CHAPTER 62

201 13 0
                                    

BAKLA P.O.V
Tahinmik lang kami sa loob ng sasakyan, kanina ko pa napapansin tahimik siya, at hindi ako pinapansin.
"Sa daan ka tumingin, hindi kung saan-saan! Baka mabangga tayo" masungit na sabi niya.
"Galit ka ba sa akin?"pagtatanong ko, ang sungit niya kasi.
"Hindi!"masungit parin na sagot niya
"Eh bakit ang sungit mo sa akin?"pagtatanong ko pa
"Nagtanong ka pa, kung bakit!"balik na sabi naman niya sa akin.
"Dahil ba kanina? Dun sa kiss?"tanong ko ulit. Sinamaan naman niya ako ng tingin. 'Dun nga!' Agad ko naman tinabi ang sasakayan at hinarap siya.
"Oh bakit mo tinigil?"gulat na tanong niya.
"Para makapag-usap tayo ng maayos"sagot ko
"Wala tayong dapat pag-usapan, buti pa'y paandarin muna ulit ang sasakyan ng makarating tayo sa pupuntahan natin."utos naman niya sa akin.
"Ano naman ang sense kung makarating tayo kaagad dun, kung hindi naman tayo nag-uusap"sabi ko naman sa kanya.
"Nag-uusap naman tayo ah! Anong tingin mo dito? Di ba tayo nag-uusap?"pamimilosopo pa niya
"Nag-uusap nga tayo pero galit ka naman. Paano natin ma-eenjoy ang araw na ito kung ganito tayo"malungkot na sabi ko, tumingin naman siya sa akin
"Sorry, wala naman akong balak sirain ang araw na ito eh! Naiinis lang talaga ako sayo! Dahil sa ginawa mo kanina"sabi pa niya
"Sorry din, alam ko naman mali ang ginawa ko eh."hinging paumanhin ko din, "pero hindi mo ba nagustuhan?"habol na tanong ko pa, pinalo naman niya ako
"Buwesit ka!! Siraulo ka talaga!!!gusto mo sapakin kita?"sabi niya habang pinapalo ako 'ang brutal talaga ng babaeng ito pasalamat siya talaga mahal ko siya'
"Aray! Sandali! Masakit!"reklamo ko sa kanya habang pinapalo pa niya.
"Kainis ka kasi! Nakuha mo pa talagang magtanong! Buwesit ka!"gigil na gigil na sabi pa niya. 
"Joke lang naman yun! Tama na! Bati na tayo!"pigil ko sa kanya. Tumigil naman siya sa pagpalo sa akin, at umayos ng upo.
"Puro ka kasi kalokohan!"dagdag pa niya
"Kaya nga sorry na, please bati na tayo!"pasweet na sabi ko sa kanya,habang nagpapacute. Kita ko naman na ngumingiti na siya.

"Uy! Ngumingiti na siya"panunukso ko pa.
"Che!!"sabi naman niya,pero kita kong pinipigilan lang niyang huwag matawa. 
"Please bati na tayo,"pagpapacute ko ulit, hindi na niya napigil hindi matawa
"Hahaha, parang baliw ka talaga! Oo na bati na tayo. Kahit hindi naman tayo nag-away"natatawang sabi niya pa. Natawa rin naman ako.
"Hahaha, para tayong Ewan dalawa"natatawang sabi ko din.
"Oo nga, ikaw kasi! Sari-sari kalokohan mo"sabi sabay pisil sa ilong ko. 'Pakiramdam ko favorite niya panggigilan ang ilong ko'
"Ouch naman! Trip mo talaga ang ilong ko ano?"reklamo ko,
"Cute kasi"dahilan naman niya "Tara na nga! Sayang ang time"pag-aaya pa niya
"Hindi naman nasasayang, kasama kita eh"sabi ko sa kanya sabay kindat.
"Oo na! Paandarin mo na iyang sasakyan,"utos pa niya
"Okay!okay! Alam ko naman na excited ka na talaga sa date nating ito"tukso ko pa sa kanya, at pinaandar na ulit ang sasakyan
"Kapal mo din! Ikaw po itong excited hindi ako"tanggi naman niya
"Ayaw mo pang aminin, pero tama ka naman excited talaga ako. Halos hindi na nga ako nakatulog kagabi, sa kakaisip kung ano ang mangyayari ngayon"seryosong sabi ko habang focus sa pagdadrive.
"Ikaw lang ba, ako din naman! Halos mabaliw na nga ako, mga paandar mo rin kasi, bakit ka ba ganyan? Kagabi ka pa ah!"pag-amin niya.
"Anong ginawa ko?"natatawang tanong ko
"Asus! Kunwari ka pang hindi mo alam! Kapag ako nasanay, siya ka!"sabi pa niya. Natawa naman ako
"Eh di masanay ka, wala naman akong balak itigil ito eh" hahaha John Lloyd lang ang peg,
"Sana nga, kasi isipin ko pa lang joke lang ang lahat ng ito, parang pinipiga na ang puso ko. Kaya huwag mo akong sanayin sa mga bagay na hindi mo kayang panindigan."seryosong sabi niya, napatingin naman ako sa kanya. Nakatingin din siya sa akin
"Tapos na ang biruan Sam, at gaya ng sabi ko wala akong balak na itigil ito. Wala akong balak na hayaan ka pang mawala sa buhay ko."seryosong sabi ko sa kanya sabay kuha sa isang kamay niya.
Nakatingin lang siya sa akin..
"Sam, aaminin ko bago lang lahat ng ito sa akin, pero handa akong sanayin ang sarili ko, hanggang sa masanay tayo pareho"dagdag ko pa, habang hawak-hawak parin ang kamay niya. Ngumiti naman siya sa akin.
"Salamat"nakangiting sabi niya 
"Hindi, salamat sayo Sam, salamat at dumating ka sa buhay ko"nakangiting sabi ko din sa kanya.
"Kaiinis ka! Ang cheezy mo!!"nahihiyang sabi naman niya.
"Eh di maging cheezy ka rin"sabi ko sabay kindat sa kanya.
"Heh! Magdrive ka na lang diyan!"utos naman niya, sabay hila ng kamay niya
"Bakit mo hinila?"tanong ko
"Nagdadrive ka po kasi, atsaka basa na oh!" Sabi niya sabay pakita ng kamay niya
"Okay lang yun, basa din namin ang akin"pakita ko din ng kamay ko. "Meant to be talaga tayo"pahabol ko pa.. Namula naman siya.....
Napangiti na lang ako habang nagdadrive, pero hindi ko maiwasan mapasulyap sa kanya... Ganda niya talaga!!!!

Done na😘😘😘
Hope u like it guys😊

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon