CHAPTER 8

290 18 0
                                    

CHAPTER 8 "UNTITLED"

SAM'S P.O.V

Dahil maganda ang araw ko, ganado akong magtrabaho. Pero medyo masakit ang ulo ko, agad akong tumayo at kumuha ng tubig at uminom. Baka pagod lang ito, nagpahinga ako ng kaunti at nagpatuloy na ulit ako sa ginagawa ko. Pero sadyang masama talaga ang pakiramdam ko. Parang nahihilo ako, no Sam hindi ka dapat magkasakit!!! Hay! Huwag naman Sana..

"Ms. Ocampo, okay ka lang?" pagtatanong ni madam sa akin. Hindi ko siya namalayan na lumapit.

"Yes po Madam! Medyo masakit lang po ang ulo ko" sagot ko naman. Pero pakiramdam ko talaga hindi okay.

"You sure? Let me check" sabi niya at chineck ang noo ko. "Mainit ka ah" gulat na sabi niya 

"OK lang po ako, inom ko na lang po ng gamot pamaya" 

"Kumain ka na ba?" May pag-aalalang tanong niya. Nag-aalala? Baka akala ko lang iyon

"Hindi pa po"sabay iling ko "pamaya na lang po tapusin ko po muna Ito" dagdag ko pa.

"Hay naku! Wait ka lang!" Sabi niya at umalis na siya. San kaya punta nun? Ewan bahala siya, at ipinagpatuloy ko na ulit ang aking ginagawa.

"Here oh," sabay abot sa akin ng pagkain. " kumain ka muna, tapos heto gamot inumin mo" sabi niya sabay abot sa akin ng gamot.
Agad ko naman kinuha ang gamot, kahit hindi ako makapaniwala si Madam ba talaga ito?.

"Salamat po Madam" nakangiting sabi ko

"Walang anuman, sige!" At umalis na siya.

Hindi ko napigilang magtaka at the same time mapangiti, may natatagong kabutihan din pala siya. At agad akong kumain at uminom ng gamot. Nagpahinga muna ako at nagtrabaho na ulit. Eto na yata ang pinakapaborito Kong araw, mula ng nagtrabaho ako dito. Sana araw-araw ganito, pero iyong wala akong sakit ha.

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon