CHAPTER 2 (MEET THE BOSS)

571 21 0
                                    

SAM'S P.O.V

"Good mor-"di ko na natapos ang pagbati ko dahil sa pagsigaw niya.

"YOU'RE LATE!"

Gosh! Gandang simula naman nito. Mukha ngang nakakatakot siya.

"Sir" kinakabahan kong sambit habang nakayuko. Natatakot kasi akong tumingin sa kanya. Mukha kasing nakakatakot ang itsura niya.

Hindi na ako nagtataka kung bakit ganun na lang mag-usap ang mga nakasabay kong babae kanina. Pero hindi ako magpapatinag, hindi ako magpapadala sa takot! Kailangan ko ang trabaho na ito, kaya kailangan kong magtiis kahit pa nga dragon ang amo ko.

"Sir, pasensiya na po nalate po ako" hinging paumanhin ko.
"Pero hindi naman po ganun kalate"pabulong na sabi ko pa. Salamat na lang at hindi niya ito narinig.

"Sir?"rinig kong ulit niya.
"Sir talaga ang itatawag mo sa akin? Sa itsura kong ito, sir talaga? Hiyang-hiya naman sayo itong putok na putok na make-up ko, pati itong suot ko sa pagtawag mo sa akin ng sir"

Dahil naman sa sinabi niya ay agad akong napaangat ng tingin sa kanya. At ganun na lang ang gulat ko ng makita ang itsura niya.

Gosh! Beki pala ang dragon!

"Bakla po kayo?"late na nang marealize ko na nasabi ko pala ito ng malakas. Kaya napatakip na lang ako sa bibig ko.

Bibig mo din talaga Sam e!

"Ay hindi! Lalaking-lalaki ako, sa itsura ko ba namang ito?"sarcastic na sagot niya.
"Kaloka ka! Obvious naman, nagtanong ka pa" Alanganin na lang akong ngumiti.

Hindi din pala pilosopo si Bakla. Naku! Mukhang magkakasundo kami nito.

"Pasensiya na po, iyong bibig ko din po kasi minsan walang preno..hehehe" hinging paumanhin ko.

"Whatever"sabay irap nito sabay talikod sa akin at nagtungo sa upuan niya.

Sinamaan ko lang naman siya ng tingin. At umaktong hahampasin siya, kaso humarap ito kaya mabilis akong ngumiti sa kanya.

Woah! Muntik na iyon!

"So you are Ms. Samantha Ocampo?"tanong pa nito habang nakataas ang kilay na nakatingin sa akin.

Gusto ko sanang sagutin siya ng 'nababasa niyo naman po di ba?'. Kaso baka iyon pa ang maging dahilan para matanggal ako sa trabaho kaya kailangan kong maging mabait. Kahit na, gustong-gusto ko na siyang isako at ibitin patiwarik. Sarap kalbuhin ng kilay niya! Kainis!

"Yes po sir--este Ma'am pala"

Kaloka! Nakakalito naman siya! Hindi ko malaman kung sir ba siya o ma'am?

"Unang-una sa lahat Ms. Ocampo, ayaw na ayaw kong tinatawag akong 'Sir', sa ganda ko ba naman na ito tatawagin mo akong 'Sir?' Kaloka ka!"

Di ko naman napigilan sarili kong pagkatitigan ang mukha niya. Para hanapin ang gandang sinasabi niya, kaso wala naman akong makita. Pero hindi na lang ako nagkomento pa. Hinayaan ko na lang siya, libre naman mangarap, kaya pagbigyan na.

"Pangalawa, ayaw na ayaw ko ng taong late at tamad!" Lihim naman akong napairap sa sinabi niya.
"Pangatlo, ayaw ko ng maraming tanong. Kung ano ang inutos ko iyon ang gagawin mo, at dapat maayos kung ayaw mo mawalan ng trabaho!  Nagkakaintindihan ba tayo?" Mabilis naman akong tumango.

"Yes po" agad na sagot ko.

"At panghuli, tawagin mo akong Madam G. Short for Ganda" para naman akong nabingi sa sinabi niya.

Wait! Ano raw? Madam G? Ganda?
Ay inang! Lakas-tama ni Madam!

"Bakit? May problema ba tayo doon, Ms. Ocampo?"pagtatanong pa nito, kaya mabilis akong umiling.

"Po? Wala po! Wala pong problema Madam G"mabilis na sagot ko saka ngumiti nang ubod ng ganda sa kanya. Pero inirapan lang ako ni bakla.

Ang sarap talagang sabunutan!

"Mabuti kung ganun"tumatangong sabi pa nito.
"May tanong ka pa ba?"

Para namang gusto kong mapairap dahil sa tanong niya.
Like duh? Kakasabi niya lang na ayaw niya ng tanong ng tanong tapos tatanungin niya ako? Bobo din pala itong si Madam eh. Ang gulo niya!  kasing gulo ng mukha niya.

"Wala na po Madam"agad na sagot ko.

"Okay! Kung ganun pwede ka nang lumabas. Tatawagin na lang kita kapag may kailangan ako sayo" sabi pa nito.

"Sige po Madam, Salamat po." Yumuko muna ako saka tuluyang lumabas sa opisina niya.

Pagkalabas ko ay doon palang ako nakahinga ng maluwag. Pakiramdam ko ay sumuong ako sa isang giyera. Grabe ang kabog ng dibdib ko, hindi ko alam kung dahil ba ito sa takot sa kanya o takot sa mukha niya? Hahaha charot lang po.

Hindi naman gaanong nakakatakot ang itsura niya, maging siya. Huwag lang siyang sisigaw dahil nakakatakot talaga kapag sumisigaw siya. Para siyang isang dragon na bubuga ng apoy, sakto pa na sobrang kapal niyang magmake-up. Kaya lalong nakakatakot, kapag nagagalit siya. Pero kaya ko naman siyang pagtiyagaan. Kaya ko naman siguro pagtiisan ang ugali niya. Basta ba, huwag niya akong pag-initan, dahil baka hindi ako makapagpigil at mapatulan ko siya. Pero hangga't keri ko, ay magtitimpi ako. Kailangan ko talaga kasi ng trabahong ito. Lalo na't wala na akong ibang aasahan kundi ang sarili ko.

Kaya kailangan kong magtrabaho para mabuhay ako. At isa pa, kailangan ko din makapagbayad sa apartment na tinitirahan ko. Dahil kapag di ako nakapagbayad, tiyak na papalayasin ako. Kaya kahit mahirap ay kailangan kong tiisin ang ugali ni Madam, kaysa naman magtiis ako sa gutom.

"Ano pang ginagawa mo diyan? Magsimula ka na sa trabaho! Kakasabi ko palang di ba? Ayaw ko sa lahat ay ang taong tamad!"

Napatalon naman ako sa gulat nang biglang magsalita si Madam. Pero agad ko din inayos ang sarili ko at yumuko na lang sa kanya.

"Pasensiya na po, heto na nga po Madam, pupunta na po ako sa table ko"paalam ko pa sa kanya.

"Good"sagot nito sabay sarado ulit ng pinto. Napaatras pa nga ako dahil sa sobrang lakas ng pagkakasarado niya.

Bastos talaga!

Binabawi ko na ang sinabi ko kanina. Hinding-hindi kami magkakasundo!
Sa sama ng ugali niyang iyan? Tapos sa bait kong ito? Naku! Malabo!

Isang anghel na katulad ko at isang demonyong katulad niya. Napakalabong magkasundo talaga. Parang iyong ganda lang namin, ang layo ng pagkakaiba. Iyong ganda ko kasi madaling makita. Iyong sa kanya kasi kailangan pang hanapin para makita. Get's niyo?

Pero hindi ako magpapatalo sa kanya. Kahit sabihin na boss ko pa siya, wala akong balak na magpaapi. Hindi ako papayag na kawawain niya ano? Atsaka papatunayan ko sa mga mahaderang babae na iyon na magtatagal ako dito.

Dahil iba ako!

                      ⬛⬛⬛⬛⬛⬛⬛⬛

Dapat matatag ka! Huwag kang basta iiyak kapag nahihirapan ka.

                     ⬜⬜⬜⬜⬜⬜⬜⬜

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon