CHAPTER 47

219 17 0
                                    

CHAPTER 47
BAKLA P.O.V
Woooh!!!!Party!Party!!!! Nandito kami sa bar. Dito ako dumiretso, bakit?simple lang para magsaya!! 
"Ansaya-saya wooh!! Cheers!!!"sigaw ko pa sabay inom. Wala akong ginawa kundi uminom lang ng uminom. 
"Let's celebrate!!! Woooh!!! Finally!!!"patuloy kong sigaw. Yung tatlo naman nakatingin lang.
"Ano ba mga bakla!! Bakit ang tahinmik niyo diyan? Samahan niyo ako mag-inom!! Magdiwang tayo!!!"yaya ko sa kanila, 
"Bakla tama na iyan!! Nakakarami ka na eh!"pigil sa akin ni Macy.
"Hayaan niyo ako!! Gusto kong uminom!!! Gusto Kong magcelebrate!!!"sabi ko sabay inom ulit. "Ang saya di ba? Finally!!! Steven John is back..!!!"natatawang sabi ko "sa wakas naamin ko sa sarili ko na.."putol ko sabay inom" na mahal ko si Sam!!! Mga bakla narinig niyo yun...Mahal ko na si Sam!!!"naluluhang sabi ko, sila naman nakatingin lang nakikinig..
"Mahal ko....si..Sam!!!! Kaya magcelebrate tayo mga bakla!!!! Wooohhh!!!"sabay inom ulit. 
"Bakla tama na yan! Umuwi na tayo"pigil sa akin naman ni Lucy. Umiling lang ako
"Ayaw ko pang umuwi!!! Hindi ko pa kaya!!! Ayaw kong umuwi!!!"
"Beks,tama na yan!!!"sabi ni flora sabay hila ng iniinom ko.
"Ano ba!!!!"sigaw ko "gusto ko pang uminom!! Kaya hayaan niyo ako!!"hindi ko na talaga mapigil iyong mga luha ko...
"Gusto ko mag-inom, kasi.."sabay punas sa luha ko " kasi..ansakit-sakit dito oh..."sabay turo sa dibdib ko "ang sakit mga bakla, nagseselos ako mga bakla!!!"nakangiting sabi ko habang patuloy parin sa pag-agos iyong luha ko.
"Ano ba iyan!"sabay punas "bakit ba ayaw nitong tumigil!"tumingin naman ako sa tatlo
"Oh tahimik kayo diyan!! D ba dapat natatawa kayo!!! Tama kayo!!! Na nagseselos ako!! na may gusto ako Kay Sam!!.. Kaya pagtawanan niyo ako.."
"Beks,tara na! Lasing ka na!!"yaya sa akin ni Lucy "Oo gusto ka namin paaminin, pero masakit sa amin na makita kang ganyan!"
"Buti pa kayo....si Sam kaya..."naiiyak na sabi ko "Pero hindi siguro"sabay punas sa luha ko

SAM'S P.O.V
Mag-eeleven na pero wala parin si bakla. Sobrang nag-aalala na ako sa kanya, ilang ulit ko ng sinubukang tawagan siya kaso patay yata ang cp niya. Gustuhin ko tawagan sina Macy kaso wala akong number ng tatlo.
"Nasaan ka na ba bakla?,uwi ka na!"nag-aalalang sabi ko. 
Maya-maya pa ay narinig Kong may tumigil na sasakyan sa labas. Nagmamadali akong lumabas baka kasi siya na yun. 
"Sam!!"rinig kong tawag sa akin ni Macy. Agad naman akong lumapit, agad kong nakita si bakla tulog sa sasakyan niya.
"Anong nanyare?"tanong ko, nagtinginan naman ang tatlo.
"Hoy! Anong nangyari sa kanya?"nag-aalalang tanong ko.
"Eh kasi Sam, ayaw niyang magpapigil eh! Yan tuloy! Lasing na lasing"paliwanag naman ni Lucy. 
"Sam..."rinig kong tawag ni bakla sa akin, pero nakapikit parin. Napatingin naman ako sa kanya.
"Kanina pa iyan, ikaw lang ang bukam-bibig"nakangiting sabi ni flora, pero kita mo yung lungkot. Nakonsensiya naman ako..
"Sorry"mahinang sabi ko..
"Wala ka naman dapat ihingi ng sorry eh, pero Sana pag-usapan niyo iyan. Pareho niyo lang kasing pinapahirapan ang isa't-isa eh..alam ko na alam mo ang ibig namin sabihin" sabi ni Macy sabay tapik sa balikat ko. Tumango lang ako..
"Siya sige! Mauna na kami! Kaw na ang bahala diyan!" Paalam naman ni Lucy 
"Sige! Salamat sa inyo! Ingat kayo!"sabi ko naman. Tumango naman sila at ngumiti
"Basta yung payo namin ha! Mag-usap kayo" bilin pa ni Macy, at umalis na nga sila.
"Bakla!!"panggigising ko sa kanya.
"Hmmm" 
"Tara na sa loob"sabi ko habang inaalalayan ko siya. 'Bakit ba hindi ako nagpatulong muna sa tatlo? Ang bigat ah!"
"Sam..."rinig kong sabi pa niya 
Pagkapasok namin agad ko siyang hiniga sa sofa. 
"Ang bigat mo!"reklamo ko, "diyan ka lang may kukunin lang ako" paalam ko pa sa kanya, pero hindi ko sure kong narinig niya dahil nakapikit siya. Pero bago pa ako makaalis ay..
"Sam....dito ka lang..."pigil niya sa akin sabay hila kaya napaub-ob ako sa kanya...pero nakapikit parin siya

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon