CHAPTER 25

260 14 0
                                    

CHAPTER 25
SAM'S P.O.V
Tahimik lang akong nanonood, pero wala akong maintindihan. Alam niyo ba kung bakit? Dahil lang naman sa katabi ko. Sa halip na makapagfocus ako sa palabas, hindi ko magawa. Paano ba naman kasi! Simple lang nakaakbay siya sa akin habang seryoso siya sa panonood. Kaya heto ako, tulaley, 
"Nasa harapan ang palabas, wala sa mukha ko, baka matunaw ako niyan" bulong niya sa akin. 
"Ha? Eh...ano pinagsasabi mo diyan!nanonood kaya ako" palusot ko. Tumawa lang naman siya ng mahina.
"Ang cute mo talaga! Kapag namumula ka" sabay ngiti. Agad ko namang hinawakan ang mukha ko.
"Hindi kaya ako namumula!"pagtanggi ko, 
"Sige na, hindi ka na namumula kinikilig na lang"sabi niya pa, sabay hila sa akin palapit sa kanya. Ano ba naman itong baklang to! D niya ba alam,, kinikilig ako!!! No Sam!! Huwag magpapahalata..
"Hoy! Yabang mo ha, hindi ako kinikilig sayo!" Dahil ang totoo, kilig na kilig ako. Pero hindi ko sasabihin.
"Hahaha! Bakit sinabi ko bang kinikilig ka sa akin?, tinutukoy ko yung pelikula ha" balik na bulong niya sa akin. Asar! Bakit ba hindi ko naisip yun!! "Huwag kang mag-alala hindi naman halata, na mas kinikilig ka sa akin, kaysa doon sa pelikula" dagdag pa niya, na lalong ikinapula ng mukha ko. 
"Hindi kaya!, huwag kang assuming!" Pagtanggi ko. 
"Talaga ba?" Tanong niya, tapos unti-unting inilalapit ang mukha niya sa akin.
"Hoy! Anong ginagawa mo" sabi ko, habang unti-unting inilalayo ang mukha ko.
"Oh bakit parang kinakabahan ka yata...crazybhabe?" Oh please!!! 
"Hindi ah!"kinakabahang sabi ko "alam ko naman na hindi mo kaya eh" panghahamon ko sa kanya.
"Sigurado ka?" Nakangising tanong niya. Oh my!!!! Ang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. Isang maling kilos lang....
"Oo" mahinang sabi ko, kailangan hindi magpahalata, kahit na daig pang may nagkakarerahan sa dibdib ko. Lalo naman niyang inilapit mukha niya sa akin. Isang lapit na lang maghahalikan na talaga kami. 
"Paano pag itinuloy ko" Itutuloy ba talaga niya? 
"Ituloy niyo na!"

Ha? Ano raw?
"Ay grabe! Ayaw pa itutuloy eh!!" Rinig ko uling sigaw ng mga tao, at alam ko rinig din yun ni bakla. Kami ba tinutukoy nila? Nakatingin ba sila sa amin? Gusto ko sanang lumingon para tingnan kaso, paano? Isang maling kilos ko lang, alam niyo na.
"Gusto mo ba malaman kung tayo ang tinutukoy nila?"tanong ni bakla sa akin. "Bakit d mo tingnan" dagdag pa niya. Bakit hindi siya ang tumingin!!? 
"Ano itutuloy niyo ba iyan o hindi?" Rinig naming tanong ni Gigi." Tingnan niyo mga tao oh! Nag-aabang!, kung hindi niyo pa alam kanina pa tapos ang pelikula! At kanina parin kami nanonood sa inyo! So ano na? Itutuloy niyo ba o hindi? Tuloy niyo na!!" Dagdag pa niya. Oh my!!! Agad naman kaming naglayo ni bakla. At totoo nga tapos na ang pelikula at lahat ng tao sa amin nakatingin. KAKAHIYA!!!!! 
"Ano ba yan!!"rinig pa namin na sabi ng ilan bago lumabas. Ganun ba kami katagal sa ganoong posisyon para hindi namin namalayan na tapos na ang pelikula? Grabe!!! Kakahiya talaga!!!!!
"Oh! Bakit parang natameme kayong dalawa diyan? Tuloy niyo na tatatlo na lang naman tayo dito, o baka gusto niyo lumabas narin ako para kayong dalawa na lang"nang-aasarna sabi ni Gigi. "Sige labas na ako! Tuloy niyo na!! Hahaha, huwag na kayong mahiya" natatawang sabi niya bago lumabas. Kami na lang dalawa ang natira. Guys spell AWKWARD.....

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon