha ko.
"Oy! Ano ginagawa mo, lumayo ka nga!" Pagtulak ko sa kanya.
"Sagutin mo muna tanong ko, ayaw mo ba?" Tanong niya ulit. Habang nakatingin sa akin. Hindi ko naman napigilan mapatingin sa Mata niya. 
"Hoy! Ayaw mo ba" pangungulit niya
"Hindi, gustong-gusto ko...." mahinang sabi ko habang nakatingin sa kanya. 
"Gusto ko din itong ginagawa ko, okay lang ba sayo?" Sabi niya habang inilalapit pa lalo ang mukha niya
Tumango lang naman ako sa kanya. Pero wait ikikiss niya ba ako? Oh my!!!! Napapikit na lang ako.
"Psssst... Hoy!!.. bakit ka nakapikit?" napamulat naman ako.
"Ha? Wala! Nakapikit ba ako?" Tumawa lang naman siya. Kahiya ka talaga Sam!!! Ano ba iyang mga iniisip mo?bakit ka niya ikikiss ay babae ka at bakla siya....ano ba yan..
"Hahaha , lalo kang gumaganda kapag namumula ka" sabi niya tapos nagdrive na ulit siya. Oh my Sam!!! Huwag kang kiligin,!!! 
Tandaan mo bakla siya.... Pero pwede naman siguro magbago siya ah.. 
Ahhhhh nababaliw na yata ako, kasalanan niya Ito!!! Asar di pwede, umayos ka Sam....

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon