CHAPTER 79

157 10 0
                                    

BAKLA P.O.V
Kaagad naman ako tumayo para puntahan si Gigi. Ano na naman kaya problema nito? Sarap pektusan eh.
"Kuya!!"tawag niya ulit
"Sandali nandiyan na"sigaw ko sa kanya.
"Kuya bilisan mo!!!"sigaw niya pa
"Heto na, ano bang problema mo ha? Makasigaw ka diyan wagas!"tanong ko sa kanya. Kita ko naman na parang hingal na hingal siya.
"Teka lang sandali! Hihinga lang ako"hingal na hingal na sabi pa niya.
"Saan ka ba galing? At bakit pagod na pagod ka diyan? Atsaka bakit ka ba nandito ha?"sunod-sunodna tanong ko sa kanya.
"Pagod na pagod ako kasi tumakbo ako papunta dito. Nagmadali kasi ako"sagot naman niya
"Ano bang lakad no dito? Anong mahalagang sasabihin mo? Siguraduhin mo lang na maganda iyang sasabihin mo. Dahil kung hindi pektus ka sa akin"sabi ko pa na may halong pagbabanta.
"Grabe ka naman kuya, pasalamat ka nga nagmadali akong pumunta dito. Dahil kung hindi sigurado ako iiyak ka"sabi naman niya.
"At bakit naman ako iiyak ha? Ano ba iyang sasabihin mo?"pagtatanong ko pa
"Yun na nga kuya, nagpunta ako dito kasi alam ko na kung nasaan si Sam"sabi naman niya. 
"Nasaan siya?"tanong ko kaagad
"Pagdating talaga kay Sam, nagiging ibang tao ka hahaha"natatawang sabi pa niya. Sinamaaan ko naman siya ng tingin
"Sasabihin mo ba o sasapakin kita"pagbabanta ko sa kanya.
"Eto naman ang seryoso, chill lang"sabi pa niya
"Chill? Paano ako magchichill kung hanggang ngayon hindi ko parin alam kung nasaan si Sam. Kaya pwede ba sabihin muna"may halong inis na sabi ko 
"Oo na heto na! Nalaman ko na si Sam ay doon tumutuloy kina Jeric"sagot niya. Natigilan naman ako, so doon pala siya pumunta, at sa dami-dami ng tao Kay jeric pa talaga. Bakit hindi ko ba naisip yun. Siguro kaya parang hindi niya ako namimiss kasi may nagpapasaya sa kanya. Hindi ko naman namalayan na tumutulo na pala ang luha ko.
"Hoy! Ano ba kuya? Huwag ka ng magdrama diyan! Hindi ito ang oras para magdrama ka. Tumatakbo ang oras oh"sabi naman niya, nagtaka naman ako

"Anong ibig mong sabihin?"pagtatanong ko sa kanya.
"Kuya kapag hindi ka pa kikilos, forever na mawawala sayo si Sam"sabi niya pa.
"Ano ba talaga ang ibig mong sabihin?"pagtatanong ko ulit sa kanya.
"Kuya, ngayon ang alis nina Sam! Kaya pwede ba kumilos ka na diyan"sigaw na sagot niya sa akin. Ako naman at nagulat, teka! Aalis siya? Iiwan niya na talaga ako ng tuluyan? Mas pipiliin niyang sumama dun sa Jeric na yun. Hindi ba niya ako mahal?
"Aray!"reklamo ko ng bigla na lang akong batukan ng kapatid ko
"Bakit ka ba nang babatok ha?"galit na tanong ko sa kanya, nagpeace sign naman siya
"Sorry, eh paano naman kasi kuya! Nagdadrama ka pa diyan. Alam mo na ngang aalis na sina Sam. Tapos ikaw ano? Tutunganga na lang? Wala kang balak habulin siya? Wala kang balak na pigilan siya?"pagtatanong pa niya. Natauhan naman ako,
"Kung ako sayo kuya, aalis na ako para habulin siya. Kasi sigurado ako papunta na sila sa airport. Ikaw din baka hindi mo na siya abutan"pagtataboy pa niya. Agad naman akong nagtatakbo palabas at sumakay sa sasakyan ko. Hindi na ako nakapagpaalam Kay Gigi. Alam ko naman naiintindihan niya.
Tama kailangan kong maabutan si Sam. Hindi ako papayag na iwan niya ako. Kaagad kong pinaandar ang sasakyan ko. 
"Hindi ako papayag Sam na umalis ka, kung kailangan kong paliparin ang sasakyan ko para maabutan ka gagawin ko. Hindi ako papayag na sumama ka sa kanya. Hindi ako papayag na ganito ang maging ending natin. Akin ka lang Sam, tayo lang"
Lalo ko pang binilisan ang pagmamaneho. Balewala sa akin ang madaanan ko, kailangan kong magmadali. Pero tulad ng mga nangyayari sa palabas. Kung kailan nagmamadali ka, kung kailan naman traffic.
"Buwesit"inis na sabi ko
"Parang awa niyo na, padaanin niyo ako. Kaligayahan ko ang nakasalalay dito"pagmamakaawa ko pa.
Bigla naman tumunog ang cp ko, kaya agad ko itong sinagot.
"Hello"sagot ko
"Hello kuya, nasa airport ka na ba?"pagtatanong pa niya.
"Wala pa, papunta pa lang ako.traffic kasi"sagot ko
"Naku kuya! Nasa airport na daw sina Sam. Kaya bilisan mo na, baka hindi mo siya maabutan"sabi pa niya, lalo naman akong nabuwesit. Kaya tinalsik ko ang cp ko.
"Kaiinis!!!! Pag hindi ko naabutan si Sam, papatapon ko kayo palabas ng earth. Tandaan niyo iyan!!"inis na sigaw ko pa.
Tila dininig naman ang dasal ko at tila natakot sila. Dahil lumuwag ang traffic. Kaya kaagad kong binilisan ang pagpapatakbo. Walang dapat sayangin na oras....
Laban para sa forever namin ni Sam...

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon