CHAPTER 39

218 16 0
                                    

CHAPTER 39 
SAM'S P.O.V
Heto ako nakatulala, iniisip ko parin kung paano kami magkakaayos ng bekibhabe ko. Wala rin siyang inuutos sa akin. Simula ng pumasok siya sa opisina niya kanina, hindi parin siya lumalabas.
"Ano bang gagawin ko?"nakahalumbabang sabi ko. Napansin ko naman na lunch break na pala.
"Puntahan ko kaya siya,tapos yayain kong kumain?"ano ba iyan parang baliw na ako dito eh!! 
"Bahala na!!" Tumayo ako para puntahan siya...
"Sam" rinig Kong may tumawag sa akin. Lumingon naman ako..
"Jeric!" Gulat na sabi ko
"Hi" bati niya sa akin "ready ka na ba? Ano Tara na!"tanong naman niya sa akin. Pero ano raw?,
"Ha?"takang tanong ko
"Don't tell me nakalimutan mo? Di ba sabay tayong maglalunch today" sabi niya pa, oo nga pala!! Ano ba iyan!!!
"Hehehe..sorry nakalimutan ko" nahihiyang sagot ko.
"Okay lang yun' ano tara na!"yaya pa niya.
"Wait ka lang ha! Magpapaalam lang ako" sabi ko at nagtungo ako sa office ni bakla. 
"Ton..tok..tok.." Katok ko pero hindi naman siya sumasagot, kaya binuksan ko na lang ang pinto tutal hindi naman nakalock eh.
"Bakla" tawag ko sa kanya, at nakita ko siya nakaub-ob sa lamesa.
" okay ka lang" sabi ko sabay lapit sa kanya.
"Diyan ka lang" pigil niya sa akin " okay lang ako" sabi naman niya.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya pa, kita ko naman na parang hinang-hina siya.
"okay ka lang ba talaga?"nag-aalalang tanong ko ulit.
"Oo nga!" Sagot naman niya. Pero pakiramdam ko nagsisinungaling siya.
Bakit ka nandito?" Tanong niya ulit.
"Ah..eh papaalam kasi ako" sagot ko.
"Papaalam saan?"balik na tanong niya.
"Lunch break na kasi, magpapaalam muna ako nakakain ako sandali diyan sa labas" sagot ko naman.
"Eh di kumain ka!"walang emosyon na sabi niya.
"Ikaw! Baka gusto mo sumama?"yaya ko pa sa kanya. Kita ko naman na nagliwanag ang mukha niya.
"Su-"
"Sam okay na ba? Nakapagpaalam ka na ba? Tara na?" Biglang sulpot naman ni Jeric. Kita ko naman na biglang sumimangot si bakla.
"Oh hi brad!" Bati pa ni jeric.
"Sandali lang ha! Pasensiya na!,niyayaya ko lang siya kasi," sabi ko naman.
"Wala ako sa mood kumain, lumakad na kayo" sabi naman ni bakla sabay ub-ob. Ano raw wala siya sa mood?
"Ano? Hindi kana rin nag-almusal kanina ah!"biglang sabi ko.
"Sa wala akong gana eh" sabi naman niya "umalis na kayo" pagtataboy pa niya.
"Tara na Sam, hayaan na natin siya" yaya naman sa akin ni Jeric, sabay hila sa akin. Nagpahila na lang ako, bakit ba ganun siya? 
"Okay ka lang ba Sam?" Biglang tanong ni Jeric.
"Ha? Oo naman, bakit mo naman natanong?" Pilit na ngiting sabi ko.
"Ang tahimik mo kasi" sabi niya pa, Ngumiti lang naman ako. Hindi ako mapakali kasi, pakiramdam ko talaga, hindi siya okay eh! 
"Sam!"tawag ni Jeric sa akin, napatingin naman ako sa kanya.
"Bakit? Tanong ko.
"Tulala ka kasi, sasakay na tayo sa elevator oh!"sabi pa niya. 
"Hehehe sorry!"hinging paumanhin ko.
"Okay lang, ano tara na" yaya niya, 
"Sorry talaga Jeric.." 
"Okay lang talaga!ano ka ba!" Putol ni Jeric sa sasabihin ko.
"Ah..eh.hindi kasi" sabi ko pa, kita ko naman na parang naguguluhan si Jeric sa sinasabi ko.
"Ha?"tanong naman niya.
"Sorry talaga,. Pero next time na lang tayo maglunch ha, pasensiya na talaga!" Hinging paumanhin ko pa. Kita Kong nagulat at nalungkot siya.
"Pero bakit?" Malungkot na tanong niya sa akin.
"Basta! Saka ko na ipapaliwanag, pasensiya na talaga, sige ha!" Sabi ko sabay takbo pabalik sa office ni bakla. Rinig ko pang tinatawag ako ni Jeric pero hindi ko na lang pinansin. 'Pasensiya na talaga Jeric' sabi ko sa isip ko

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon