CHAPTER 22

283 15 0
                                    

CHAPTER 22 
SAM'S P.O.V
Agad naman kaming napatayo ni bakla, at tiningnan kung sino ang nagsalita. Oh my!!!! 
"Anong ginagawa mo dito?"agad na tanong ni bakla ng makita si mam Gorgeous, yeah tama ang basa niyo, kahiya nadatnan niya kami ng ganun ang itsura...
"Parang sa lagay na ito ako dapat ang magtanong!" Sabi naman niya "ano ang ibig sabihin ng nadatnan ko kanina?" Tanong niya, kahit gusto Kong magpaliwanag at sabihin wala lang iyon, pero wala akong lakas ng loob, kahiya sobra!!!
"Wala lang iyon! Naghahabulan kasi kami tapos nadulas kami kaya iyon.." Paliwanag naman ni bakla.. 
"Talaga lang ha?" Parang hindi naniniwalang sabi ni Mam G.
"Oo! Iyon ang nangyari! Kaya sagutin mo ang tanong ko, ano ginagawa mo dito aber??" Tanong ulit ni bakla. 
"Eh! Anong ginagawa niya dito?" Sabay turo sa akin " huwag mong sabihin na dito siya nakatira" sabay tingin sa aking suot. Yeah malabong maniwala siya kung sinabi kong napadaan lang ako, 
"Dito nga siya nakatira" balewalang sagot naman ni bakla. Na ikinalaki naman ng Mata ng kapatid niya.
"Ano?, ibig sabihin nagsasama na kayo?" Eksaheradang tanong niya.
"Hoy! Mali iyang iniisip mo! Oo dito siya nakatira, dahil wala na siyang matutuluyan, iyon yun" agad na sagot naman ni bakla. 
"Wow! Kuya! Bait mo naman yata" parang nang-aasar na sabi ni mam G.
"Mabait naman talaga ako eh! Hoy huwag mo ibahin usapan bkit ka nandito?" 
"Bakit masama ba napumunta ako dito para dalawin ka?" Nakangising tanong niya,
"Hindi! Nakakagulat lang na narito ka" agad na sagot niya sa kapatid niya.
"Iyon naman talaga balak ko, ang gulatin ka, kaso hindi ko Alam ako pala ang magugulat" nakangising sabi ni mam G. Sabay tingin sa akin.
Umiwas naman ako ng tingin sa kanya.
"Hahaha huwag ka na nga mahiya sa akin Sam" sabi pa niya.
"Hehehe.. Hello po mam Gorgeous"nahihiyang bati ko sa kanya. 
"Gorgeous na lang o hindi kaya ay Gigi, alisin mo na ang po at mam, lakas makatanda eh" sabay ngiti niya sa akin.
"Sige p.. Este sige Gigi" sabi ko.
"Ay muntikan ko na makalimutan! Yayayain Sana kita Kuya, bonding naman tayo miss na kita eh!, sama ka narin Sam para masaya" excited na sabi niya.
" ay kahiya naman, kayo na lang dalawa" nahihiyang sabi ko.
"No! Sumama ka na please !" Pakikiusap niya.
"Wow ha! Parang siguradong-sigurado ka na sasama ako sayo ah" sabi naman ni bakla.
"Dali na Kuya!, minsan lang naman ito eh please" pangungulit ni Gigi 
"Pag-iisipan ko" pang-aasar naman ni bakla.
"Naman eh! Sige ka Kuya isasama ko na lang si Sam, tapos hahanap na lang kami ng kadate, para masaya" pananakot naman niya sa Kuya niya. Pero ano raw? Kadate? 
"Sinong may sabi sayo na sasama si crazybhabe...este Sam sayo" 
"Wait! Anong tawag mo sa kanya?"biglang tanong ni Gigi 
"Sam" sagot naman ni bakla. 
"Hindi eh may tinawag ka sa kanya eh!" Pangungulit ulit ni gigi 
"Wala nga! Akala ko ba aalis tayo?" Pag-iiba ni bakla ng usapan. Iba din! Atsaka akala ko ayaw niya 
"Ay change topic!" Sabay ngusong sabi ni Gigi 
"Pero okay lang, wala ng bawian iyan Kuya!!, sige bihis na kayo para makaalis na tayo!!"tuwang-tuwa na sabi pa niya. So no choice talaga ako ganun?

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon